![]() FERNANDO AMORSOLO, 1892-1972 Ang Pintor Ng Ginintuang Pilipino “Mabilis magbago ang liwanag ng araw, at kailangang mabilis ka upang mahuli mo sa larawan ang damdamin nuong nagsimula ka...” --Fernando Amorsolo, ukol sa paggamit niya ng natural ng liwanag sa pagpinta.
“Ang kanyang mga larawan ay sumasabog sa dilaw at mapulang liwanag ng araw kaya nabihag niya ang lubusang ganda ng kalikasang Pilipino...” --Eloisa May P. Hernandez, The American and Contemporary Traditions in Philippine Visual Arts
“Itinanghal niya ang magbubukid sa isang sukdulang paraiso, kung saan laging mapagbiyaya ang kalikasan, at walang nakakaranas ng gutom o gulo. Inibig ng lahat ang kanyang dalagang Pilipina, nakangiti, maputi, nakabihis ng lumang gawing damit na hindi kumukupas sa araw o nasisira sa paggawa sa bukid...” --Thinkquest |
|
Sa paaralan ng sining (School of Fine Arts) ng University of the Philippines (UP) nagtuturo nuon si Dela Rosa, kaya duon pumasok si |
Amorsolo nuong 17 taon gulang. Habang nag-aaral, nakisukob siya sa isang upahang accesoria (apartment) at upang kumita, sumali siya sa mga paligsahan at gumuhit nang upahan, gaya ng “Parusa ng Diyos,” ang unang nobela ni Severino Reyes. Nag-design pa siya ng mga upuan (sillas, chairs) para sa Bureau of Public Works, kung saan siya nakapasok bilang tagapag-guhit (draftsman). Nakatapos siya nuong 1914, isa siya sa mga unang graduate ng UP, nagkamit pa ng mga medalla na parangal.
Nuong 1916, nabigyan siya ng pabuya (grant) ni Enrique Zobel de Ayala upang mag-aral sa Escuela de San Fernando sa Madrid, España, at dumaan siya sa New York, sa America upang magsuri ng iba’t ibang hilig (styles) sa pagpinta. Nakahiligan niya ang pagpinta ng lipas nang maestro, si Diego de Velazquez, at iba pang dating bihasa sa Europa at America. Patuloy siyang namasukan sa Public Works kahit nuong nagsimula siyang nagturo sa paaralan ng sining ng UP, - tumagal nang 38 taon. Tulad ng kanyang Tio Fabian, naging director rin siya ng paaralan, mula nuong 1938 hanggang 1952. |
![]() Nuong 1924 natapos ni Amorsolo ang unang sikat niyang larawan, ang “Planting Rice,” natanyag sa buong kapuluan at America, at nalathala sa mga calendario, mga karatola (carteleras, billboards) at mga lathalang pang-turista. Sumikat siya at nagmistulang gigante ng pagpinta sa Pilipinas mula nuong 1930s hanggang 1950s nang gumihit siya ng marami, at iba’t ibang larawan ng mga tao, kalikasan at mga yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Umabot ang palabas ng kanyang mga guhit hanggang sa New York, sa America, at sa Belgium, sa Europa. Gumuhit din siya para sa mga aklat paaralan, mga nobela, mga disenyo (designs) para sa mga bahay kalakal (comerciantes, companies), at mga cartoon para sa mga pahayagan at magazine, tulad ng The Independent, Philippine Magazine, Telembang, Renacimiento Filipino at Excelsior. |
|
![]() Itinangi si Amorsolo dahil ‘nabihag’ niya ang uri ng liwanag sa Pilipinas. Gumamit pa siya ng paraang tinawag na ‘backlighting,’ - sa likuran ng tao inilagak ang araw kaya naguhit sila sa ginintuang liwanag. Naging favorito siya ng mga Amerkano na nais ipakita sa mga nasa America ang anyo ng kanilang sakop na kapuluan. Marami ang nagbayad nang mahal upang magkaruon ng kanyang mga larawan, o ipaguhit ang kanilang mga larawan sa kanya. Sapat na ang kita niya mula nuong 1930 kaya hindi na siya tumanggap ng trabajo mula sa mga bahay kalakal. |
|
![]() Yumao si Amorsolo sa Manila nuong Febrero 26, 1972. Nuong 1973, siya ang kauna-unahang hinirang ng pamahalaan na Taga-likha ng Pilipinas (National Artist of the Philippines). |
|
![]() Makaluma ang hilig sa pagpinta, makaluma din ang kilos at anyo ni Amorsolo. Pinarangalan niya ng ‘po’ kahit ang mga estudiante niya. Aninaw ito sa kanyang mga larawan. Mahinahon at marangal ang kanyang mga larawan, kahit na ang mga babaing naglalaba, naliligo at nagpapaligo ng mga anak sa ilog, o nakababad sa putik at nagtatanim sa bukid. Magalang at tahimik, bihira magsalita, tinangka niya, maniwaring matagumpay, na maunawaan ang kanyang larawan sa una at isang tingin. Tinanggihan niya ang ‘ganda’ na tanghal sa Europa at ibang bayan. Humugis siya ng sariling wari ng ‘gandang’ Pilipina: Bilugan, hindi pahaba ang mukha. Buhay, hindi mapungay ang mga mata. Maigsi subalit pansinin ang ilong. Matambok, hindi nakausli, ang mga labi. Hindi maputi ang balat tulad ng taga-Europa, hindi madilim na kayumanggi ng karaniwang Malay, kundi makinis at malinaw na hambing sa mga pisnging namumula sa hinhin. Walang galit o pangit sa mga larawan ni Amorsolo, ang nagbigay buhay sa ‘ginintuang’ Pilipino. |
|
Ang pinagkunan
Balik sa itaas
Hindi Karaniwang Mga Pilipino
Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys
Mga Kasaysayan Ng Pilipinas
|