DALAWANG linggo matapos lagdaan ang kasunduan, nuong Deciembre 27, 1897, sumuko si Emilio Aguinaldo at kapatid na Baldomero, si Mariano Llanera at 26 pang mga pinuno (34 sa ibang ulat) sa Biak-na-Bato. Isinuko nila ang mahigit 200 sira-sirang baril, nanawagan sa lahat ng Katipunero na sumuko na rin, bago sumakay sa Urano, isang barkong Español, at nagpatapon (exile) sa labas ng Pilipinas.

Dumating sila sa Hongkong nuong Deciembre 31, 1897. Ika-2 araw, nuong Enero 2, 1898, nilagak ang 400,000 pesos (dolyar Mexicano na paiba-iba ang halaga, sa ibang ulat) sa Hong Kong and Shanghai Bank sa pangalan ni Aguinaldo. Inilipat niya ang baha-bahagi ng salapi sa iba’t ibang banco duon. Wala na silang tinanggap na salapi pagkatapos.

Agad pinag-awayan ng mga patapon

    KASUNDUAN  SA  BIAK-NA-BATO

Pahirap  Ng  400,000  Pesos  Sa  Hongkong

Hindi kinilala ang pamahalaan ng himagsikan kailan man, kaya hindi masasabing kasunduan ng 2 bayan (tratado, treaty) ang ginanap sa Biak-na-Bato. Ito ay karaniwang napagkayarian lamang (contrata, settlement)... Sa tingin ng pamahalaan ng España, ito ay isang suhol (sobornar, bribe) lamang...
                                                -- James A. LeRoy, The Philippines, 1860-1898, New York, 1907
(destierros, exiles) ang hatian at paggasta ng salapi. Mula Enero 4 hanggang Abril 4, 1898, naglabas si Aguinaldo sa banco ng 5,786.46 pesos, ang bahagi ay kita (interest) sa deposito.

Ayaw hati-hatiin ang salapi, sinarili ni Aguinaldo ang paggasta sa pamuhayan (presupuesto, budget) nilang lahat sa bayan na dayuhan sila, ni hindi nila alam ang wika - Intsik o English - at lahat ng gastos, pati damit at sapatos, ay inawas sa deposito. Mahigpit humawak si Aguinaldo, nilista lahat ng ginasta at, dahil wala silang nagawa

dahil walang pera, nag-away-away na lamang sila araw-araw. Mula sa pagiging mga pinuno at ‘malaking’ tao sa Pilipinas, naging karaniwang pakainin na lamang sila.

Unti-unti silang nalugi. Dapat sana, kita (interest) lamang ang gastahin nila upang hindi mabawasan ang deposito, subalit 12,000 pesos lamang ang kita sa isang taon, samantalang ang lakas ng gastos nila ay aabot sa 22,000 pesos santaon. Nuong Abril 1898, dumating pa ang isang malaking problema.

Bayad-Pinsala Sa Pilipinas
Pinamudmod o Kinupit?

Hindi isinali ni Paterno sa contrata ang nalabing 900,000 pesos sa pinayagang bayad-pinsala dahil ibibigay daw sa mga napinsala na hindi naman naghimagsik. Minabuti kong huwag nang usisain ito nuong panahong iyon...
--Capt. Gen. Fernando Primo de Rivera y Sobremonte, ‘Memoria dirigida al Senado...acerca de sa gestion en Filipinas,’ Madrid, Agosto de 1898

Mayruong nakalimot na nasa bulsa pala niya
itong napakalaking salapi...
--Trinidad H. Pardo de Tavera, pahayag sa
‘Report Philippine Commission,’ 1900

ILOKANO ang naiwang pinaka-mataas na pinuno sa Biak-na-Bato nang mag-alisan sina Aguinaldo at siya, si Isabelo Artacho ang hinalal na presidente ng mga naghimagsik duon na nais ‘maka-parte’ sa salaping ibinigay ng España. Nagpulong sina Artacho, Artemio Ricarte, Isidoro Torres, Paciano Mercado (Rizal) at Francisco Soliman Makabulos bago hiningi sa governador ang natirang 400,000 peso, bahagi nila sa suhol upang sumuko. Pumayag naman si Fernando Primo de Rivera subalit sa 200,000 pesos, ang pang-2 ‘hulog’ (installment) na pinaghati-hatian ng mga ‘napag-iwanan’ (abandonados).

Ang hatian sa Pilipinas, tulad ng mga nilaman sa kasunduan sa Biak-na-Bato, ay pulos lihim sa kani-kanila lamang, bagaman at lahat ng binigyan ay inilista at pinalagda sa mga recibo (receipts) na pinagtibay (certified) at nilagdaan nina Baldomero Aguinaldo, Urbano Lacuna at Pio del Pilar sa Manila nuong Abril 6, 1868.

Ang 200,000 pesos na panghuling ‘hulog’ ay hindi ibinigay sa mga naghimagsik, marahil dahil umangal sina Aguinaldo nang makarating sa Hongkong ang balita na nagkamit ng salapi sina Artacho. Wala silang karapatang tumanggap ng salapi na dapat daw ipinadala sa Hongkong, sabi ni Aguinaldo. Itinatwa niya sina Artacho bilang mga taksil (traidores) at inalis sa tungkulin bilang mga pinuno ng himagsikan.

Pagkatanggap ng 5,000 pesos, nagpunta si Artacho sa Hongkong at, kasama ang kanyang abogado, hiningi nuong Abril 5, 1898 ang kalahati - 200,000 pesos - ng suhol na tinanggap nina Aguinaldo. Gagamitin daw ang salapi upang tuparin ang kasunduan sa Manila na magtatag ng pamahayan sa Hongkong para sa ibang mga pinuno ng himagsikan na hindi kasapi sa pangkat ni Aguinaldo.

Pumalag sina Aguinaldo at nagpulong, itinatwa ang tinawag nilang panghu-huthot (chantaje, extortion) at tumangging magbigay ng salapi. Subalit palihim, may ilang Pilipino ang kumampi kay Artacho dahil sa ‘kunat’ (tacañeria, stinginess) ni Aguinaldo at ang buhay nilang parang pulubi.

Naghabla si Artacho sa supreme court ng Hongkong upang pilitin sina Aguinaldo na ilahad ang paggasta sa salapi sa Hong Kong Bank at pigilin (injunction) ang paglabas ng salapi sa banco. Bilang katibayan (evidence), inalok niya ang sipi (copia) ng kasunduan sa Biak-na-Bato, at ang napagkayarian ng mga pinunong naiwan duon nuong Deciembre 19, 1897.

Ayaw ni Aguinaldo masiwalat sa hukuman ang kanilang gawain at gastos kaya pinasiya niyang tumakas, sa Europe o America, sabi niya sa mga kasama. Naglabas siya ng 50,000 pesos mula sa Chartered Bank at bumili ng pasaje sa barko papuntang Europe, kasama sina Gregorio del Pilar at J.M. Leyba.

Bilang kapalit niyang tagapamahala ng salapi sa mga banco, pinili ni Aguinaldo si V. Belarmino. Nuong Abril 7, gamit ang iba-ibang pangalan, umalis sina Aguinaldo 2 araw lamang pagkarating ni Artacho, kaya nang dumating ang patawag (summons) ng supreme court nuong Abril 13, wala na sila sa Hongkong.

Dumaan ang barko nina Aguinaldo sa Singapore nuong Abril 21, 1898, at duon naputol ang kanilang paglakbay nang inabutan sila ng mga naganap sa Pilipinas.

Natapon sa Hongkong

200,000 pesos na pang-2 ‘hulog’ mula kay Primo de Rivera

5,000

Tinanggap ni Baldomero Aguinaldo, kapatid ni Emilio, para kay Ambrosio Moxica, recibo 1

7,000

Tinanggap ni Baldomero Aguinaldo para kay Emilio Riego de Dios, recibo 2

5,000

Tinanggap ni Baldomero Aguinaldo para kay Ambrosio Moxica, recibo 3

1,200

Tinanggap ni Baldomero Aguinaldo para kay Cirilo Arenas, recibo 4

5,000

Tinanggap ni Isabelo Artacho, recibo 11

5,000

Tinanggap ni Isabelo Artacho para kay Florentino Garcia, recibo 5

89,500

Tinanggap ni Pedro Paterno ayon sa kasunduan sa Malacañang nuong Enero 11-12, 1898, recibo 20

6,000

Tinanggap ni Pedro Paterno para kay Mariano Trias, recibo 21

6,000

Tinanggap ni Pedro Paterno para kay Artemio Ricarte, recibo 22

140

Tinanggap ni Pedro Paterno para kay Artemio Ricarte, recibo 26

500

Tinanggap ni Artemio Ricarte, recibo 23

427

Bayad sa mga comisarios dahil isinuko ang Capiz, may 11 recibos, recibo 35

300

Tinanggap ni Pedro Paterno para sa mga comisarios sa Capiz, recibo 6

100

Tinanggap ni Pedro Paterno para sa mga comisarios sa Capiz, recibo 7

60

Tinanggap ni Maximino Paterno, recibo 31

160

Tinanggap ni Urbano Lacuna, recibo 28

500

Tinanggap nina Urbano Lacuna at Pio del Pilar, recibo 29

19,000

Tinanggap nina Urbano Lacuna at Pio del Pilar, recibo 12, 13 at 14

400

Bayad sa paglingkod nina Urbano Lacuna at Pio del Pilar, recibo 34

500

Bayad kina Urbano Luna at Pio del Pilar para sa mga sandatang isinuko, recibo 36

50

Tinanggap ni Mariano Llanera, recibo 30

70

Pasahe ng familia ni Mariano Llanera sa barkong Huensang, recibo 33

14,000

Tinanggap ni Francisco Macabulos, recibo 8

8,000

Tinanggap ni Miguel Malvar, recibo 18

305

Tinanggap ni Paciano Mercado (Rizal), recibo 16

140

Tinanggap ni Paciano Mercado (Rizal), recibo 19

2,800

Tinanggap ni Severino Taiño, recibo 15

1,400

Tinanggap ni Pantaleon Quintero, recibo 17

345

Tinanggap ni Melecio Carlos, recibo 24

60

Tinanggap ni A. Pacheco, recibo 25

20

Ibinayad sa paglilingkod ni Sinforoso de la Cruz, recibo 27

320

Tinanggap ni P. Francisco, recibo 32

5,000

Tinanggap ni Villacosta, recibo 9

14,824

Tinanggap ni Jose Salvador Natividad para sa pangkat ni Novicio sa Baler, pangkat ni Delfin Esquivel sa Jaen, Nueva Ecija, kina Celedonio at Eustaquio de Guzman, kay Juan Payabal, Domingo Santos, kina Camilo at Andres Aquino, kay Julian Paraiso, Estanislao Rafael, Calixto Laureta na presidente ng Muñoz, Nueva Ecija, kina Guillermo Pinedo, Antonio Santos, Mariano Dantes at Mariano Domingo, recibo 10

1,819

Butal ng 200,000 ibinigay kay Baldomero Aguinaldo, recibo 37
_______  

200,000

Kabuoan ng 200,000 ibinigay sa mga naghimagsik sa Biak-na-Bato, may 37 recibos
______

We certify that we were present at the settlement and have examined the original receipts.

(lagda) Pio del Pilar, Baldomero Aguinaldo, Urbano Lacuna        

In the absence of Pedro A. Paterno, M. Paterno signs for him. This copy of the settlement is to be given to Baldomero Aguinaldo.

(lagda) Primo de Rivera        
Manila, April 6, 1898        
______                                                                          

-- Kinuha sa “MALOLOS: The Crisis of the Republic,” ni Teodoro A. Agoncillo,
University of the Philippines Press, Quezon City, 1960

( Ang kabuoan ng nakalista sa itaas ay 200,940 pesos, hindi 200,000. Bagaman at nalathala ito sa aklat ng isang bantog na manalaysay, maaaring huwad o ‘dinuktor’ itong listahan bago niya natanggap. Dapat lamang paniwalaan na lihim itong listahan nuon, malamang nanatiling lihim nang matagal na panahon, at nabunyag lamang nuong panahon na ng Amerkano nang maraming huwad na kasulatan ang lumitaw, tulad ng ‘Kalantiyaw’ at ‘Maragtas.’

( Dapat ding alalahanin na lawak ang kurakot at kupit (graft and corruption ang tawag ngayon) nuong panahon ng Español, at maaaring ginamit lamang ang mga pangalan ng mga naghihimagsik bilang pantakip. Tutuo na nagkamit ng malaking halaga si Pedro Paterno subalit bakit hindi siya kasama nina Pio del Pilar na lumagda sa patibay, gayong ilang recibo ang maniwaring nilagdaan niya? At bakit hinayag ni Primo de Rivera na ipinaubaya niya ang 900,000 pesos kay Paterno nang walang recibo gayong kahit 20 pesos ay may recibo sa listahan? )

Nakaraang kabanata             Ulitin mula sa itaas             Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Aklasan Ng Mga Charismatic Pinoy             Sunod na kabanata