HINDI pa rin tinatanggap kung makasagot na nang gayon sa mga katanungan. Ang “kapatid” na “mabalasik” o matapang ay siyáng nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang hakbang na yaon sa kanyang buhay. Ipinaala-ala na siya ay maaaring umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang kanyang buhay.

Kung ang sumasapi ay nagpumilit pa rin sa pag-anib sa Katipunan, saka lamang siyá ihaharap, may piring uli, sa mga “kapatid” na nagtipon upang siya ay tanggapin. Ang tapang at kabuoan ng kanyang luob ay sinusubok sa ilang paraan.

Minsan ay bigyan ng gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa mga kalahi. Na-iyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na nakulong ng apoy, at sa pagsasalita ng gayon, talagang nagsusunog ng mga papel upang maramdaman ng sinusubukan ang init ng ningas.

Kung hindi nagpakita ng takot ang sinusubukan, aalisin na ang piring niya at palalagdain sa kasulatan ng panunumpang (nakalathala sa

    ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Lagda Ng Sariling Dugo

Alfabeto ng          Abakada ng
Castila               Katipunan

  1.            A   ..................   Z
  2.            B   ..................   B
  3.            C   ..................   K
  4.            D   ..................   D
  5.            E   ..................   Q
  6.            G   ..................   G
  7.            H   ..................   H
  8.            I     ..................   N
  9.            K   ..................   K
  10.            LL   .................   J
  11.            M   ..................   V
  12.            N   ..................   LL
  13.            O   ..................   C
  14.            P   ..................    P
  15.            Q   ..................   K
  16.            R   ...................   R
  17.            S   ...................   S
  18.            T   ...................   T
  19.            U   ..................   X
  20.            W   ..................  W
  21.            Y   ..................   Y
susunod) na ang pinaka-tinta ay dugo na kinukuha ng isáng patalim sa kanyang kaliwang bisig.

Tagalog ang wikang ginamit ng mga kasapi sa Katipunan nguni’t ang kahulugan ng ilang titik ng alfabeto ng Castila ay iniba sa kanilang pagsulat ng mga kasulatan, gayon din sa paglagdá ng kanilang mga sagisag.

Ang titik na A ay ginawang Z, ang C at Q ay ginawang K, ang I ay N, ang L at LL ay J, ang M ay V, ang N ay LL, ang O ay C at ang U ay X.

Ang F, J, V, X at Z ng alfabeto ng Castila ay itinakwil sapagka’t hindi kailangan.

Sa maliwanag na ulat, ganitó ang Abakadá ng Katipunan kung itutulad sa alfabeto ng wikang Castila.

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata