SA HALIP na umurong sa harap ng pagsalungat ni Rizal at ng iba pa sa paghimagsik, bagkús nagka-sigla lalo sina Bonficacio sa pagtatag ng mga balangay at sanggunían ng Katipunan. Buong taon ng 1895 at unang mga buwan ng taóng sumunod, 1896, kanyang naitatag sa buong Maynila at mga lalawigang karatig ang maraming sanga o balangay. Kung anó ang laki ng kaayawan sa paghihimagsik ng mga Pilipinong litaw at may kaya, siya namang higpit ng pagyakap ng mga maralita sa layunin ng Katipunan. Ang mga manggagawa, ang mga taga-bukid at ang mga dukha, ay para-parang nagsiluha kung sila ay pinaliwanagan ng mga adhikain at aral ng Katipunan, at nag-unahan sa pagsapí. Natatag ang Pamunuan ng Katipunan sa pulong ng mga kinatawan ng mga balangay nuong Enero |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Ang Mga Unang Pinuno Ng Katipunan |
|
1, 1896. Nahalal sa Kataas-taasang Panguluhan ng Katipunan ang mga sumusunod:
Kataas-taasang Pangulo (supremo), Andrés Bonifacio; Kalihim (secretary), Emilio Jacinto; Taga-ingat-yaman (treaurer), Vicente Molina; Taga-usig (auditor, fiscal), Pio Valenzuela; mga kawani: Pantaleon Torres, Hermenegildo Reyes, Francisco Carreon, José Trinidad, Balbino Florentino at Aguedo del Rosario. Ang mga balangay at sanggunian ay napatatag na sa maraming puok ng Maynila at mga bayang karatig. Ang mga pangalang taglay ay yaong mga pangalan o bagay na may kinalaman sa ating lahi at sa kalayaang ninasà. |
Naito ang ilan: Dapitan (bayang pinagtapunan kay Rizal); Laong-Laan at Dimas-Alang (mga lagda ni Rizal sa kanyang mga isinulat sa mga pahayagan); Katagalugan, Katotohanan, Kabuhayan, Silanganan, Pagtibayin, Kailangan, Bagong-Silang, Di-Magpapatantan, Di-Tutugutan, Pinanginginigan at iba’t iba pa. Hindi kabilang ang mga babae sa Katipunan subali’t ilan sa kanila, lalung-lalo na ang asa-asawa ng mga kasapi, ay nabigyan ng magagaang na tungkulin. Si Perfecta Simeon, halimbawa, ay ginawang taga-ingat-yaman sa Balangay Maluningning na natatag sa nayon ng San Nicolas, Maynila. |
|
Ilang paraan ang ginamit sa pagpapalaganap ng Katipunan - mga pagpulong nang lihim sa puok-puok, sulok-sulok at bahay-bahay. Tangi sa rito ang mga sulat at limbag na ginawa nina Bonifacio, Jacinto at iba pa, na walang lagda. Nagkaroon din ang Katipunan ng sariling palimbagan at duon inilathala ang 2 bilang lamang ng pahayagang Tagalog na pinamagatang Kalayaan, inilathala nuong ika-1 ng Enero 1896. Isang libo ang mga sipi (copies) ng unang limbag at 2,000 ang ika-2. Ganito nakamit ang salaping ibinili sa palimbagan. Isang araw, dumating si Troadio, kapatid ni Bonifacio na galing sa Australia, may kasamang 2 makabayang taga-Kapis (Capiz ang tawag ngayon), sina Francisco Castillo at Camilo Iban. Ang 2 ay tumama sa loteria ng ilang libong |
piso. Sa pamamagitan ng kanyang kapatid, hinikayat sa Katipunan ang 2 na nagka-luob naman ng halagang 400 piso. Ito ang ibinili ng palimbagan ni Antonio Salazar, isang Masón na may-ari ng Bazar del Cisne, na ipina-baril din ng mga Castila. Sa kanila rin galing ang salaping ibinili ng mga titik sa palimbagan ni Isabelo de los Reyes, na ipinunô sa mga titik ng palimbagan. Walang salapi ang Katipunan at sahol sa mga kagamitan subalit lumaganap pa rin. Ang mga kalupitan at paghamak na rin sa mga Pilipino ng mga nakasakop sa atin nuon ang nagpasiglá sa mga taong bayan upang sumapi sa Katipunan. Bukod dito, si Bonifacio ay talagang may sapat na talino sa paglikha ng mga paraan na sukat |
Ng Bayang Maralita makahikayat sa tao. Ipinasya niyá, tuwing magpulong ang mga balangay, na buklatin ang kasaysayang batbat ng hirap ng Pilipinas. Sa ganito pina-alaala sa mga kapatid ang kaabahan ng katayuan ng lupang-sarili. Tuwing ika-28 ng Febrero, nagdaos ng mga lihim na lamayan patungkol sa 3 Pilipinong pari, sina Gomez, Burgos at Zamora, na ipinabitay ng pamahalaang Castila sa sulsol ng mga frayle. Ano pa’t ang mga pag-usig kina Rizal at mga kasamahan, na para-parang labag sa matuwid, ay siyang lagi nang ipinagunita upang mag-alab ang luob ng mga kasapi. Tutuó, talagang inis na at tigib na tigib ang pusong matiisin ng mga Pilipino sa madlang kaapihang ginawa sa kanila ng mga maykapangyarihan nuon. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |