ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Ang ‘Magdiwang’ at ang ‘Magdalo’ |
![]() Ang kinalabasan ng halalan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pangulo; Mariano Trias, Ika-2 pangulo; Artemio Ricarte, Pangulo ng hukbo; Emiliano Riego de Dios, Pamatnugot ng Digma; at si Bonifacio ay Director del Interior. |
MAHABANG salaysayin, gayon man ay pag-aralan natin ang ilang bagay ukol sa pagpatay kay Andrés Bonifacio. Nuong 1896, may 2 pangkat sa lalawigan ng Kabite na nagsipamatnugot sa paghimagsik duon. “Magdalo” ang pamagat ng isa na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, kapatid ni Kapitang Emilio. Ang nasasakupan ay ang mga kabayanan ng Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmariñas, Silang, Mendez Nuñez at Amadeo. Ang isang pangkat naman ay pinamagatang “Magdiwang,” na pinangunguluhan naman ni Mariano Alvarez, at ang nauukol naman sa dito ay ang iba pang mga kabayanan sa lalawigan. Nakapasok na ang hukbó ng mga Castila sa maraming kabayanan ng Kabite mula nuong napatay ang bayaning si (Edilberto) Evangelista sa Sapote nuong ika-17 ng Febrero 1897. Kaya ang pangkat ng “Magdalo” ay umurong sa San Francisco de Malabon at umanib sa pangkat ng “Magdiwang.” At upang magkaroon ng pagka-kaisa sa pamamatnugot ng paghihimagsik doon, nuong ika-12 ng Marso 1897, nagdaos ng isang pulong sa casa-hacienda sa Tejeros ang mga nagsisi-buo ng 2 pangkat |
|
Si Bonifacio ay hindi tumutol sa kinalabasan ng halalan ngunit si Daniel Tirona ay tumutol sa pakakahalal kay Bonifacio at ipinalagay na “dapat ihalal si José del Rosario sa tungkulin na pinaglagyan kay Bonifacio,” sapagkat ang tao na kanyang ipinalalagay ay “lalong may kaya kaysa napahalal, sa tungkuling hahawakan.” Dito umanó, nagpakita ng hinanakit at puot si Bonifacio. Nagkaroon ng mga kasulatan ng pagtutol sa halalang binanggit sa una. May mga tutol na nilagdaan nina Andrés Bonifacio, Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino de las Alas. Sa dahilang hindi nagkakaisa nuong mga unang buwan ng 1897, ang mga pinuno ng Paghihimagsik na nasa sa Kabite, sina Bonifacio, Aguinaldo at iba pa, ukol sa mga kaparaanan ng kanilang ginagampanan, nagkaroon ng |
mga hinanakitan sa luob ang isa’t isa. Ang hinanakitang yaon ay isinaysay ni Bonifacio na rin sa 2 niyang sulat kay Emilio Jacinto, na ginawa sa Naik nuong ika-16 ng Abril, ang isá naman ay nuong ika-24 ng buwan ding iyon sa Limbon. Ano pa at sa ika-2 sulat ay sinasabing siya ay may hinala na sina Aguinaldo at ang mga kapangkat nito ay ibig “isuko ang buong Revolucion.”
(Maaaring huwad ang mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto. Ayon kay Hector Santos nuong July 13, 1997 sa www.bibingka.com/phg/books/bonifacio.htm, kaiba ang copias ng mga liham ni Ambeth Ocampo sa mga pinagbatayan ni Teodoro Agoncillo sa kanyang aklat, “Revolt of the Masses,” na siya namang pinagbatayan ni Reynaldo Ileto ng kanyang “Pasyon and Revolution.” Pahayag ni Hector Santos sa pagsuri niya sa aklat, “Inventing a Hero” ni Glenn Anthony May, Madison, 1996, na ang mga liham ay unang tinanggap ni Epifanio delos Santos (sa kanya ipinangalan ang EDSA; hindi matiyak kung alam niyang huwad ang mga liham) at “dinoktor” ng kanyang anak, si Jose P. Santos, bago ibinigay kay Agoncillo.) |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |