SA HARAP ng matipuno at may katulisang mga pangungusap na iyan ni (Apolinario) Mabini, ay naitó ang ilang katotohanan.

Ipinadala kay Emilio Jacinto ang sariling taláan ng asawa ni Bonifacio (si Gregoria de Jesus), na ang sagisag ay Lakambini, sinabing si coronel Agapito Bonson ay siyang umanyaya sa kanyang asawa “upang magawa ang pakikipagkasundo,” anyaya na tinanggihan ni Bonifacio.

Si Antonio Guevara naman, isá sa mga kaayon ni Bonifacio, sa isáng sulat kay Jacinto buhat sa Laguna nuong ika-3 ng Mayo 1897, ay nagsabing sina Coronel Intong at ibá pang puno ay nagsadya sa bahay ni Bonifacio, upang hikayatin ito nang sa gayon ay huwag silang magkahiwa-hiwalay. Hindi tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot ng ganito:

“Patatawarin ninyo kung di ko matanggap ang inyong anyaya sa akin. Di na ako manunumhalik kailanman, pagka’t hindi ko na matitis ang mga ginawâ sa akin. Una’y pinagdadamutan kami ng kakanin. At anó ang aking gagawin sa mga balo at

    ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Ang Viuda Ni Bonifacio

Gregoria de Jesus Gaya ng nasabi, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil sa pagpatay kay Bonifacio. Nguni’t ano pa man, minsan pang napatunayan na ang mga dakilang bayani ng isang bayan o ng isang adhika ng matayog na pagpatubós, katulad ni Andrés Bonifacio, ay karaniwang namamatay nang “hindi talaga ng Dios.”

Bagaman at kinitil ang buhay ng nagsimulâ, nagmanukala at nagsikap sa Paghimagsik, ang kalinisan ng adhikŕ ng mga taong bayan sa pakibaka para sa ikalayŕ ng lupang sarili ang napatampok hanggang naihatid sa tagumpay ang Bayan.

Samantala, pabayaan na natin ang Historia - na dî maŕarěng magbulaan at pabulaanan - na maalam maggawad ng marahás na parusa sa sinumang sa kanya’y magkulang, ang siyang magpasyá sa pagpatay sa Dakilŕng Dukhâ ng ating lahî.

naulila, ang mga anak at mga asawa, na natirá dahil sa labanan sa Malabon at Nobeleta?”

“Inaakala ko,” ang patuloy, “na kung sa inyó mangyayari ang mga bagay na itó at buo ang inyong mga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din ng yamot at hinawa. Ikalawa: Naririnig ko riyan na akó raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan ng Kabite at sa gayo’y dapat akong huwág kilalanin. Bonzon Sa ganito nga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan ng maaawa sa akin sa mga lalawigan ng Maynilŕ, Bulakán at Nueba Esiha.

Ang sagot ng mga kausap ay, “Kung gayon ay kami’y magsisiuwi na pagka’t ang mga tao nami’y hindi pa nagsisikain.”

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata