Ang Mga Pilipino
Kapwa nagkukulay ng itim sa ipin ang mga taga-Ladrones at ang mga Bisaya, maaaring pahiwatig ng ugnayan ng mga Bisaya at mga taga-Polynesia nuong Unang Panahon... --Feodor Jagor, Travels in the Philippines, London, England, 1875
MARAMI ang mga pulo dito at marami rin ang nakatirang mga tao na, hindi man mayaman, ay sanay magdamit ng mga tela na hawi sa bulak (cotton) at sutla (seda, silk), at mga alahas na gawa, hindi basta binalutan lamang, ng ginto, pati na ang mga kawit na pangsabit sa katawan o damit. Mamahalin ang mga kuwintas, hikaw, mga singsing sa daliri, sa bukung-bukong (ankle) at mga bisig (pulceras, bracelets) ng mga babae at mga lalaki. Marami sa mga paganda sa katawan ang kapansin-pansin at |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
kataka-taka, subalit isa ay maniwaring higit sa lahat sa kaibahan - ang pagsuot ng mga singsing sa balantok ng sakong (empeine, instep) sa paa. Maniwaring ito ang sinuri ng mga matatanda (ancients) tungkol sa mga tao nuong unang panahon ng daigdig (mondo, world). Ugali daw nila na gumamit ng gintong tanikala (cadenas de oro, gold chains) at gintong tali (cuerdas de oro, gold cords), lalo na ang mga mayaman. |
|
![]() Ganito rin nila pinapaganda: Mula sa pagkabata, kinikikil at pinapatulis nila ang mga ipin, parang talim ng lagari (serrucho, saw). Ang mga matikas, kinikikil nilang pantay-pantay ang mga ipin sa halip na patalimin. Pinapahiran nila ng pakintab (varnish) ang mga ipin pagkatapos, makintab na itim o pulang-pula. Minsan-minsan, bunubutasan nila ang ipin mula sa gilid hanggang sa gitna, saka pupunuin ng maliliit na ginto. Kaya kumikinang ang ginto sa gitna ng mga ipin na itim o pula, at sa kanila, magandang-maganda ito. |
|
MATALAS at maalam ang mga tagarito tungkol sa paglalayag at kalakal, sa pagbili at paglalako. Pinag-iibayo nila ang anumang gawain na ikauunlad nila, lalo na ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop, ang karaniwang pinagkikitaan nila. Mabunyi ang mga ani nila ng palay, na pagkain araw-araw ng mga tagarito. Mayaman din ang ani nila ng bulak (cotton) na ginagawa nilang tela at damit, at inilalako sa iba ang kalabisan - mga tela na minamahalaga ng mga taga-Nueva España (Mexico ang tawag ngayon) at tinatawag duon na lompotes. Mataba ang lupa at mainam ang panahon sa pagtatanim. Mayruon pa silang maraming minahan ng ginto (gold mines) na bahagya lamang nila |
pinapansin dahil mas malaki ang kinikita nila sa kalakal ng mga sutla (sedas, silks) mula sa China.
Nag-aalaga sila ng laksang manok at bibi (patos, ducks) kaya murang-mura ang mga ito, lalo na at maraming ligaw na manok at bibi sa mga bukid at bundok. Hindi mabilang ang mga alaga nilang baboy, samantalang naglipana sa mga gubat at gulod ang mga baboy-damo, matataba lahat at kasing inam ng alagang baboy na kunan ng taba (manteca, lard) at langis. Sangkatutak din ang mga kambing na mabilis dumami - 2 nang 2 kung manganak, 2 ulit taon-taon. Ilang pulo ang punung-puno ng mga kambing. |
May mga vaca na tinatawag nilang carabao (kalabaw), maamo at alaga nila sa bukid. May ibang uri ng carabao na ligaw at naglipana sa mga bundok (tamaraw), mas maliit at ginagamit nilang pagkain lamang. Malalaki ang mga sungay (cuernos, horns) nito, 3 ulit ang laki kaysa sa mga toro (bulls) natin. Magaling ang hayop gumamit ng kanyang sungay, yumuyuko hanggang sumayad ang baba sa dibdib, bago kakawitin ng dulo ng sungay ang anumang o sinumang susuwagin, kahit gaanong kaliit o kabigat. |
Kasindak-sindak ang lakas nito, subalit panay pa rin ang hanap at katay sa kanila ng mga Español at mga indio dahil masarap ang kanilang laman (carne, beef), maging sariwa o pinatuyo. Napakarami ng mga usa (ciervos, deer) kaya dito namimili ang mga Hapon ng mga balat (pieles, hides) at katad (cuero, leather) nito. Ang dagat ay puno ng iba’t ibang uri ng isda. Mga punong-kahoy, frutas, mga gulay at iba pang tanim sa bakuran (jardin, garden) ay masagana, lalo na ang saging (banana) na dito ay sari-saring uri. |
May 6 o 8 uri ng kahel (naranjita, orange), pinaka-bantog ang suha (pomelo, grapefruit), kasing laki ng melon o pakwan. Ang iba ay puti ang laman, tulad ng kalamansi (limon, lime), ang iba ay pula (rojo, red), ang iba naman ay dilaw (amarillo, yellow). Ang lahat, anumang kulay, ay kasing sarap ng ubas (grapes). Ang mga bungang kahoy (frutas, fruits) dito, bagaman at kaiba sa mga frutas natin sa Europe, ay kasing sarap at linamnam. Ang niyog (palma, coconut), na iba’t ibang uri dito, ang nagbibigay dito ng alak at langis. Maliban dito, pinagmumulan pa ng suka (vinagre, vinegar). |
At buhos parang ulan kaya nailalako nila sa mga karatig bayan, lalo na ang alak, sa Japon, Maluku at Nueva España (Mexico). Kahit ang mga lubid (cuerda, rigging) ng barko ay ginagawa mula sa niyog.
Maaaring paniwalaang himala din ang tinatawag nilang cauayan (kawayan, caña, bamboo), ang laki at kapal ay mahirap paniwalaan. Madaling gawin itong cauayan kaya ginagamit sa anumang kailangan sa buhay. Mga lalagyan at mga bahay ay nayayari sa mga bahagi nito, hanggang sa mga gamit sa paglalayag at pagluluto. Sa ibang cauayan, may nakukuhang katas o tubig na masarap inumin at itinatangi bilang rangya (lujo, luxury). |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |