Salot ng Bulutong sa Balayan, Batangas

KUMALAT ang salot duon ng tinawag na bolotong (viruela, smallpox), pumatay sa mga bata at matandang lalaki, mas maraming matanda ang namatay kaysa mga bata. Naging ugali ko ang maglakad sa malalaking lansangan 2 ulit araw-araw, minsan sa umaga at minsan sa gabi. May mga batang lalaki akong inutusang maghanap sa magkabilang panig ng lansangan ng mga tao na nais magkumpisal o magpa-binyag.

Tuwing patawag nila, na madalas mangyari nuon, pinapasok ko ang bahay. Lahat ng sala (living room) duon ay nasa itaas na palapag (upper floor), dahil ginagamit ang unang palapag para lamang sa mga gawaing bahay. Kaya mahirap ding dumalaw sa mga bahay, panay ang panik-panaog, lalo na sa mga hagdan (escaleras, ladders) na gawa sa kawayan - ang gamit ng lahat duon.

Isang araw, habang abala ako sa pagdalaw sa mga maysakit, nadaanan ko

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Espaņola

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

ang isang pangkat ng mga pinunong indio. Nang makita nila ako, nag-alis sila ng mga putong sa ulo at, nakahanay sa isang tabi ng lansangan, sabay-sabay yumuko sa akin bilang pagpugay. Inalis ko rin ang aking saklob (gorro, cap) at tumango ako sa kanila bilang balik-bati, habang patuloy akong lumakad.

Nalaman ko pagkaraan ng panahon na lubos silang nalugod sa parangal ko sa kanila. Bilang ganti, hinintay nila ang pagbalik ko at, nakahanay uli sa tabi ng lansangan, nagpugaysila uli sabay-sabay, at lumuhod pagdaan ko.

MARUNONG mag-Tagalog ang 2 sa amin, natuto kami pagkarating sa kapuluan. Ginamit ito sa pagpapalawak ng simbahan sa paligid ng Manila. Bandang 68 kilometro sa timog (south), ang pinamalaking nayon ay ang Balayan (sa Batangas, sa gilid ng tinatawag ngayong luok ng Balayan o Balayan Bay). Matalino at mabait ang mga tao duon, marami ay mga catholico na bininyagan ng mga frayleng Franciscan.

Namarati ako duon nang 2 buwan, buminyag sa mga bata at mga matanda. Nagpa-kumpisal din ako at nagbigay ng comunion, napakarami ang

tumatanggap, na parang mahal na araw (Lent) sa tingin ko.

SA LIAN, 14 kilometro sa kanlurang hilaga (northwest) ng Balayan, marami akong bininyagan at pinag-kumpisal. Pati na sa kalapit na baranggay ng Manisua. Nuong Miercoles ng Abo (miercoles de cenizas, Ash Wednesday), nagsimba lahat ng tao at nagpapahid ng abo sa nuo. Hindi lamang ito, dinala pa ng mga ina ang lahat ng kanilang mga anak upang mapahiran din sa nuo. Buong pitagan silang naghintay hanggang napahiran na lahat ng naruon.

NATANTO nuong una pa na napakaraming hindi binyagan sa Taytay, Antipolo, at iba pang baranggay sa tabi ng ilog Pasig, bandang 30 kilometro mula sa Manila (sa tinatawag ngayong lalawigan ng Rizal). Kaya inilaan ang mga puok na iyon ng obispo (bishop, na nuon ay si Domingo Salazar) bilang mision ng aming Lipunan ni Jesus (Jesuits).

Masasabi ko lamang ngayon, pagkaraan ng 10 taon, na sukdulan ang aking pasasalamat sapagkat nuong pumasok ako duon, wala pang 40 catholico ang aking natagpuan. Pagkatapos, walang makikita ngayon duon kahit na 4 hindi binyagan. Kung hindi ako nagkakamali, ako lamang ay buminyag sa mahigit 7,000 tao.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata