Paano Makarating sa ‘Calualhatian’

NUONG panahong iyon, maraming mga indio sa luob at labas ng Manila (Intramuros ang tawag ngayon). Mahigit 6,000 ang nagkalat kasa-kasama sa mga bahay ng mga Español, pati na sa mga karatig na puok. Danak sila duon magkumpisal hindi lamang kung mahal na araw (cuaresma, Lent) kundi kahit anong araw, kaya laging kulang ang mga frayle na marunong ng Tagalog, ang kanilang wika, na nagsisilbi sa kanila.

Mayruon akong alam na mga indio na naghintay ng mahigit 10 - 12 araw

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

subalit hindi pa rin nakapag-kumpisal. Sa siksikan ng mga tao sa simbahan, madalas hindi sila nakakalapit sa frayleng nagpapa-kumpisal. Karamihan ay naghihintay maghapon sa luob ng simbahan.

MALIIT na halaga at bahagya lamang nila pansinin ang hinhin (modesty) at pagka-dalisay (virtue) ng mga babae. Paniwala ko pa na sa maraming pulo duon, may pangaral ang mga tao na hindi pupunta sa langit ang sinumang babae, may-asawa man o wala, kung wala siyang mangingibig (amante, lover).

Ang sabi nila, iisang makitid na tulay ang bumabagtas sa mapanganib na ilog sa ‘kabilang buhay’ (afterlife) at ang lalaki ang aakay sa babae patawid sa tinatawag nilang ‘calualhatian’ (cielo, heaven).

Kaya hindi mahalaga sa kanila kung birhen (virjen, virgin) ang isang babae. Kabaligtaran, marami ang nagtuturing na ito ay malas (desgracia, misfortune) at isang kahihiyan. Kahit na ang mga babaing may-asawa ay hindi nagdadalang hiya o nananatiling tapat sa asawa nilang lalaki, bagaman at karumal-dumal ang turing ng lalaki sa pakiki-apid ng asawa

niya, at sapat na dahilan ito upang palayasin niya ang babae. Halimbawa nito ay nuong unang dating ko sa Pilipinas. Sa pulo ng Marinduque ako dumaong nuong Mayo 1590, abot ng 140 kilometro mula sa Manila. Nagsisiyasat nuon sa luoban ng pulo ang isang pangkat ng mga sundalong Español, pinamunuan ng isang teniente (ensign). Inabot sila ng gabi sa isang baranggay at humingi sila ng tangkilik sa mga tagaruon.

Dagdag sa pagkain at inumin na ibinigay sa kanila, inalok pa sila ng mga katutubo ng 2 babae na maisisiping nila. Agad pinabalik ng teniente ang mga babae sa baranggay at hinayag sa mga taga-baranggay na kasalanan sa Dios ang ginawa nila.

Subalit may ibang Español na, higit na mapusok sa pagkamit ng kanilang mga mithi, ay hindi lamang tumatanggap ng mga alok, kundi naghahanap pa talaga ng mga babae na maisisiping.

May mga babae na natutong ituring na dulot ng langit ang kanilang pagka-dalisay (virtue), at karumal-dumal ang sumiping at makiniig, makikita sa 3 isasalaysay ko ngayon. Naa-alaala ko pa ang isang lalaking Español na may ‘hawak’ na mag-ina, at pilit niyang hinikayat ang anak na babae, mistulang isang bata pa lamang, sa magkahalong lupit, banta at paki-usap.

Ang ina ay isang matandang kaladkarin na ‘nakuha’ niya sa handog at salapi. Subalit butihin ang dalagita at pagkaraan ng 7 buwan ng pagsukol ng Español, umayaw pa rin. Sa wakas, nagsawa rin ang Español at pinabayaan na ang dalagita.

Isa pang babaing indio ang tumanggi nang 12 taon sa hikayat ng isang Español.

Hindi kasing tagal subalit higit na matatag ang pagtutol na ginawa

ng isa pang babae sapagkat 2 ulit pa siyang tinutukan sa dibdib ng panaksak (punyal, dagger) ng isang Español na lumiligaw sa kanya. Nuong pang-3 pagkakataon, talagang sinaksak na siya subalit nakatalon pa rin siya sa labas ng kubo kaya hindi nawalat ang kanyang kaluluwa.

Nasagip ang 2 indio nuong panahon na iyon. Ang isa ay 20 taon gulang lamang subalit mahusay na sa isang uri ng pagkulam bagaman at wala siyang napapala sa paggamit nito. Ang pang-2 indio ay may isang aklat ng mga tulâ na tinawag na golo (mga pang-akit sa babae na gamit ng mga Tagal, ayon kay Ferdinand Blumentritt, kaibigan ni Jose Rizal).

Mayruon daw sa aklat na bahagi tungkol sa pakikipag-kasunduan sa demonio. Kusang isinuko ng indio ang aklat upang masunog ito.

Karamihan sa mga bilanggo ay mga indio, ikinulong dahil sa iba’t ibang pagkakasala.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata