Ang Pulo Ng Leyte

ABOT 480 kilometro ang sukat paikot (circumference) ng pulo ng Leite (Leyte). Ang haba nito, dahil makitid ang pulo, ay kulang-kulang 200 kilometro, hati halos sa gitna ng malaking bunduking tinawag na Carigara.

Dahil sa bunduking ito, magkaiba ang panahon sa magkabilang panig ng pulo. Kapag tag-ulan sa hilagang bahagi ng Leyte, sa kabila, ang timog na bahagi, ay tag-araw naman.

Sa kalagitnaan ng taon, nagpapalit ang panahon sa magkabilang panig. Kaya kapag nagsasaka sa isang bahagi ng Leyte, nag-aani naman sa kabila.

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

Kaya laging 2 ang ani nila taon-taon, minsan sa hilaga, susunod sa timog. At kapwa mayaman ang ani.

Maraming mas maliit na pulo sa paligid ng Leyte, bagaman at malaki rin naman ang iba. Walang tao sa mga lubhang maliliit na pulo.

Puno ng isda ang dagat at mga ilog sa pulo-pulo, may mga vaca (cattle) mula sa China, at maraming mga manok, usa, baboy at baboy-damo. Sagana sa mga tanim, mga gulay (vegetables) at mga bungang kahoy (frutas, fruits), at sari-saring camote, gabi at ube. Maraming tao ang nakatira sa mga baranggay na hindi nagkakalayo mula sa isa’t isa. At ang bawat baranggay ay nasa tabi ng mainam na ilog at pina-paligiran ng mga puno ng niyog.

Ang mga niyog at iba pang mga punong kahoy (arbores, trees) na tumatakip halos sa buong pulo, ang tumatabing sa sinag ng araw sa mga

lansangan kaya maginhawa kahit mainit ang maglakbay nang palakad duon. Kahit saan sa pulo, may mga landas na tumatawid sa mga bukid at gubat, at sa kapal ng mga puno at tanim, hindi nakakasunog ang araw (sol, sun) kahit na tanghaling tapat (media dia, high noon).

Marami sa punong kahoy duon ay lagpas 20 metro ang taba, kaya mainam na lagariing tabla para sa mga barko. Maginhawa ang panahon, hindi kasing init ng Manila kahit na mas malapit ang Leyte sa gitnang hati (ecuador, equator) ng daigdig (mondo, earth). Ganuon din sa lahat ng mga pulo ng mga Bisaya (Pintados).

Ang mga tagaruon (mga Waray-Waray) ay matalino, matapat at hindi mapagkunyari. Marami silang maiinam na ugali subalit 2 ang tangi at karaniwan sa mga kapuluan (ng mga Waray-Waray).

Una, kapag naglalakbay, hindi sila kailangang magbitbit ng pagkain o inumin. Kahit na saang puok sila makarating, tinatanggap sila nang magiliw,

inaaliw at pinakakain.

Ang pang-2 kabutihan nila ay hindi nila iniiba ang halaga ng palay, kahit na mainam o hindi ang kanilang ani. Hindi nila itinataas o ibinababa ang halaga kaya nakatalaga ang bilihan ng palay kahit anong panahon. Ang 2 mabuting ugaling ito ay bunga ng magiliw na ugnayan nila sa isa’t isa.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata