Tumakas, Nagpabinyag sa Carigara, Leyte MARAMING kaiga-igaya ang naganap sa Carigara, subalit 2 lamang ang aking ilalahad sa mga karanasan namin. Ang isa ang tungkol sa isang batang lalaki, 5 taon lamang ang gulang, na tumakas mula sa kanyang barangay upang magpabinyag sa aming simbahan sa Carigara. Kasunod ang kanyang mga magulang, humahabol upang pigilan ang bata at iuwi siya nang sapilitan. Hinadlangan sila ng frayle, kaya humingi ng tulong ang 2 magulang sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan. Pinagtulungan nila ang bata at ang frayle, dinaan sa banta at panakot, subalit hindi nasaway ang bata na nais daw niyang maging anak ng Dios sa halip na alipin ng demonio. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
Katulong ang frayle, nangatwiran ang bata at nahikayat pa niya ang ilang tao na humahadlang sana, na ipagtanggol ang karapatan niyang magpabinyag.
Sa madaling sabi, natuloy ang binyagan at, kasama ang mga magulang, umuwi sa wakas ang bata na isang catholico. |
|
Sa isa pang pangyayari, tumanggi magpabinyag ang isang babaing maharlika sa Carigara, kahit na anong pilit ang gawin ng frayle. Ayaw niya kasi ang utos ng catholico na panghabang-buhay ang pag-aasawa at hindi maaaring humiwalay sa kabiyak. Hindi niya matanggap na hindi niya maaaring iwanan ang lalaki, gaya ng dating gawi ng mga katutubo, kung sakaling nasungitan na siya sa asawa. |
Niyaya ang babae ng kanyang kapatid na lalaki na nais magpabinyag, na samahan lamang siya sa simbahan. Pagkatapos binyagan ang kapatid, siya naman sana ang bibinyagan ngunit muling tumalilis ang babae. Kinabukasan, bumalik ang babae, humingi ng tawad, naguluhan lamang daw siya, at pumayag na ring magpabinyag. At isa na siyang catholico ngayon. |
Kabaligtaran, walang sumalubong sa kanila, ni walang nakipag-usap. Natuklas nilang tumakas ang mga tao sa gubat sa luoban. Ang ilan-ilang naiwan ay ayaw humarap sa mga Jesuit kaya walang nagawa ang dalawa kundi magdasal sa Dios at maghintay ng kung ano man ang mangyayari. Hindi naman nagtagal, dumating ang mga taga-baranggay na nagtago sa gubat. Nagtampo lamang pala, bihira raw kasi silang puntahan ng mga frayle. Mula nuon, tuwing dalaw ng mga Jesuit, ayaw nilang paalisin agad, lagi raw nagmamadali. Marami sa kanila ang nag-aral ng mga dasal, nagpa-binyag at naging matimtimang catholico. |
|
Minsan, nagdaan ang isang bagong catholico sa bahay na mayruong catalonan na nagpupugay sa mga añito. “Huwag n’yong papasukin!” utos ng catalonan. “Takot ako sa mga catholico!” Minsan naman, isang matandang babaing maysakit ang gumaling matapos bitbitin ng mga kamag-anak sa simbahan at pinaligiran ng mga larawan at estatwa ng mga santo. |
Isa pang matandang babae, malapit nang mamatay sa tanda, ang tumangging magpa-binyag kahit anong amuki ang gawin ng lahat, pati ng frayle. Isang batang lalaki na kasama ng frayle ang lumapit sa matanda, at isinalaysay ang mga parusa na naghihintay sa infierno sa mga namatay nang hindi nabibinyagan. “Alam n’yo po ba ang mga ito?” tanong ng bata. “Oo,” sagot ng matanda, “mula sa bibig ng Maykapal, naniniwala na ako.” Nagpabinyag na rin ang matanda at namatay siyang isang catholico. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |