Ang Pulo ng Samar

ITO ang pulo na unang nakikita ng mga barko pagkatawid sa dagat silangan (Pacific Ocean) mula sa Nueva España (ang Mexico ngayon). Sa dulong hilaga nito ang kilalang Cabo de Espiritu Santo (Cape of Espiritu Santo, bahagi ng lusutang San Bernardino o San Bernardino strait) na lusutan papuntang Manila.

Malaki itong pulo at maraming tao na mapayapa at sabik maging catholico. May salot sa pulo nang dumating si Fray Francisco de Otazo at 2 pang Jesuit sa nayon ng Tinagon (Tinagoan, sa pulo ng Buad) at tuloy-tuloy silang nagturo sa mga maysakit, bahay-bahay, hanggang umabot sa 1,000 ang mga nabinyagan nila bago namatay sa salot.

Anim na simbahan at paaralan ang naitatag duon sa Ibabao (dating tawag sa Samar). Isang araw, pagkadalaw sa isang baranggay, papauwi na ang frayle nang namataan niya ang isang dukhang kubo.

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

Dahil pababa na ang araw (sol, sun), ipinasiya niyang magpahinga duon at makikain subalit walang sumagot sa kanyang tawag. Umakyat siya ng hagdan at pagsilip sa luob, nakita niya ang isang matandang lalaki na nakahiga sa sahig, hindi kumikilos at halos patay na.

“Ayaw!” Tumanggi ang lalaki nang yayain ng frayle na magpabinyag. Hindi tuminag ang frayle at matagal na nakiusap, kahit na lubog na ang araw, hanggang pumayag na rin ang lalaki at bininyagan siya ng frayle. Namatay ang lalaki pagkatapos, nuong gabi ring iyon.

Mula sa katabing pulo ng Maripipi (bahagi ng Biliran ngayon), 3 leguas (halos 15 kilometro) ang layo sa Ibabao (dating tawag sa Samar), lahat ng tao ay nabinyagan sa luob ng isang araw lamang. Dahil mahirap puntahan, bihira dumalaw duon ang mga frayle.

Isang araw, sakay sa kanilang mga bangka, lumaot lahat ng tagapulo at dumayo sa Tinagon (Tinaguan, sa pulo ng Buad), kasama ang kanilang mga familia. Hiniling nila sa frayle na binyagan silang lahat. Kailangang

matutunan muna ang mga aral ng catholico bago mabinyagan, sagot ng frayle. Agad binigkas ng mga pinuno ang mga aral, natutunan na raw nila mula sa kanilang mga ka-baranggay. Bininyagan silang lahat ng frayle, at umuwi na ang mga tagapulo sa Maripipi.

Marami ring nagpabinyag nang dumating si Fray Miguel Gomez, isa pang frayleng Jesuit, mula sa Cebu. Nagtayo siya ng simbahan si Catubig, malaking baranggay sa ilog sa luoban ng hilagang Ibabao (Samar).

Paranas Sa Samar Sikat Sa Pagka-catholico

Isa sa mga pinuno duon ay ayaw mag-asawa nang higit pa sa isang babae. Sa sabik, kusa niyang pinutol ang sariling buhok upang mabinyagan. Isa pang lalaki, maysakit na sa tanda, ang nagmaka-awa na mabinyagan bago siya mamatay.

NAGING sikat si Gonzalo, ang binyagang pinuno ng Paranas (Wright ang tawag ngayon, sa silangan ng Catbalogan). Siya ang namuno sa mga nag-aaral maging catholico sa simbahan at convento ng mga frayleng Jesuit sa Tinagon (Tinaguan, sa pulo ng Buad). Ang ginawa ng Jesuit duon ay pinulong ang mga nag-aaral maging catholico at, sa halip na mag-sermon, pinatalakay ang bawat paksa na dapat malaman bago mabinyagan. Mabisa ito at isang araw linggo-linggo, nagpulong ang mga bata at matanda, Español at indio sa simbahan o bahay ng pinuno ng baranggay.

Ang Paranas ay isang maliit na baranggay ng ilang familia ng mga mangingisda subalit naging bantog sila dahil sa husay ni Gonzalo sa ganitong paraan ng pagtuturo sa pagka-catholico. Siya ang hinayag ng frayle na mamahala sa pulong at pagta-talakay tuwing wala ang frayle - madalas mangyari sa pagligid-ligid nito sa bara-baranggay na sakop ng mision sa Tinaguan. Maraming tagabundok na nagkalat sa pali-paligid ang dumayo sa Tinaguan upang mag-aral ng catholico.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata