Ang Pulo Ng Bohol ISA ang Bohol sa mga maliit na pulo sa Pilipinas subalit sa katunayan, malaki rin naman ito at marami ang mga tao, na mas maputi kaysa sa karaniwan dito, at mas makisig at maganda kaysa sa ibang mga Bisaya. Ang mga taga-Bohol ay magiting at buo ang kaluoban kaya nakalawak sila sa maraming pulo sa paligid. Duon, tinatawag pa rin nila ang mga sarili na mga Bohol dahil ikinakarangal nila ang pangalang ito. Maraming mga minahan (minas, mines) ng ginto (oro, gold) sa pulo na sagana rin sa pagkain, mga hayop sa gubat, isda sa ilog at dagat, palay, matamis na tubo (sugarcane), niyog at sari-saring uri ng gulay. Gaya ng mga taga-Cebu, hindi sila nag-aasawa ng marami (polygamy). |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
Agad din nilang itinigil ang pagsamba sa kanilang mga añito at iba pang ugali nilang labag sa pagiging catholico. Isa rito ang gawi nila sa pagburol at luksa sa patay, na aking nilinaw sa hiwalay na kabanata (‘Luksa, Libing sa Patay, Pag-aalay ng Maysakit’). Sabik na sabik ang mga taga-Bohol na magpa-binyag, dinatnan ng mga frayleng Jesuit na nag-aaral na ang mga matanda mula sa kanilang mga anak at mga apo tungkol sa pagiging catholico. |
|
Sa luob lamang ng 8 buwan, ang buong Baclayun (Baclayon, sa timog ng Bohol) ay naging catholico, pati na ang mahigit 3,000 indio sa mga baranggay sa tabi ng malaking ilog ng Lobo (Loboc ang tawag ngayon). Nasakop din ng mga frayle ang mga baranggay sa 2 karatig na pulo. |
Isa sa mga nabinyagan ang butihing matanda, si Catunao, at ang kanyang asawa. (Ang tunay na pangalan ng tinawag na Rajah Sikatuna sa mga lumang aklat, ayon sa liham ni Jose Rizal kay Ferdinand Blumentritt, ay Ka Tunas. At hindi raw siya ‘rajah’ kundi kapatas lamang ni Datu Lagubayan ng mga Subano.) |
na tubig.
“Oo,” sagot ng babae, at pinainom siya ng frayle ng banal na tubig. Pagbalik ng frayle kinabukasan, magaling na ang babae. Umabot marahil ng mahigit 100 taon ang gulang niya. Hindi na siya nakalakad nuong huling taon niya, nakaupo na lamang at pabulung-bulong ng, “Jesus Maria, Jesus Maria.” (Hindi inulat kung anong salot ang sumalanta sa Bohol. Malamang hindi rin alam ng mga Jesuit. Maaaring lagnat (trancazo, influenza) na madalas pumuksa sa mga Pilipino bago natuklas, wala pang 100 taon sa nakaraan, ang mga kasalukuyang makabagong gamot.) |
|
Isang batang babae ang nawalan ng malay. Halos patay na sa salot, nanaghoy na ang familia. Tumakbo sa simbahan ang tatay at humingi ng banal na tubig. Nakita ng frayle na hindi na makainom ang bata kaya ang mga kasama sa bahay ang tinanong niya kung naniniwala sila sa Dios at hindi sa mga añito, at kung naniniwala silang gagaling ang bata sa bisa ng banal na tubig. “Oo!” ang sagot ng lahat. |
Pinahiran ng frayle ng banal na tubig ang ulo at tiyan ng batang babae. Ilang oras pagka-alis ng frayle, dumating ang balita sa kanya na magaling na ang bata.
Naging gawi ng mga taga-Bohol mula nuon na gamitin ang banal na tubig bilang gamot sa kanilang mga sakit. Ilang ulit kong nasaksihan ang mga babaing indio, dala-dala ang kanilang sanggol sa simbahan at sumalok sa kamay ng banal na tubig upang ipainom sa sanggol. |
3,000 Taga-Bohol 20 Araw Kinumpilan NUONG taon ng 1602 lamang, 400 tao ang nabinyagan sa Bohol, kaya masugid ang pagsalubong ng mga tagaruon nang dumalaw ang obispo ng Cebu nuong bago nag-mahal na araw (Cuaresma, Lent). Nagsama-sama ang mga binyagan mula sa 8 baranggay at nang tanungin sila nuong sermon ng obispo kung nais nilang magpa-kumpil (confirmation), lumuhod silang lahat at nagpugay. Inabot nang bandang 20 araw ang pagkumpil sa 3,000 indio. Dinalaw din ang mga maysakit, tinubos ang mga alipin at binigyan ng mga damit ang mga dukha. Tuwang-tuwa ang obispo sa taimtim ng pagsamba ng mga taga-Bohol. Sa bawat baranggay, 200 bata ang nagtipon araw-araw upang mag-aral at magpugay sa Dios, at sila ang nagturo sa kanilang mga magulang ng pagiging catholico. |
Ayon sa liham ni Gabriel Sanchez, ang frayleng Jesuit sa Bohol, 2 baranggay ng mga tagabundok (Tinguianes, Tinggian ang tawag ngayon) ang lumuwas at humiling sa kanya na susukob na sila sa mga nayon ng mga binyagan sa tabi ng dagat. May dala daw 40 bata na pina-binyagan nila. Marami pa ang humihiling na mabinyagan, gaya ng Siquijor, tinawag ng mga Español na pulo ng mga apoy (Isla de Fuegos, Island of Fires), na kalahating araw na layag ang layo, subalit ayaw ng mga Jesuit hanggang wala silang frayle na mailalagay duon, dahil kulang na kulang ang mga frayle duon. Isang binatang hindi binyagan ang dumalaw duon mula sa ibang baranggay at nakipag-biruan sa mga kaibigan na binyagan na. Isang batang lalaki ang nagtanong sa kanya, “Paano ka nagsasaya dito, e hindi ka pa nabibinyagan?” |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |