Ang Pulo ng Mindanao MAS malapit ang Mindanao sa gitnang hati (ecuador, equator) ng daigdig (mondo, world) kaysa sa mga pulo ng Ibabao (lumang tawag sa Samar), Leyte, Cebu at Bohol. At higit na malaki ito kaysa sa mga pulong iyon kahit pagsama-samahin. Ang masasabi ko lamang tungkol sa yaman at taba ng lupa sa Mindanao ay katulad ito ng mga katabi at masasaganang
|
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
pinagkukunan ng pabango. Napuksa nang lubusan ang mga ito, at naglaho na rin ang tawag sa kanila).
Mapagkaibigan ang mga taga-Mindanao subalit sa timog na bahagi ng pulo, nakatatag ang mga baranggay sa pampang ng ilog ng Mindanao (ang unang bahagi ay tinatawag ngayong ilog Pulangi). Ang iba sa kanila ay mabangis at pala-away. Sinulsulan ang kanilang pakikibaka ng mga taga-Ternate (isang pulo sa Maluku o Moluccas, spice islands) na nagpasok duon ng pagsamba kay Mahoma (Islam). Dahil dito, naging kakampi ng mga taga-Ternate ang mga nag-muslim duon, at kaaway hindi lamang tayo kundi pati na ng mga kaibigan natin. |
|
Isang pangyayari ang aking ilalahad upang ipakita ang giting ng mga taga-Mindanao. Habang nakahimpill ang mga Español sa isang malaking ilog, ipinagdiwang ang kasal ng kaibigan nilang pinuno ng isang baranggay at ang anak o kapatid na babae ng isang pinuno rin, sa kabilang baranggay, sa tabi ng ilog din. Nasa pagitan ng 2 baranggay ang kuta at baranggay ni Silongan (si Luongan ang tunay na pangalan), isang Mahometan (muslim) na kalaban ng mga Español at ng 2 baranggay. Sa alok ang mga Español, sa 2 maliit na barko nila sinundo ang babae at mga kamag-anak upang ihatid sa kasalan. Nabalitaan ni Luongan ang pagdaan ng 2 barko at inabangan niya ang |
pagbalik ng mga ito.
Maganda ang suot ni Luongan, may dala pa siyang pamaypay (abanico, fan) habang nag-iisa siyang lumakad nang mahinay sa pampang ng ilog, kasabay ng 2 pabalik na barko. Nakilala siya ng mga sundalong Español at, bagama’t hindi sila hinaharang ni Luongan, ay nagpaputok ng kanilang mga baril. Hindi tuminag si Luongan kahit sumalpok ang mga bala sa tabi ng kanyang mga paa, at patuloy lamang pinagmasdan ang 2 barko at ang mga sakay nitong kaaway niya. Ganito katapang ang mga taga-Mindanao na kaaway natin. |
Ang mga kakamping mga taga-Mindanao ay matapang din. Minsan, nangisda sa dagat ang isang taga-Botuan (Butuan), kasama ang kanyang asawa sa pang-2 bangka. Nagmadali pabalik sa pampang ang asawa, kasama sa bangka ang mga anak, dahil namataan nila ang mga papalapit na bangka ng mga taga-Ternate. Nagpahuli nang kaunti ang lalaki sa kanyang bangka upang ipagtanggol ang kanyang familia, subalit nasalisihan siya ng mga taga-Ternate na mas mabilis ang sasakyan. Inabutan nila sa dalampasigan at dinagit ang asawa at mga anak ng taga-Butuan. Patakas na sila nang dumating ang lalaki. Dahil mabilis ang bangka ng mga taga-Ternate, walang siyang nagawa kundi magsisigaw, at minura niya ang mga mandarambong. |
‘Mga duwag! Wala kayong kaya kundi babae at mga batang walang laban. Humarap kayong tunay na lalaki!’ Hinamon niya na patayin muna siya bago gawing alipin ang kanyang asawa at mga anak. Nagpanting ang tenga ng mga taga-Ternate at bumalik sila sa dalampasigan. Ang pinuno ang lumaban sa taga-Butuan at matagal silang nagsabak. Napuruhan ng taga-Butuan ng sibat sa dibdib ang kaaway, at pagsaksak niya uli, napatay niya ang pinuno ng mga taga-Ternate. Kaya naiuwi niya nang ligtas ang kanyang familia, ang 2 bangka at mga isda na nahuli nila sa dagat. Inuwi ng mga taga-Ternate ang bangkay ng kanilang pinuno. |
Matagal bago na-akit ng mga frayle ang iba pang mga baranggay sa paligid ng Butuan. Tinuya at tinakot pa sila kapag gabi, binulahaw ng mga kampon ni Elian (si Ilyang), pinuno ng isang baranggay, na mahigpit na tumanggi maging catholico. Isang Linggo nuong Noviembre 1596, nag-misa ang mga Jesuit. Inanyayahan nila lahat ng mga tagaruon sa simbahan at nag-sermon si Fray Manuel Martinez, frayleng marunong ng wika ng mga taga-Butuan. Nabagabag ng sermon ang damdamin ng lahat. Biglang lumuhod si Ilyang at lumuluha, humiling na binyagan siya. Tumayo ang punong frayle, si Valerio de Ledesma, at lumapit kay Ilyang, dala ang malaking cross kung |
saan nakapako ang estatua ni Jesus Christ. Humalik sa paa ng cross si Ilyang, at humalik din ang kanyang kabig, si Osol. Sumunod sa kanila ang iba pang mandirigma ni Ilyang. Hinayag ni Ilyang sa lahat ng tao na patatawarin niya ang lahat ng may utang sa kanya kung magpapa-binyag. Hiniwalayan din niya ang lahat ng kanyang asawa, maliban sa isa. Ibinigay niya ang buguei (dote, dowry, bigay-kaya) ng bawat isa at pinabalik sa kanilang mga magulang. Sunod sa kanilang pinuno, nagpa-binyag din ang lahat ng taga-baranggay ni Ilyang.
Pagkaraan ng ilang araw, nag-misa uli ang mga Jesuit at naakit din nila ang isa pang baranggay. |
Ito ang paraang ginamit nila upang mapalawak ang pagsambang catholico sa buong ilog Agusan. Sa sulat ng isang frayle, si Valerio de Ledesma, “Ang buong ilog ngayon ay humihingi na mabinyagan. Dinalaw ko ang bawat bahay at tinuruan lahat ng bata. Sila, ang mga anak ng maharlica, ang pinag-turo sa mga matanda. Araw at gabi, umaawit sila ng panalangin at sinasagot ng panalagin din ng mga matanda.” Pati raw si Luongan ay nahimok maging catholico matapos hiwalayan ang 5 asawa. Ang unang asawa lamang ang naiwan, ibinigay niya ang buguei (bigay-kaya) ng iba pa at pinalaya. Nabinyagan din ang anak ni Luongan. |
Nuong Abril 1596, 6 buwan sa nakaraan, nabigo ang mga frayleng Jesuit sa pagsugpo sa mga Mahometan (muslims) sa ilog Mindanao (pugad ng mga Magindanao sa Cotabato), kasama ng isang malaking hukbo ng mga Español. Namatay sa hirap duon si Fray Juan del Campo. Kasama si Fray Juan de Sanlucar, hinatid ko ang kanyang bangkay sa Cebu upang mailibing. Umalis ang mga Jesuit nang natanto nilang walang mabibinyagan duon hanggang hindi nasusugpo ng hukbong Español ang mga sandatahang Mahometan. Pagkaraan ng panahon, umurong na rin ang hukbong Español at iniwan ang kanilang kuta duon. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |