Pakiki-apid sa Cebu, Sinupil NUONG panahon na iyon, 2 malaking pangkat ang ginagawang catholico ng mga Jesuit sa lungsod ng Santissimo Nombre de Jesus (Cebu City ang tawag ngayon). Una ang pinaka-malaking pangkat ng mga indio na tinuturuan sa sarili nilang wika. Pang-2 ang mga Intsik na sakay ng mga barkong nagkalakal mula sa China, karamihan ay namarati na sa lungsod at nagtatag na ng sariling nilang puok (Chinatown). Nagpalawak din ng catholico ang mga Jesuit sa lahat, pati na ang mga asawa at mga alila - mga Intsik, Hapon, mga taga-Maluku (Moluccas, spice islands) at mga Bissayas (Bisaya). Danak silang lahat magsimba, |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
magkumpisal at mag-comunion. Tuwing may fiesta sa simbahan, maraming nagpapa-binyag na mga indio at mga Intsik.
Isang bunga ng paglawak ng pagsamba ay ang pagiging dalisay (virgen, pure) ng mga dalaga. |
|
Ilalahad ko ang kasaysayan ng isang dalagitang indio na dating mahilig makipag-ugnay sa mga lalaki ngunit pagtapos siyang nabinyagan, iwinaksi niya lahat ng ito mula sa buhay niya. Masugid siyang niligawan ng isang Español na paulit-ulit niyang tinanggihan. Nag-alok pa ng salapi ang lalaki, subalit naunsiyami uli. Minsang naiwang nag-iisa ang babae, tinangka siyang gahasain (violacion, rape) ng Español subalit narinig ang kanyang mga tili at sinaklolohan siya ng mga tao. Napuot ang Español at nagsumbong sa amo ng babae upang siraan siya. Pinalayas basta ang babae, hindi binigyan ng pagkataon na ipagtanggol |
ang sarili. Ang himutok na lamang niya ay, “Alam ng Dios ang lahat!”
Tapos, ang Español naman na dating amo niya ang nagsimulang lumigaw sa babae, subalit siya man ay tinanggihan paulit-ulit. “Hindi ako makiki-apid sa iyo,” sabi ng babae. “Bakit mo hinihiya ang sarili mo, tanghal ang lagay mo gayung mababa ang katayuan ko.” Bagkus pa, sabi ng babae, hindi niya sasaktan ang asawa ng amo niya, na itinuring siyang bilang isang anak. Mula nuon, laging malupit ang turing ng amo sa babae subalit hindi kailan man nakalimot ang babae at nanatiling matimtiman at dalisay. |
Simula ng Penitencia May isang viuda na, lihim sa lahat, sumumpa sa sarili na hindi na muling mag-aasawa habang buhay. Marami ring babae ang sumumpa na hindi sisiping sa mga lalaki at mananatiling dalisay habang buhay. Isang babae ang nagtungo sa simbahan at, kahit siksikan ang mga tao, ay nagkumpisal ng kanyang mga kasalanan. Sa laki ng pagsisisi, halos hindi siya nakapagsalita, at tumakbo na lamang sa lansangan at naghagupit sa likod (penitencia, flagellation) bilang parusa sa sarili. Isang binata na pagkatapos magkumpisal ay naghagupit sa sarili habang naglalakad sa lansangan nang hindi ipinaalam sa frayle. Sa lupit ng parusa sa sarili, nawalan siya ng malay-tao at, pagka-handusay sa lupa, pinagkamalan ng mga tao na patay na. |
Pagkaraan ng panahon, bumalik ang binata at nagkumpisal uli. Kahit na sariwa pa ang kanyang mga sugat, nais sana niyang maghagupit uli sa sarili subalit pinagbawalan siya ng frayle, hanggang hindi pa gumagaling ang kanyang mga sugat. Ang obispo ng Cebu, si Pedro de Agurto, isang frayleng Augustinian, ang nagpasimula ng gawi ng paghagupit sa sarili (flagellation), tulad ng naging gawi na sa Manila. Siya ang nagpanukala na tuwing Viernes ng mahal na araw (Cuaresma, Lent), nag-procesion ang mga tao mula sa simbahan ng mga Jesuit hanggang sa simbahan ng Immaculada Concepcion habang naghahagupit sa mga sarili. Naghagupit sa sarili ang obispo nang nag-iisa sa luob ng simbahan. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |