Panglao at Siquijor, ang Pulo ng Apoy KAHIT 2 lamang ang Jesuit sa Bohol, lumaganap at walang maliw ang pagsambang catholico sa buong pulo. Wala kahit isang pahiwatig na bumabalik o babalik ang mga tagaruon sa mga dating gawi at pagsamba sa mga añito. Minsan nuong 1598, dumating ang mga pinuno ng mga kalapit na pulo at, halos paiyak, hiniling na dalawin sila ng isa sa mga frayle kahit isang araw linggo-linggo. Kasama sa kanila ang mga tagapulo ng Siquihor (Siquijor), ang tinawag na pulo ng mga apoy (isla de fuegos), 20 kilometro ang layo sa Bohol. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
Walang nakarating na frayle duon kailan man kaya nag-aral na lamang daw sila ng pagsamba mula sa isang binyagan na nagtungo sa pulo nila.
Ngayon, ang hiling nila ay mabinyagan. Bagaman at hindi napagbigyan, ipinangako naman ng mga Jesuit na sa kanila pupunta ang sumunod na dumating na frayle. |
|
Ayon sa 2 frayleng Jesuit, sina Alonso de Umanes at Gabriel Sanchez, naging magana ang paglawak ng catholico sa mga taga-Bohol simula nang bumalik sila duon mula sa Cebu nuong 1599. Sa katabing pulo ng Panglao, bininyagan nila ang mga anak ng mga pinuno |
upang magsilbing taga-akit ng mga magagawang catholico. Pagbalik nila duon, marami nga ang nagpa-binyag, pati na ang 100 bata.
Kinuha nila ang mga pinaka-marunong sa mga bata upang turuan sa Bohol, at sila, pagbalik sa Panglao, ang magpapangaral sa mga tao. |
siyang gumaling.
Isang matandang lalaki naman, hindi na nakatayo, ang nag-kumpisal (confesar, confess) bago mamatay. Pagkaraan ng 2 araw, bumalik siya sa simbahan upang magpasalamat. Gumaling daw siya dahil sa kumpisal. Isang batang lalaki, 4 taon lamang ang gulang, ang nagtampisaw at nalunod sa dagat. Itinakbo ang bata sa bahay ng frayle. Hindi na raw humihinga, itim na ang kulay ng mukha, at puno ng tubig ang tiyan. Dinasalan siya ng frayle at binasbasan (bendicion, blessing). Sa harap ng lahat, nagising ang bata at gumaling. |
|
Pinilit ang mga Dalaga May mga naganap duon na hindi ko maiwawaksi. Isang dalagang indio ang pilit niligawan ng isang sundalong Español subalit panay ang tanggi ng dalaga. Minsan, pinadalhan siya ng sundalo ng 20 escudos, salapi ng Español, subalit itinaboy ng dalaga ang utusan ng sundalo. “Sa susunod,” sigaw niya sa alila, “itatapon kong lahat sa ventana!” Nagalit ang sundalo at dinaan sa takot ang babae. Subalit hindi nakuha sa banta (amenazas, threats) kaya sinunggaban niya at sinaktan. Lumaban ang dalaga at nagwagi, iniwang talo at hiyang-hiya ang sundalo. Isang Español ang nag-alok sa isa pang dalaga ng kuwintas na ginto, may |
halaga ng mahigit 30 escudos. Tumanggi ang dalaga at tumakbo sa nanay niya. Magkasama silang tumakas at nagtago sa bukid hanggang umalis ang Español na naghahanap ng kasiping.
Isa pang dukhang dalaga, wala pang 18 taon ang gulang, ang ginitgit ng mga sundalong Español. Inalok pa siya ng isa ng 48 reales, salaping ginto ng Español. Bihira at bahagya lamang kumain ang dalaga, subalit tumanggi siyang maging “kabit” (querida, mistress) ng sundalo. Isa pang mahirap ding dalaga ang inalok ng mahigit 80 escudos, ngunit tumanggi rin. Isang babaing indio, natakot magahasa ng isang lumiligaw na sundalong Español, ang namundok nang 4 buwan at inabot ng malaking hirap at gutom. Hindi siya bumalik sa baranggay hanggang hindi umaalis ang lumiligaw na sundalo. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |