Minulto sa Cebu

BININYAGAN ang isang indio mula sa Maluku, alipin ng isang Español, subalit ilang taon na siyang tumigil magsimba at magkumpisal, kahit na utusan ng kanyang amo. Minsan, nilagnat siya at pagkaraan ng mga 4 araw, hindi na siya nakapagsalita, nakainom o nakakain, hanggang mawalan siya ng malay-tao at mukhang mamamatay na. Ipinatawag ang frayle at pinahiran siya nito sa mukha ng banal na tubig (holy water).

Pumatak ang tubig sa kanyang bibig at sinipsip niya. Pinainom siya ng banal na tubig at natauhan siya at nakapagsalita. Ang nangyari daw sa kanya ay parang may sumasakal sa kanya at lumuwag lamang ang lalamunan niya nang matikman niya ang banal na tubig. Gumaling ang indio

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

at lagi nang nagsimba at nagkumpisal mula nuon.

Isa pang indio ang dinalaw ng mga itim na multo tuwing naiiwan siyang nag-iisa. Nang hindi na siya makatagal sa sindak, nakiusap siya sa mga kaibigan na sunduin ang frayle. Pagdating nito, nagkumpisal siya at, mula nuon, hindi na siya minulto.

Cebu: Mga Frayle Laban sa Español

PAGKARAAN ng 2 taon, pinulong ng 70 taon gulang na obispo (bishop) sa Cebu, si Pedro de Agurto, na frayleng Augustinian, ang mga frayle at pinunong Español sa Bissaya (Visaya) nuong 1600.

Napagpasiyahan sa pulong na isalin muli sa wikang Bissaya (Binisaya o Sugbuanon) ang mga pangaral ng catholico upang maging kahambing ng mga pangaral na naisalin sa Tagalog. Nagsugo rin ang mga frayle sa Audiencia sa Manila na magpa-iral ng mga bagong tuntunin ukol sa mga

indio na mayruong maraming asawa (polygamy). Sinumbong ng mga frayle na malupit ang mga encomendero sa mga indio. Nagparatang din ang mga encomendero laban sa mga frayle kaya napilitang pumagitna ang obispo upang maawat ang bakbakan. Sinita ng obispo ang mga encomendero.

Ipinahayag ng obispo na hindi tutuo ang kalat na balitang mahilig sumiping sa mga lalaki ang mga babaing Bisaya. Saksi raw siya mismo na dalisay at matimtiman ang mga babae duon, kahit na ihambing sa mga babae sa Nueva España (ang Mexico ngayon).

Sumigla ang pagsilbi ng mga Jesuit dahil 3 frayle nila ang marunong na ng wikang Bisaya. Pati ang mga sundalo na naka-destino duon (sa Fuerza San Pedro) ay napagsilbihan nila.

Minsan, dinalaw ng frayle ang isang indio na maysakit at malapit nang mamatay, hindi na makapagsalita. Nang himukin ng frayle na bigkasin ang ngalan ni Jesus, basag ang tinig at hindi naunawaan ang binigkas ng maysakit. Ipinaulit ng frayle, at nasabi ng maysakit ang “Jesus.”

Kinabukasan, gumaling ang sakit niya. Mula nuon, nakapagsalita ang maysakit at nagkumpisal siya.

Kasama sa mga tungkulin ng mga Jesuit duon ang magsilbi sa mga Intsik na lumikas mula sa China at nanirahan sa kanilang purok (Chinatown), tinawag na Mandavi (Mandawe ang tawag ngayon), mahigit 2 kilometro mula sa Cebu. Nagtungo duon si Fray Miguel Gomez (paniwala ngayon

na marunong siya ng wikang Intsik).

“Inusisa ko kung sinu-sino ang hindi pa nabibinyagan,” sabi ni Gomez sa kanyang liham, “at 70 tao ang iniharap sa akin.”

May mga kasama pa raw ng mga tinawag ng mga Bisaya na “Daotangatao” (“dako tanga tao,” malalaking tanga o mga tao na walang silbi). Matigas ang ulo ng mga ito at tuwing pangangaralan, isinasagot na, “Wala akong silbi sa pagdasal o pagiging catholico.”

Sinimulan ni Gomez na turuan sila tungkol sa pagsamba, at ang kahibangan ng kanilang mga diwata at mga añito. Hindi nagtagal, nahuli ang kanilang kaluoban at dumating ang araw, nagpabinyag ang 60 matatandang babae at lalaki - malaking tulong sapagkat sila ang iginagalang at kinikilalang pinuno ng mga Intsik. Lalo na at kasamang nagpabinyag ang 6 batang lalaki at si Andug, ang pinaka-mataas na pinuno sa Mandawe.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata