Tumanggi ang Bulag sa Nayon ng Leyte

ANG nayon ng Leyte ay nasa tabi ng isang napaka-gandang ilog na tinawag ding Leyte. Ang pangalan ding ito ang itinawag sa buong pulo. Ang nayon ay nasa bukana ng landas papunta sa Manila na mahigit 600 kilometro ang layo.

Ang Carigara ay padakong silangan (eastward), 24 kilometro ang layo, 48 kilometro kung magba-bangka - mas madalas gawin dahil sa taas ng mga bundok sa pagitan ng 2 nayon. Pagkalagpas sa Carigara, halos 10 kilometro pasilangan ang ilog Barugo, tinatahanan ng mahigit 300 familia. May iba pang mga bahay sa paligid nito. Nanduon ang 3 matandang lalaki.

Ipinatawag ang frayleng Jesuit, si Mattheo Sanchez, upang binyagan ang isang matandang maysakit. Pagpasok ng frayle sa kubo, nakita niyang may kasamang 2 lalaki ang maysakit, matatanda rin.

Isa ay hindi na nakalakad at lagi na lamang nasa kubo. Nang narinig ng pang-3 matanda na tinuturuan ni Sanchez ang maysakit, gumapang siya

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Espaņola

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

sa sahig at lumapit. Nakinig sila sa lahat ng itinuro ng frayle, at tumagal ang kanilang usapan nang ilang oras.

Nang nabinyagan na ang maysakit, hiniling ng kasama na binyagan din siya bago umalis ang frayle. Baka raw hindi na siya makapaghintay pa sa pagbalik ng frayle dahil sa tanda niya. Kaunti na lamang daw ang mga araw niya at nais niyang yumao na isang catholico. Bininyagan siya ni Sanchez.

Sa isang tabi, nagtitirintas ng sinulid at lubid, ang pang-3 matandang lalaki ay bulag. Habang tinuturuan ng frayle ang mga kasama, patawa-tawa lamang siya at nagbibiro. Inaya siya ng frayle na magpabinyag din, subalit matigas ang luob niyang tumangging maging catholico.

Sa Ormoc: Mga Nagka-catholico Binato

KAPURI-PURI na ang mga matanda sa Ormoc ay nagmistulang mga bata, at ang mga pinuno ay naging kapantay ng mga tao. Sama-sama silang nag-aral lahat ng pagiging catholico upang mabinyagan. Isinusulat nila ang mga pangaral (lecciones, lessons) upang ipakita na naunawaan nila ang mga naituro.

Gamit nila ang sariling baybayin (alphabet), inuukit ng matulis na bakal sa mga pilas na kawayan (bamboo slats) dahil walang lapis at papel duon. Lagi nilang dala-dala itong mga aralin kahit saan magpunta, o kahit ano ang gawin. Sabik na sabik silang matuto ng catholico. Madalas dumating ang mga hindi binyagan upang ipabasa ang sermon (gospel) para sa mga

kamag-anak na maysakit, o pabinyagan ang mga anak nila, lalo na kung maysakit. Kapag gumaling ang mga ito, nahihikayat silang lahat na maging catholico na rin.

Isang gabi, habang nag-aaral ang mga tao, pinagbabato ang bahay ng kung sinu-sino sa labas. May mga tinamaan at nasugatan. Sumugod ang mga nag-aaral upang harapin ang mga nambabato subalit wala silang nakita sa dilim. Pagbalik nila sa luob, pinagbabato uli ang bahay. Ilang ulit nangyari ito hanggang hindi na nila pinansin ang ingay at ipinagpatuloy na lamang ang kanilang pag-aaral ng mga dasal.

Nagtayo sila ng isang cross sa harap at mula nuon, wala nang gumambala sa kanila.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata