Sa Palo: Sermon sa Waray, Penitencia

SA Palo, Leyte, pinaghati-hati ang mga bata sa iba’t ibang pangkat nuong taon ng 1600. Ang pinaka-marunong na bata sa bawat pangkat ang pinagturo at, sa luob ng 10 araw lamang, natuto na silang lahat ng dasal at mga pangaral. Ito ang ginamit na paraan ng mga frayleng Jesuit, tinawag nilang decurias, upang bumilis ang paglawak ng catholico sa Palo, sa silangang gilid (eastern coast) ng Leyte.

Inuna rin nilang binyagan ang mga pinuno sapagkat sunod agad ang mga alalay nitong magpa-binyag din, gaya ng nangyari nang nagpa0-binyag ang pinuno ng Palo matapos hiwalayan ang isa sa 2 asawa niya.

Nuong pang-3 dayo ng Jesuit duon, pinag-aralan ng frayle, si Melchior Hurtado, ang wika duon. Nang nag-sermon siya sa wikang Bisaya (Waray-waray, hawig at nauunawaan ng mga Bisaya o Sugbuanon) nuong mahal na araw (Cuaresma, Lent) tungkol sa pagpako, pagkamatay at pagkabuhay muli ni Jesus Christ, nag-iyakan ang mga taga-Palo, lumuhod at nagnais na maging catholico sila. Ang mga nabinyagan na ay

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

nag-penitencia, hinagupit ang mga sarili sa likod hanggang magdugo, habang nagpo-procesion.

Mahigit 70 tao ang nabinyagan, kabilang ang 6 datu at ang mga asawa nila. Hiniwalayan nila at ibinigay ang bigay-kaya (dote, dowry) sa ibang mga asawa, maliban sa una. Humingi pa ng tawad ang mga pinuno sa kalupitan nila sa pag-alipin sa mga tao.

Tinantiya ng mga Jesuit na mabi-binyagan nila ang lahat ng mga taga-Palo sa madaling panahon. Upang hindi magkasama-sama ang mga nabinyagan na at mga hindi pa binyagan, hanggang maaari, pami-familia ang ginawa nilang pagbi-binyag.

Sa Dulag: 2 Pipi Bininyagan

ISANG araw, pumasok sa simbahan si Bincai, pinuno ng nayon ng Dulag. Hinayag niyang naging pabaya at malilimutin na ang mga tao sa pag-aaral ng pagiging catholico.

“Mabuti pa,” sabi niya, “ako ang unang binyagan at marami ang susunod at magpapabinyag na rin.”

Ilang araw na pinaghintay siya ng frayle upang subukin ang tibay ng kanyang sampalataya. Araw-araw naman, lalong sumugid ang hangad ni Bincai hanggang, sa wakas, nabinyagan siya. Natupad ang pahayag niya at marami ang sumunod sa kanya, at sa luob ng isang taon, nabinyagan ang 700 taga-Dulag.

Higit na kapuna-puna, 2 pipi ang bininyagan, hindi inakala dahil hindi nakarinig ng mga pangaral tungkol sa pagiging catholico. Binigyan ang isa ng pangalang Raimundo, at kapwa sila buong lugod na naglingkod sa simbahan. Hindi na umaalis si Raimundo ng simbahan, laging nagdarasal at nagpi-penitencia pa, hinahagupit ang sariling likod. Kasama niyang nag-penitencia nuong mahal na araw (Cuaresma, Lent) ang maraming

taga-Dulag at mga dumayo mula sa mga karatig baranggay. Ang ilan ay nagpasan pa ng cross.

Samantala, isang indio ang hindi sumama sa simbahan. Nagtungo siya sa ilog upang maligo subalit sinakmal siya ng isang buaya. Punung-puno siya ng sugat, naghihingalo at hindi na makausap nang bitbitin sa simbahan. Agad siyang bininyagan at, sa amuki ng frayle, nabigkas niya ang “Jesus, Jesus!” bago namatay.

Basang-basa sa ulan nang dumating ang frayleng Jesuit, si Melchior Hurtado, sa katabing baranggay ng Tambo. Agad siyang ipinatawag upang binyagan ang isang matandang lalaki na agaw-buhay na sa kanyang hamak na dampa sa gitna ng bukid. Mahigit 1 kilometro ang nilakad ng frayle, hanggang tuhod ang putik, bago narating ang matanda na hindi na nakapagsalita. Bininyagan siya at namatay nuong gabi ring iyon.

Nasa kanyang bukid ang isang indio isang gabi nang nasaksak nang ilang ulit. Wakwak ang sikmura at luwa ang bituka, nahundusay siya magdamag sa lupa hanggang natagpuan kina-umagahan at ipinatawag niya ang frayle. Kinakain na ng aso ang kanyang bituka nang nabinyagan siya. Namatay siya agad.

Lubhang malinis at mapag-alaga sa sarili ang mga taga-Dulag. Nandidiri sila sa mga tao na mabaho o may sugat, kaya naghihirap ang mga may kapansanan dahil walang tumutulong. Nag-sermon ilang ulit ang frayle subalit hindi siya pinakinggan.

Isang araw, ipinatipon niya ang lahat ng maysakit, ang mga labis na matanda at ang may mga sugat sa katawan. Alam niyang may mga hindi nakarating dahil walang nais bumuhat sa kanila. Isa na rito ang babaing alipin ng isang pinuno ng Dulag na hindi nakakarating sa simbahan dahil walang nais bumuhat o lumapit sa kanya.

Sa harap ng mga pinuno at mga tao ng baranggay, pinagyaman at nilinis ng frayle ang sugat ng mga maysakit. Hinalikan pa ang mga galis sa mga paa

ng isang alipin. May isang maysakit, nakain na ng sakit ang kanyang bibig, ilong at mukha. Niyakap at hinimas siya ng frayle, upang turuan ang mga tao na mag-ukol ng awa sa mga nagdurusa.

Mula nuon, naging matulungin ang mga binyagan sa mga pilay at maysakit, inalalayan o binuhat kung saan patungo, madalas ay sa simbahan. Laging nang pinasan ng pinuno ang maysakit niyang aliping babae papunta sa simbahan.

Minsan, nakita ng pinaka-mataas na pinuno sa Dulag na walang tumutulong sa isang babaing mabaho at puno ng galis. Siya ang pumasan sa babae upang magsimba, kahit na narumihan ang magandang damit niya. Nang punahin ng mga kakilala, sinabi niyang ito ay tungkulin ng isang catholico.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata