San Juan, Antipolo at Taytay nuong 1600 TANTIYANG may 7,000 tao sa San Juan del Monte (Taytay uli ang tawag ngayon) at mga karatig baranggay nuong taon ng 1600, at 1,500 sa kanila ay nabinyagan nuong taon na iyon. Lumuwas ang mga tagabundok na nagkalat sa paligid upang tumira sa nayon at maging catholico. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
![]() Nagtayo din ang mga Jesuit ng seminario para sa mga batang lalaki na palalakihin sa aral catholico at inaasahan ng mga frayle na magiging mga pinuno duon. Bigas ang pagkain ng mga bata ruon na galing sa mga familia na maykaya, ang mga mahirap ay pinapakain sa mga limos na tinatanggap ng mga Jesuit. Tuwing Viernes kapag mahal na araw (Lent) sa San Juan del Monte, kina-canta ang Salve para sa mahal na Virjen at nagse-sermon sa simbahan. Isang Viernes, pagtunog ng kalembang (campana, bell) ng simbahan, umahon upang magsimba ang mga indio na naliligo sa ilog, maliban sa isa. Nagbiro pa siya, “A coi ouian ninyo!” (Mag-uwi kayo para sa akin). Nanatili sa ilog ang indio habang nagsa-Salve ang mga kasama. Sinakmal siya at pinatay siya ng isang buaya. Karaniwang kinakain ng buaya ang bahagi o buong katawan ng pinatay, subalit iniwang buo pa ang bangkay ng indio sa ilog. Nang natuklas siya ng mga kasama, kumalat ang paniwala na hindi dapat umiwas sa Salve sa simbahan. |
|
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |