‘Ang Nabubulok Kong Katawan’

NAPAKA-SUGID ng mga Waray-Waray sa kanilang pagka-catholico kaya inihambing ng mga Jesuit ang pagdanak nila sa mga simbahan sa unang paglawak ng Christiano nuong panahon ng lumang Rome (ancient Rome).

Kahit na 4 frayle at 3 katulong (hermanos, brothers) lamang ang nahimpil sa Dulag, mahigit 700 ang nabinyagan nuong taon ng 1601. At inulat na mula nuong 1600, kulang pa sa 2 taon, mahigit 2,020 Waray-Waray na ang nagawang catholico.

Sa Palo lamang, na tinawag na San Salvador ng mga Jesuit, halos 800

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

ang nabinyagan at napakarami ang nag-kumpisal at nag-comunion, sulat ni Fray Melchior Hurtado, na hindi napagsilbihan lahat.

Mga sulat ng mga Jesuit, sina Juan de Torres at Francisco Vicente, ang naglahad kung paano tinanggap ng mga Waray-Waray ang pagiging catholico.

PAGDAAN ng frayle sa isang maliit na baranggay duon, nabalitaan niyang isang matandang lalaki ang nag-iisa sa kanyang kubo sa liblib at hindi na makaalis ng bahay. Ipinasundo ng frayle ang matanda.

“Kahit nandito pa sa lupa ang aking katawan, ang kaluoban ko ay nasa langit na kaya gabi-gabi, pinapangarap ko ang mga nagtatamasa ng luwalhati duon, lalo na ang isa na nagli-liwanag nang higit sa lahat. Ay, Padre, kung maaari lamang maparuon na ako at iwan na itong nabubulok at naghihirap kong katawan!”

Nagulat ang frayle sa sidhi ng pagkamatimtiman ng matanda. Ipinakita niya

sa maysakit ang isang katha (painting) na naglalarawan ng langit.

“Aba! Iyan lang ba, Padre? Higit pa d’yan, higit na higit pa!”

NATAGPUAN sa isang dukhang kubo ng 2 Jesuit ang matandang lalaki, 80 taon gulang na yata, walang malay-tao at malapit nang mamatay. Payat na payat, buto at balat na lamang.

Naawa ang mga Jesuit at ipinagdasal nila ang matanda na natauhan at humiling sa kanila na binyagan siya. Matapos nabinyagan, naghingalo na ang matanda at namatay na binibigkas ang “Jesus, Maria!”

NABINYAGAN na si Clemente, isa pang maysakit na indio, subalit nakalimot siyang magkumpisal at magsimba. Nanaghoy na ang mga kamag-anak, “Patay na! Patay na!”

Narinig sila ng frayle na iniwan ang simbahan at pumanhik sa bahay. “Clemente, anak, naririnig mo ba kami?”

Nagbukas ng mata ang maysakit, “Opo, Padre.”

Hinimok ng frayle na bigkasin ng maysakit ang pangalan ni Jesus at Maria at matapos mahimasmasan, lumakas nang kaunti si Clemente at

pagkaraan ng ilang araw, nakapag-kumpisal siya bago namatay.

KADA-DALAW ng frayle sa isa pang maysakit na lalaki nang bigla niyang naramdaman na may iba pang maysakit sa paligid. Nahanap niya sa katabing kubo ang isang matandang babae, 90 taon gulang na, maysakit nga at hindi pa nabi-binyagan.

Malakas pa ang babae subalit tinuruan na rin siya ng frayle at saka bininyagan sa pangalang Ana. Kinabukasan, bago nagtungo ang frayle sa ibang baranggay, dinalaw niya ang mga maysakit. Nakita niyang may talukbong na si Ana, namatay nuong gabi.

NAGPATAWAG isang gabi ang isang maysakit, malapit na raw mamatay, mula sa malayong liblib na mahirap puntahan sa dilim. Nagkalat ang mga ahas sa landas, at kailangang tumawid sa malaking ilog na malakas ang agos at nilipana ng mga buaya. Subalit narating ng frayle ang maysakit na lalaki na, sa awa ng Dios, ay napagyaman at gumaling.

Hindi inasahan, natuklas ng frayle papunta duon ang isang babae na may

sakit din ngunit hindi naman malubha. Dahil hindi pa nabi-binyagan, tinuruan siya ng frayle at bininyagan. Namatay agad ang babae.

Isang indio na hindi pa nabinyagan ang nagsaysay na sinakmal siya ng isang buaya. Tadtad siya ng sugat at malapit nang mamatay nang naalaala niya ang narinig na sermon sa simbahan, at paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ni Jesus. Pinakawalan siya ng buaya na tumakas.

INABOT ng pagod, uhaw at gutom ang frayle, ang kanyang katulong (hermano, brother) at mga kasama at napilitan silang tumigil at nagpahinga. Mabuhangin ang puok at walang mga puno na masisilungan. Mainit at tanghaling tapat, wala silang pagkain o inumin kahit ano.

Bigla nilang namataan ang isang lalaki, nakangiti at matikas, na nakaupo sa tabi nila. Mayruong mga niyog at iba pang bungang kahoy (frutas, fruits) ang lalaki na inalok niya sa frayle at mga kasama. Sumigla ang pangkat pagkatapos kumain at uminom. Nagpasalamat sila sa lalaki at nagpatuloy sa kanilang paglakbay.

Madalas abutin ng uhaw at gutom ang frayle sa paglibot sa mga baranggay kaya hindi niya lubhang pinansin ang nangyari.

Pagkaraan lamang ng panahon niya naisip na tangi ang karanasan - malayo sa anumang baranggay ang puok at maaaring namatay sila sa init at uhaw. Nag-iisa ang lalaki na bihirang mangyari, matikas at mahinahon ang lalaki na lalong bihirang makita sa mga tagaruon.

Naghinala ang frayle, ayon sa sulat niya, na kundi man angel ang lalaki, na siya ay ipinadala ng Dios upang tulungan sila sa kanilang kagipitan.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata