Buntis sa Taytay Sinagip nuong 1602

MARUNONG mag-Tagalog ang mga Jesuit na ipinadala sa mga convento sa San Juan del Monte (ang dating Taitai at muli ngayong Taytay), sa Antipolo at mga baranggay sa paligid. May 400 tao sa San Juan, at malapit dito ang mga nayon ng Dalig (Taguig?) at Angono.

Nang mamatay si Francisco Almerique, isa sa mga frayleng Jesuit, nabunton ang lahat ng gawain sa 2 pang Jesuit duon, sina Tomas de Montoya at si Angelo Armano, at isa pang pari na nais sumanib sa lipunan ng Jesuit. Pagtagal, nagkasakit din sila at si Armano na lamang ang nalabing nagsisikap duon, hanggang dumating ang iba pang mga frayle.

May 700 bahay sa Antipolo, kinabibilangan ng 2 baranggay ng Santa Cruz

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Espaņola

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

at Maihai. Bagong tayo ang reduccion (resettlement) ng Santiago nuon at 400 pa lamang ang tao. May mga baranggay sa paligid nito, kabilang ang 2 na tinatahanan ng mga itim o Ita.

Nuong mahal na araw (Lent) ng 1602, nag-procesion sa mga puok na ito ang mga nagpi-penitencia (procesion de sangre, procession of blood), naghahataw sa sariling likod habang naglalakad.

Isang umaga, nanawagan sa frayle ang isang buntis na naghihingalo na, hindi mailuwal ang patay na sanggol. Nais niyang mag-kumpisal bago mamatay. Ang frayle, si Pedro de Segura, ay hanga kay Ignaciong Banal (Blessed Ignatius; halos 50 taon pa bago natanghal na santo si Ignatius de Loyola), ang patron pintakasi (patron saint) ng mga Jesuit.

Ipinakuha at ipinasunod niya ang larawan ng santo sa bahay ng buntis na, ayon sa hilot (comadrona, midwife), ay nasa panganib dahil tabingi ang

sanggol at hindi mailaglag mula sa sinapupunan. Pinag-kumpisal ni Segura at, pagdating ng larawan ni San Ignacio, inilagay niya sa harap ng buntis. Humihiyaw sa langit ang babae nang umalis ang frayle.

Hindi nagtagal, ipinatawag uli si Segura, at inamo niya muli ang nagdurusang buntis. Pagkatapos, pababa na siya sa bahay nang biglang naisilang ang patay na sanggol, at nasagip ang ina.

Sa Antipolo at San Juan del Monte

NAGING napakalawak ang pagsambang catholico nuong mga taon ng 1597-1598 dahil sa pagluwas ng mga taga-bundok at mga taga-gubat. Lubusang nasakop (ng mga frayle) ang 2 baranggay sa tabi ng Antipolo. Nabinyagan din ang mahigit 100 taga-bundok na dumating kasama ang kanilang mga familia.

Pinamunuan sila ng 3 catalonan na nag-kumpisal at nangako na hindi sila uli sasamba sa mga aņito. Hiningi nila ang kasulatan (documento, certificate) ng kanilang sumpa upang, sa mga darating na araw, wala

sinumang umusig sa kanila sa dati nilang pagiging mga catalonan.

Nagtayo ang mga Jesuit sa 2 baranggay ng samahan ng mga matimtiman (confradia, confraternity) upang labanan ang paglalasing ng mga indio at pagsamba nila sa mga aņito. Panguna sa samahan ang familia ng mga pinuno at mga tanyag sa baranggay. Dinalaw nila lahat ng maysakit at ng mga malapit nang mamatay upang tulungan at sawayin ang panaghoy at panalangin sa mga aņito na dati nilang gawi. Nag-procesion ang mga kasapi nang itatag ang samahan kaya naging tanghal sila. Sumapi rin ang ibang mga tao upang kilalanin din silang mga mabuting catholico.

Nag-procesion uli ang samahan nang dapuan ang Antipolo ng salot (plague) ng mga tipaklong (locusts). Nanawagan sila sa Mahal na Virjen Maria at nangakong ipagdiriwang nila taon-taon ang fiesta ng kanyang sapupunang dalisay (Immaculate Concepcion) at mag-aabuloy sila para sa kasal ng mga dukha at ng mga naulilang bata.

Nagka-bisā ang kanilang panata sapagkat naligtas ang kanilang mga palayan sa salot at mayaman ang kanilang ani nuong taon na iyon.

Ngayon, sa Antipolo, lahat ng dating panawagan sa mga catalonan at mga aņito ay sa simbahan ginaganap. Araw-araw, nagsisimba ang mga maysakit at mga matanda at malapit nang mamatay upang makinig sa misa at tumanggap ng basbas (bendicion, blessing) pagkatapos.

Dinadala rin sa simbahan upang mabasbasan ang mga palay at binhi na itatanim nila. Bilang kapalit, inaalay nila sa mga frayle ang unang bahagi ng kanilang ani.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata