Bigayan at Gamit ng mga Pangalan Dati-rati, hindi sila gumagamit ng parangal sa pangalan subalit pinahiran ng kalunos-lunos na kayabangan ng ‘Don’ ang lahat ng indio, lalaki man o babae. PAGSILANG ng bawat sanggol, tungkulin ng ina na bigyan ito ng pangalan, at kailangang gamitin ng anak kahit na anuman ito. Ang pinipiling pangalan ay karaniwang batay sa karanasan o isipin ng ina - Malakas ang ipapangalan kung tanto na matipuno ang sanggol na lalaki, Maliwag kung naghirap ang ina sa panganganak, at iba pang ganitong pagtatangi. Nangyayari din na walang tanging kahulugan o pagkakataon ang gawad na pangalan. Halimbawa ng mga karaniwang pangalan ay Daan na tawag |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
sa landas, Babui na tawag nila sa baboy, o Manug gaya ng tawag nila sa manok. Ano man ang napili, ito ang pangalan ng anak hanggang lumaki.
Ang mga magulang ang nagkakaruon ng apellido o pangalan ng familia, at kapag nag-asawa na lamang ang panganay na anak nila. Nuon lamang nila ginagamit na apellido ang pangalan ng kanilang panganay kaya, halimbawa, ang tatay ay tatawagin nang si Pedro ama ni Juan, at ang nanay ay Maria ina ni Juan. |
|
IDINADAGDAG ang ‘in’ upang maiba ang pangalan ng babae sa pangalan ng lalaki kaya maaaring magkatulad ang pangalan ng isang babae at ng isang lalaki. Halimbawa, ang pangalan ng lalaki ay Ilog samantalang ang pangalan ng babae ay ginagawang Ilogin. Gumagamit sila ng mga palayaw, gaya natin, subalit hindi ko na ilalahad pa at lubhang hahaba itong pahayag, lalo na at pasikot-sikot ang pagtunton kung paano mahuhulaan ang naging palayaw, madalas ay walang dahilan kahit na ano. Gamay din nilang gumamit ng mga pangalang nagpapahiwatig ng pansumandaling ugnayan. |
Ama ang tawag nila sa magulang na lalaki, at Ina ang magulang na babae. Kapag may kausap na iba, ang tawag ng anak sa ama ay ang ama co (mi padre, my father), subalit kung ang ama ang kinakausap, ang tawag siya sa ama ay hindi ‘Ama’ kundi ‘Bapa,’ at sa ‘Ina’ ay ‘Bai.’ Sa kabilang dako, gumagamit ang mga magulang ng mapagmahal o magiliw na tawag sa kanilang mga anak o malapit na kamag-anak, hindi ang mga pangalang karaniwang nagpapahiwatig ng kanilang ugnayan. Isa lamang ito na napapakita ng yaman, giting at dangal ng wikang Tagalog na sinuri ko sa nakaraang kabanata. |
ANG MGA TAO dito ay pinalaking gumagalang at nagpipitagan sa pangalan ng mga magulang kaya hindi nila ginagamit ito, maging buhay pa o patay na ang magulang. Paniwala nila na kapag binigkas nila ang pangalan ng magulang, mamamatay sila agad-agad o magkakasakit ng ketong (lepra, leprosy). Nuong una, hindi ko pa alam ang lihim na pamahiing ito at nainis ako |
tuwing tanungin ko ang ang pangalan ng ama at ayaw sumagot ang anak. Nalutas ko rin ang suliranin sa pamamagitan ng isang laro (juego, game).
Kasali ang frayle, bata pati mga matanda, isa-isa kaming bibigkas ng pangalan ng aming ama. Ngayon, binibigkas na nila kahit na ang pangalan ng mga magulang ng ibang tao, na dati ay itinuturing nilang paghamak (insulto, disrespect) o isang kabastusan (groseria, rudeness). |
KARANIWANG ugali ng mga tao dito nuon na isa lamang ang gamit na pangalan, walang parangal o apellido. Ngayon, kasama ng pangalan sa binyag gaya ng Juan o Pedro, ginagamit nila bilang apellido ang pangalan na iginawad ng ina nuong isinilang sila. |
Mayruon namang mga ina na lubhang matimtiman (religiosa, devout), ayaw ipagamit ang pangalang iginawad pagsilang ng anak. Sa halip, kapwa pangalang catholico ang ipinabibinyag nila sa mga anak bilang pangalan at apellido na rin. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |