Habilis, erectus     PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO:   Ang Mga Unang Tao

Ang Mga Nagsimulâ Nang Magíng Tao
The Theory of Evolution: The Pre-hominids

Kahit na pipitsugin (rudimentary) ang mga pakpák ng balang (volador, flying fish) kaysa mga pakpák ng ibon,
natantó ni Charles Darwin na kapwâ pagtupád sa iisáng layunin ng  Pagbabago (Evolution) na minana mulâ
sa kaniláng mga ninunň: Ang makaligtas, sa paglipád, mulâ sa mga huhuli at kakain (predators) sa kanilá...
--David Quammen, National Geographic Magazine, November 2004

HALOS 20 taón natigagál ang lahát sa pahayag ng sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution) subalit maraming nag-aghám (scientists) ang nahikayat ng mga katibayan at pagsurî niná Charles Darwin at Alfred Russel Wallace. Hindî nagtagál matapos malathala ang kaniláng sapantaha, nagsimuláng hanapin ng iba’t ibáng tagasaliksik (researchers) ang mga butó ng mga ninunň (ancestors) ng mga Unang Tao, ang masasabing kalansáy niná Eva at Adán na, ayon kiná Darwin, ay maaaring mga ‘hindî-tao’.

Mulâ nuóng 1890, nabalitŕ ang mga natuklás na butó at kalansáy, milyón-milyóng taón ang tandâ, ng mga katulad ng tao tulad ng Tao ng Java (Java Man) nuóng 1891, una at pinaka-malakíng pagtibay sa sapantaha niná Darwin. Sa nakaraáng 70 taón, natagpuán ang mahigít 1,000 piraso ng kalansáy na kasing tandâ, karamihan ay hindî-pa tao (pre-hominids) at tinuring pang bakulaw (ape, pithecus), habang ang ibá ay mala-tao (hominid) na. Sa Africa natagpuán, hindî sinadyâ at hindî talagá hinanap, ang isá sa pinaka-matandâ at dahil sa mga sumunód na natuklás duón, lumaganap ang panukalang makikita sa malakíng lupaín (continent) ang ‘missing link,’ ang ‘hindî-pa tao’ na magdudugtóng sa tao at sa bakulaw.

Australopithecus africanus’   -   ang ‘Unggóy

BAKULAW pa rin ang itinawag ni Raymond Dart, ang nakaka-bulól na Australopithecus africanus (unggóy na taga-timog Africa), sa 3-taón gulang na lalaki na pinatáy 3˝ milyón taón sa nakaraán. Hindî inaasahan, nahukay nuóng Febrero 1925 sa Taung, South Africa, ang bungô niya, may 2 butas na lapat sa pangil (fangs) ng malakíng hayop o kukó (talons) ng lawin, kaya paniwalŕ ngayóng nakain ang batŕ.

Nagsimulâ nang magíng tao, pahayag ni Dart, sapagkát ang leeg ay nasa ilalim ng bungô tulad ng mga lumalakad nang naka-tayô, hindî sa likód tulad ng bakulaw na naka-talungkô kung lumakad. Hindî pa sikát nuón si Dart, tagá-Australia na nag-aral sa University of London at nagíng professor sa University of Witwatersrand sa Johannesburg, South Africa, kayá halos 20 taón waláng Dart pumansín sa kanyá. Ni waláng nag-aghám na nagpuntá sa Africa upang suriin ang bungô.

Akalŕ din nuón na sa Asia o sa Europe matatagpuán ang mga ‘missing link’ dahil sa Java Man, natuklás sa Indonesia, sa Peking Man, nahukay na kalansáy sa China, at sa Neandertal, unang tinawag na caveman o ‘taong tagá-yungib’, nahukay sa Germany, sa libís (tal sa German, valley) ng Neander. Nakaguló rin ang Piltdown Man, nahukay sa isáng putikán (piltdown, swamp) sa Britain at maraming taón bago nabunyág

Africanus na taga-timog Africa

na huwád (hoax). Mabuti namán, nagtiyagâ ang mga taga-halukay ng nagbatóng butó (fossil hunters) at nakatuklás silá ng mga kalansáy sa iba’t ibáng bahagi ng South Africa - sa Makapansgat, Sterkfontein, Gladysvale, at sa Taung ulî. Nuón lamang tinanggáp ang sapantaha ni Dart at kinilala siyáng pangunahin (pioneer) sa aghám ng Unang Tao at Mala-tao (paleoanthropology mulâ sa Greek ‘paleo’ o lubháng matagál nang panahón, at ‘anthropology,’ ang aghám ng mga naunang tao).

Tinawag munang Taung child o Taung totoy ang natuklás ni Dart ngunit ngayón, ginagamit na ang maka-bulól na Australopithecus africanus mulâ sa Latin ‘australo’ o taga-timog, at sa Greek ‘pithecus’ o bakulaw (ape).

Ang africanus ay kasing lakí ng unggóy (chimpanzee) sa katawán, mahigít isáng metro lamang ang tangkád, sa uták (mulâ 625 cc hanggáng 425 cc) at sa ipin bagamán at mas maliít nang kauntî ang mga ipin sa harapán. Katunayan, halos waláng mahalagáng pinag-ibá ang africanus sa bakulaw maliban sa kinalagyán ng leeg sa ilalim ng bungô.

Nagtatalo pa ang mga nag-aghám ngayón: Mayruón mang katangiang mala-tao ang africanus, nakadagdág ba itó sa pagbuô ng sangkatauhan (humankind)? O hiwaláy ba itó sa kamag-anakan ng mga ninunong tao, at naglahň (extinct) nang waláng kinahinatnán (genetic dead-end)?

Robert Broom Australopithecus robustus,’

KAHIT anák-mahirap, nagíng manggagamot si Robert Broom sa Scotland, bago siyá napuntá sa South Africa nuóng 1892 sa hilig niyáng mag-usisa tungkól sa Unang Tao. Sinisante siyá sa pagka-professor ng University of Stellenbosch dahil naniwalŕ siyá sa sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution) ni Charles Darwin. Napilitan siyáng mag-doctor na lamang sa Karroo, ligáw na puók sa South Africa, habang patuloy na nagsiyasat sa malayong pinagmulán ng tao (paleontology). Naparangalan ng Royal Society ng England nuóng 1920, bantóg na paleontologist na siyá nang itigil ang pagdo-doctor nuóng 1934 at, 68 taón gulang, nag-kawani na lamang sa Transvaal Museum sa Pretoria sa South Africa, upang makapag-saliksík full-time.

Naniwalŕ siyá nang nahayag ang Australopithecus africanus nuóng 1925. Binili niyá ang anumang nagbatóng butó (fossils) na natuklás sa paligid, patí ang kapirasong pangá (jaw), may kabít pang mga ipin (teeth), na napulot sa isáng cueva ng Robustus isáng lalaking mag-arál (estudiante) na nag-part time bilang tourist guide sa Kromdraai. Pinasiyá ni Broom nuóng 1936 na magsiyasat nang masugid duón. Natuklás niyá nuóng Junio 8, 1938 ang Australopithecus Robustus, ang ‘matipunň’ o ‘malusóg na unggóy.’ Sa

Pangil angMalusóg na unggóy

sumunód na mga taón, ibá pang nagbatóng butó ng Robustus ang natuklás sa Kromdraai at Dreimulen, at marami sa Swartkrans. Nuóng 1946 na niyá nailathalŕ ang kanyáng mga pag-surě. Itó ang humikayat sa mga nag-aghám (scientists) na ituring angaustralopithecus na isáng kaurián (species) ng mala-tao (pre-hominid), at maniwalŕ na maaaring sa Africa nagmulâ ang mga Unang Tao. Maniwaring pagpatuloy ang Robustus ng mga pagbabago na sinimulán ng Africanus, lalo na sa mukhá at uták, lumakí ng 15 por ciento, mahigít 500 cc, kaysa sa Africanus. Maliít lamang ang inilakí ng katawán kaysa Africanus, subalit tinawag na matipunň (robust) dahil mas malakí at mas makapál ang bungô at mga ipin.

Paniwalang kumapál ang mga ipin dahil pulós mabuhanging gabi (ńames, yams) at matitigás na huwes (secos, nuts) ang kinain ng Robustus. Lumakí namán ang bungô para kapitan ng malalakíng lamán (muscles). Tulad ng mga gorilla, marami kumain at maghapon araw-araw ang nguyâ (chew) ng Robustus dahil kulang sa sustancia ang gulay (plants) at ugát (roots). Kinain pa yatŕ nang hiláw dahil hindî marunong mag-apoy at maglutň ang Robustus, sa tingín ng mga nag-aghám. Mas maliít ang ipin at manipís ang bungô ng Africanus, at ng Homo afarensis na natuklás sunód, pahiwatig na sandalí lamang kumain, dahil ma-sustancia at malambot ang pagkain nilá - lamán (carne, flesh) ng ibáng hayop. Kumain ba ang ninunň ng ibang hayop bago nagíng tao?

Australopithecus afarensis,’

SIKÁT na sikát nuóng Noviembre 30, 1974 ang ‘Lucy in the Sky,’ hit song ng Beatles nang natuklás niná Donald Johanson at Tim White ang isáng nagbatóng kalansáy (fossilized skeleton) sa ligáw na puók ng Afar Triangle sa Hadar, Johanson Ethiopia, Africa. Naturál, tinawag niláng ‘Lucy’ ang kalansáy ng babaing namatáy mahigít 3 milyóng taón sa nakaraán. Nahirapan siná Johanson bago tinanggáp sa aghám na bagong kaurián (species) si ‘Lucy’ at tinawag na Australopithecus afarensis o ‘taga-timog na unggóy mulâ sa Afar.’

Pagkaraán ng iláng taón, natuklás sama-sama sa isáng puok ang nagbatóng kalansáy ng 13 Afarensis. Tapos, natuklás ang ibá pa sa Laetoli at sa Belohdelle, tantiyáng 3.9 hanggáng 3.5 milyón taón ang tandâ, at sa Hadar at Maka, 3.5 hanggáng 2.9 milyón taón namán ang gulang. Natuklás din ang mga bakás ng paá (footprints) sa putik na tumigás at nagíng bató, 30 metro ang habŕ, sa Laetoli, sa Tanzania, Africa. Tantiyáng mahigít 3˝ milyón taón ang tandâ ng mga bakás ng 3 batŕ at isáng matandáng bakulaw na naglakád nang

siLucy’ ng timog Africa

nakatayô at inaakalŕ ngayóng Afarensis din. Paniwalŕ din ngayón na Afarensis malamáng ang ninunň ng iba’t ibáng sumunód na mala-tao (hominid) at, pagkatapos, ng mga Unang Tao.

Sinabing bakulaw (ape) ang Afarensis mulâ sa leeg paitaás, at mala-tao Afarensis mulâ sa leeg pababâ. Mas malakí ang lalaki kaysa babae, ang tinawag na dimorphism na katangian ng mga bakulaw. Magkasing lakí ang utak ng chimpanzee, 430 cc, at ng Afarensis subalit napunáng mala-tao kaysa mala-bakulaw ang tubň ng ipin. May ibá pang katangian nagpahiwatig ng pagbabago (evolution) patungo sa pagiging tunay na tao (homo) ang Afarensis, pinaka-sikát sa lahát ng pinagmuláng mala-tao, ang tinagurian ni Johanson na ‘simulâ ng kaurián ng tao’ (the beginning of the human species).

Nakaraáng kabanata             Ulitin mulâ sa itaas             Lista ng mga kabanata             Unang panahón sa P’NAS             Mga Kasaysayan Ng P’NAS             Sunód na kabanata