![]() Habilis At Erectus: Ang ‘Mala-Tao’ At ‘Halos Tao Na’
PUTÓL-PUTÓL at pabiglâ-biglâ man, nababakás rin namán ang landás ng Pagbabago (Evolution) mulâ sa mga unang unggóy na mala-tao (australopithecus) hanggáng sa mga kasalukuyang tao (modern humans). Ang paglakí ng utak at katawan. Ang pagliít ng ipin. Ang pagkinis at pagnipís ng mga butó. Ang pagdami ng mga gamit (tools) at pagkabihasŕ sa paggawâ at paggamit ng mga itó. Sa kabilâ nitó, hindî malinaw kung saán natapos ang hulíng bakulaw at nagsimulâ ang unang tao. Pinagtatalunan pa ang sangá, punň at dulo mulâ bakulaw hanggáng tao, ang kamag-anakán (phylogeny, family tree) ng sangkatauhan (humanity).
Ang mga ‘Homonid’ namán, kaibá pa rin subalit maituturing nang halos-tao. Anak-anakán ba silá sa ‘Afarensis’ o ng ‘Africanus’? O ng ibáng ‘Australopithecus’ na hindî pa natutuklás? Maaarě, batay sa untî ng katibayang naipon, na walâ kahit isá sa mga kilaláng unggóy na mala-tao ang ninunň natin. Marami pang naungkát na mga kalansáy nitóng nakaraáng 10 taón. Sa ngayón, baha-bahagě ng mahigít 1,000 nilaláng - bakulaw, mala-tao, at tao - ang natuklás na. Ang ibáng bagong-hukay ay maniwaring mga tanging kaurián (species) - hindî pa napapag-ayunan. Hindî pa rin mawarě kung may ugnáy silá sa tao o walâ. Sang-ayon halos lahát na ang ‘Robustus’ at ang mga katulad o kamag-anak na ‘Boisei’ at ‘Aethiopicus’ ay waláng ugnáy sa tao, isáng sangá ng kamag-anakán na naputol at naglahň nang waláng sumunód (extinct). Subalit hindî pa malinaw kung ang mga natuklasáng halos-tao gaya ng Java Man at ng Neandertal ay may ugnáy sa kasalukuyang tao o, gaya ng sawíng ‘Robustus,’ silá ay mga sangá-sangáng naglahň nang waláng katuturán.
|
|
Homo habilis, ang ‘Masinop’ na Tao ‘HANDY man’ o Homo habilis, masinop sa buhay at mahusay gumawâ ng mga kagamitán (utiles, tools) ang palayaw ni Louis Leakey sa mga natuklás niyáng nagbatóng butó (fossils) sa bangín (desfiladero, gorge) ng Olduvai sa Tanzania, silangang Africa, nuóng 1964. Nabuhay 2˝ milyón hanggáng 2 milyón taón sa nakaraán, ‘Habilis’ ang kauna-unahang kaurián (species) na maisasali sa pangkatan (genus) ng mga halos-tao (homo), sabi ni Leakey. Subalit sa lahát ng halos-tao, pinaka-kaibá ang ‘Habilis’ sa hugis at katawán.
Maliít ang mga ‘Habilis,’ karaniwang 1.3 metro o bandáng 4 feet ka-punggok, at paráng bakulaw, mas mahabŕ ang mga bisig (arms) kaysa ibáng halos-tao. Gayón man, ninunň (ancestor) raw silá ng isá pang kaurián ng halos-tao, ang Homo ergaster na mas matangkád at mas marunong, at maniwaring ninunň namán ng Homo erectus na mas mukháng tao. Kasabáy ng ‘Habilis’ ang ibá pang |
![]() Ang hugis ng kagamitáng bató ng ‘Habilis’ ay tinawag na Oldowan ng unang Panahón ng Bató (Paleolithic, Old Stone Age). Lubháng magaspáng (primitive) ang mga panghiwŕ (cutters) kung ihahambíng sa gamit ng mga sumunód na tao, subalit pinaka-maunlád at pinaka-mabisŕ nuóng panahón ng ‘Habilis.’ Kayâ nakakuha silá ng pagkain na hindî abót o nakayanan ng ibáng mala-tao at halos-tao. Datapwá, hindî nangahoy (hunted) ang ‘Habilis’ o kumatay (predated) ng hayop na pagkain (prey). Katunayan, madalás siláng kinain ng isáng uri ng tigre (leopard) na buháy nuón. Hindî pamatáy ang batóng panghiwŕ nilá kundí panglapŕ (butcher) lamang ng mga natagpuáng (scavenging) patáy nang hayop, o pamitás (harvester) ng mga bungang kahoy. |
Walâ pang katibayang natuklás na natuto ang ‘Habilis’ gumamit ng apóy o naglibíng ng patáy. Paniwalang walâ siláng wikŕ (language) maliban sa pasenyas-senyas, kayâ malamáng nagpalaboy-laboy na lamang at nahirapan sa anumáng gawain na kailangan ang pag-usap at pagkasundo. Waláng naniniwalŕ na pinag-aralan ng ‘Habilis’ ang pali-paligid tulad ng pagsuring ginawâ ng mga sumunód na tao. Sa lahát ng kaurián ng halos-tao, ‘Habilis’ ang pinaka-mahirap unawain. Sarě-sarě at magka-kaibá ang mga nagbatóng butó at ipin na maniwaring kanyá-kanyáng tinuring na ‘Habilis.’ Sali-salibat ang panukalŕ ng bawat |
![]() Ngunit kahit tanyág at mapilit, waláng tumanggáp sa panukalŕ ni Leakey na ‘Habilis’ ang ninunňng tunay (direct ancestor) ng kasalukuyang tao. Paniwalŕ ngayón na ang tunay na ninunň ay ‘Homo erectus,’ ang nakakatindíg na tao. |
![]() Tinawag niyá itóng Pithecanthropus erectus o taong bakulaw na nakakatindíg, pangalan at pagtuklás na inirapan ng mga nag-aghám (scientists) sa Europe, pinangunahan ng mga taga-England na karibál ng mga taga-France. Paniwalŕ kasí nuón, sa Europe matatagpuán ang nawawaláng ninunň (missing link) dahil sa natuklás duóng butó-butó ng Neandertal (bahagě ng susunód na kabanatŕ). Nautál sa singhal, 30 taón tumahimik si Dubois, itinago pa sa ilalim ng katre (cama, bed) ang ibá pang butó-butóng natuklás niyá sa Java. Subalit napatunayang tutuó palá ang kanyáng sapantaha nang natuklás nuóng 1923 sa Zhoukoudian (Joukutien ang tawag ngayón), malapit sa Beijing, China, ang bungô (skull) ng isáng halos-tao-na. Nuóng 1921 pa nagsiyasat duón dahil sa balitang maraming ‘butó ng dragón,’ tawag ng mga taga-Joukutien sa nagbatóng butó-butó (fossils). Namunň si Otto Zdansky, sumunód si Davidson Black, tapos siná Pierre Tailhard de Chardin at Franz Weidenreich. Nuóng 1923-1927, natuklás nilá ang butó-butó ng mahigít 40 halos-tao-na, tinawag niláng Sinjanthropus pekinensis o mala-taong bakulaw na Intsik ng Peking. Dahil dito, nagsiyasat ulî sa Indonesia at nahukay ang butó-butó ng bandáng 40 halos-tao-na, patí ang halos buóng bungô sa Sangiran ni G.H.R. von Koenigswald nuóng 1937. Pagkaraán ng 20 taón, sa mungkahě ni Ernst Mayr, tinawag nang Tao (homo) at pinagsama ang magkahawig at magkapanahóng Tao ng Java (Java Man) at Tao ng Peking (Peking Man) sa bagong kaurián (species) ng Homo erectus, ang taong nakakatindíg. |
|
SA Indonesia natuklás ang pinaka-una sa mga Unang Tao, ang tinawag na taong bakulaw (ape man) ngunit kilala ngayóng ‘Tao ng Java’ (Java Man). Sa China natagpuán ang pang-2, ang ‘Tao ng Beijing’ (Peking Man). May nahukay ding mga Taong nakakatindíg (Homo erectus) sa Africa at - hindî inakalŕ ni Dubois - sa France, ang ibá ay 1.8 milyón taón ang tandâ. Ang Taong Java ay 700,000 taón lamang ang tandâ. Mas batŕ ang Taong Beijing, tantiyáng 400,000 hanggáng 250,000 taón lamang. Makapál pa rin ang butó sa kilay (protruding brow) subalit mas tao kaysa bakulaw ang Homo erectus sa katawán at kilos. Halos ľ ng utak ng tao ngayón ang utak niyá, at mas malakí kaysa sa utak ng Homo habilis na, sabi ng ibá, ay ninunň (ancestor) niyá. Ang nuó (forehead) niyá ay medyo patayó na, sa halíp ng pahilís (slanted) tulad ng bakulaw. At karaniwang 1ľ metro, halos 6 feet, ang tangkád niyá. Siyá marahil ang unang nangahoy ng hayop na makakain (predator) bilang hanap-buhay. Gamit niyá ang mga hinugis na bató at butó, mas mabisŕ kaysa sa gamit ng mga naunang mala-tao (pre-hominids) at halos-tao-na (hominids). Ang unang pagtapyás niyá sa mga gamit na bató ay tinawag na Oldowan, nauso nuón pang 2.4 milyón taón sa nakaraán. Mahigít 1 milyón taón bago napa-unlád ang hugis ng mga gamit, tinawag namáng Acheulan, |
![]() simulâ nuóng 1.2 hanggáng nitóng ˝ milyón taón sa nakaraán. Nuón pinatulis sa magkabiláng gilid ang mga batóng hinugis palakól (handaxe), pahiwatig na sinimulán niyáng tinalian itó ng hawakáng butó o kahoy - isáng makabagong kathâ (modern invention) na nagpalakás ng hambalos. May pahiwatig din, ayaw maniwalŕ ang ilán, na marunong magparikít ng apóy ang Erectus mulâ nuóng pang 1˝ milyón taón sa nakaraán, natuklás sa France, China at ibá pang puók. Ang pinaka-matibay na katibayan ay natagpuán sa Terra Amata sa kasalukuyan at mayamang dalampasigan ng French Riviera subalit nangyari nuóng lubhang dukháng panahón 300,000 taón sa nakaraán. Nitóng 2004, nahayág ang katibayan sa hilaga ng Israel, sa Middle East, ng madalás o palagiang paggamit ng apóy bandáng 700,000 taón sa nakaraán. Mulâ dito, hinulaang dalá ng Erectus ang paggamit ng apóy, at ang pagluto ng pagkain, nang lumikas sa Africa at lumaboy sa Middle East patungň sa Asia at Europe. [Waláng katibayang nakaratíng ang Erectus sa America.] Subalit ang masasabi lamang nang tiyakan ngayón ay paminsan-minsan lamang, at hindî lahát ng pangkát ng Erectus ay gumamit ng apóy. Nagíng laganap lamang ang paggamit sa apóy nuóng nagsimulâ nang naglahň ang Erectus at palitán ng sumunód at kasalukuyang tao (Homo sapiens). |
ANG ninunň ng kasalukuyang tao (modern man) ay ang Taong nakakatindíg (Homo erectus), sa paniwalŕ ng halos lahát, at ang Homo habilis ang ninunň ng Erectus. Subalit simulâ nuóng 1950, sa mungkahi ni Ernst Mayr, inilipat ng ibáng nag-aghám (scientists) ang iláng kalansáy ng Erectus sa Homo ergaster, isáng bagong kaurián (species) na ninunň raw ng Erectus nuón pang 1.6 milyón taón sa nakaraán. Lalong nakaguló, natuklás kailán lamang ang butó-butó
|
|
Nakaraáng kabanatŕ Ulitin mulâ sa itaas Lista ng mga kabanatŕ Unang panahón sa P’NAS Mga Kasaysayan Ng P’NAS Sunód na kabanatŕ |