Ika-6 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez
at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat

Kaya naisipan ng,- upang tumahan
kaguluhang ito,- nasabing general,
ang bawat Tagalog na may karunungan
at kaunting yaman, bigyan ng katungkulan.

Kaya nga’t inipon si Roxas, Vismanos,
Ascarraga
’t Tuáson, González na lubós,
Padilla’t Esquivel, si Calderóng bantog
saka si Icasa, pawang Filipinos.

Sila, hindi iba, ay kusang nahalal
vocales civiles na puno sa bayan,
saka nga sinunod ang ilang kabanghay
nitong si Regidor reformas na tanan.

Dito na naghalal sa Corte ng Madrid
ng isang Comisión sa nag-uusig
nitong si Regidor na di naiidlip,
tayong kalahatan mapaiging tikís.

Kaya ang Ministro de Ultramar nuon
ay siyang namuno gayong pagpupulong,
at ang mga vocal sa ganitong layon,
mga generales na walang kaukol.


Nakaraang kabanata                 Sunod na kabanata

Lista Ng Mga Kabanata

TUTOL NG FRAILES

Sa pagtulong nito na lubhang malihim,
ang lahat ng fraile ay di napatigil,
lalong inululan ng galit na tambing
sa dalawang ito na regidor natin.

Lalong lalo na nga nang sila’y lantakan
sa diariong Discución* halos araw-araw
ng binatang Manuel, fraileng kalahatan
lalong nagsigasig, panalo’y makamtan.

Dito na si Burgos kusang sumulat ng
ilang artículong kasagutan baga,
sa lagdang sinulat ng fraileng si Coriang
nakikipagtalo, magwagi ang pita.

Sa usapíng ito, nang kusang malaman,
ang ating si Burgos dito ay kapisan,
ang lahat ng fraile lubós nang tumahan,
tinimpi sa loob yaong kagalitan.

Dito na umusbong sa kanilang dibdib,
si José Burgos nga ay sinumpang tikís
at paghigantihan gawan nila ng pangit,
lihim na pakaná na asal balawis.

Bagama’t gayon na ay kusang tumigil
ang lahat ng fraile sa gayong usapín,
di rin naampat at napatuloy rin
sapagka’t tumawid sa lupain natin.

*pahayagan sa Madrid

Sa buong lawig nitong Filipinas,
kaguluhang ito kusang lumaganap
dahil sa ang lahat na fraileng dulingás
ay pawang nagbago ng ugaling ingat.

Yaong pagka-kamkam siyang natutuhan
ng lupa at bukid sa Katagaluga’t
kusang pataasin ang dating kabuwisan
ng mga hacienda na atin di’t tunay.

Kaya siyang mula ng panghihimagsík
nitong si Eduardo Camerinong sulit
na taga-Caviteng nahalal na tikís
pangulo sa hukbo na pawang nilupig.

Isa pang kasama ni Eduardong hirang
ay yaong Luis Parang ang pangalan
na siyang namuno sa bayan ng Tanguay
ng paghihimagsik sa fraileng sukaban.

Ang bayan ng Imus noo’y gulong-gulo
sapagka’t nakuha nitong si Eduardo,
kaya’t nang mahuli ang dalawang ‘lego
sa ‘casa hacienda’ binitay nga nito.

Nang ito’y matanto ng bunying general,
nagulo ang diwa, kaya naisipang
tumawag ng pulong sa lahat ng mahal
na mga Tagalog, nang ito’y mahusay.

Pagka’t ang guló, lubhang malaki na
di na naapula anumang gawin niya,
hanggang sa inabot ang casa hacienda,
sinilabang tunay ng mga nagsipag-alsá.

ANG  PINAGKUNAN:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreader. Produced from page scans provided by University of Michigan

Mga Hindi Karaniwang Pilipino                 Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys                 Mga Kasaysayan Ng Pilipinas