Ika-9 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez
at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat


Ito, hindi iba, ay si Fray Antonio
Piernavieja,
ang bunying Agustino,
tutuong nasinsay, kusang umabuso
sa ipinag-uutos ng Eclesiástico.

Makaraan ito ay hindi naluwatan,
sa Corte ng Madrid may isang lumitaw,
diariong kasang-ayon ng Katagalugan,
Eco Filipino ang siyang pangalan.

Dito nga si Burgos ay kusang tumulong
gumugol ng yaman, sampo ng dunong
upang lumawig at kusang yumabong,
magkaroon ng madlang mga suscritor.

Nagtayó rin naman, isang kapisanan
dito sa Maynila, sa nagpapa-aral
sa Reinong Espańa Filipinong tanan
ibig na dumunong, lahat ay malaman.

Kaya sa dalawang Regidor na tikís
nangyaring lumagda ng usiging pilit
tanang Filipinos may dunong sa Madrid
magkamit, título’t con decoraciones.


Nakaraang kabanata            Sunod na kabanata

PAGSIKAT NI BURGOS

Nang malaman ito nitong Burgos natin,
lahat ng kapwa ay inipong tambing
pinaki-pagtalo lahat ng inilíng
na paring Tagalog ng fraileng butihin.

Sa nangyaring ito, dito na inusig
sa Arzobispado, ang leyes ni Moret
ay sunding totoo pagka’t natititik
sa pinag-usapan, ito’y susunding pilit.

Nang ito’y matanto ng fraileng si Roxas
Cornejo, Ariaga, Cabrera
ng dulingás,
Pardo, Gala’t ibang lumahók na kagyat,
si Padre Burgos ang kusang pinaghanap.

At ipinaglaban kanilang katwiran
kahit nalilikó sa magandang daan;
nguni’t wala rin silang hinangganan
kung hindi sa hiyá na walang kabagay.

Sapagka’t sila nga’y nakabilanggó pa,
ang kanilang ari in-embargong sadya
sa nangyaring ito na usapín nila
sa bunying Juzgado Eclesiástico baga.

Nang ito’y masapit nilang kalahatan
sila’y nakaisip pasaklolong tunay
kay P. Burgos at paki-usapan,
nang sa pagkapiit, makalabas lamang.

Gayon din ang tanang mga Presbítero,
pawang nilupig mga fraileng ito
sampo ng ibang mga Filipino,
kay Padre Burgos din nagpasaklolo.

Sa nangyaring ito, ang ating Burgos
hindi nagmalaki’t pinakinggang lubós,
ang sa lahat ng fraile at mga Tagalog
mga paki-usap sa gayong inabot.

Siya nga’y gumugol, lubos nagka-gasta
na hindi siningil kapaguran niya,
sa fraile’t Tagalog nang makamtan nila
ang pagkakawala sa cárcel ng dusa.

Itong si Fray Galan, Recoletong hirang
si Fray Ariaga, Franciscano naman
at si Fray Cornejo, Domenicong tunay:
si Padre Burgos nga ang nagsanggalang.

Sila’y napabalik at kusang nag-cura
sa bayang Tagalog, dating lagay nila
at ang ari nila na in-embargo baga
ay kusang naibalik na karaka-raka.

Sa panahóng íto, lubos nagkaroon din
ng sumbong ang mga taga-San Rafael,
sakop ng Bulacan mula baga, dahil
sa kanilang cura na nag-asal suwail.

Kaya ang ginawa dagling pinatawag
ni Padre Burgos at inaralang kagyat
na sa uli’t uli, ang ginawang lahat
huwag nang gagawin sapagka’t di tapat.

ANG  PINAGKUNAN:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders
Produced from page scans provided by University of Michigan

Mga Hindi Karaniwang Pilipino             Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys             Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Lista ng mga kabanata