Ika-11 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez
at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat
Sukat na natira dito ay iisa,
kaya’t si Buttler nagpumilit baga
ang lupa ng Tanguay iwan muna niya
nang huwag maranasan kaguluhang sadya.

Kapag-daka naman, kanyang kahilingan
ay agad inamin, biglang pinayagan
ng kanyang general Izquierdong marangal
nuong umagang yaon na hindi lumiban.

Nguni’t bago siya sa Tanguay umalis
sina Montesino’t Morquechong nasambit
ay kanyang hininging duon na mapiit
sa Maynilang Ciudad na sakdal ang lapit.

Kahilingang ito ay di na nahintay
sapagka’t guló na ang lahat ng jornal
sa hindi pagpayag sa ibinibigay
dating kaupahán, kaya binayaan.

Ugali’t salita madaling malutas
nang ito’y matanto ni Rufiang dulingás
lalong sinulsulan jornal sa alingasngas
sila’y maghimagsik sa castilang lahat.

*mga pulo ng Visayas at Mindanao

Nakaraang kabanata         Sunod na kabanata

ZALDUA  NILINLANG

Sa pakikiniig nga ni Miguel Zaldua
sa aral ng fraile, kusang inakit nga
tanang jornalero sa Arsenal baga
na sila’y tumutol sa ugaling upa.

Kung saka-sakaling ayaw na itaas
sila’y mag-aalsa, huwag na magulat
sapagka’t tutulong ang kawal na lahat
sa Maynila’t Tanguay, pawang kasabwat.

Napahinuhod nga, ang lahat ng jornal
sa mabuting akit ni Zalduang nasinsáy
kaya ang ginawa nitong Fray Rufian
umisip naman siya ng ibang paraan.

Ang sumagi sa kanyang akala sina
Montesino’t Morquechong dakila,
pinaki-usapan na tulungang sadya
ang lahat ng jornal sa pag-aalsa.

Ang dalawang ito ay castilang taal
na kapwa tenienteng napipiit lamang
sa castillong bayan ng Tanguay,
ngala’y San Felipe, lipós kahirapan.

Sa sabing matamis ang dalawang ito
ay hindi tumanggi, sumagot ng ‘Oo’
upang sila’y makalabas lamang dito
sa pagkaka-piit sa sakdal Castillo.

Ang lihim na ito ay hindi nagdaan
araw ng Sábado dumating na tunay
nang babayaran ang lahat ng jornal
na nagsisigawa doon sa Arsenal.

Ika-dalawang po, buwan ng Enero
siyang kabilangan ng araw na ito
kaya nagsitutol, sinunod ang trato,
nuong sila’y bayaran sa di nila gusto.

Nang ito’y matanto ng coronel Buttler
bunying gobernador ng kawal na tambing
sa lawigang Tanguay ay hindi pinansin
reclamo ng jornal na walang kahambing.

Ang kanyang ginawa, umaga ng Linggo,
humingi ng ‘fuerza’ sa general dito
hayág na Izquierdo, pagka’t natanto nito,
ang lahat ng jornal ay ibig na manggulo.

Naisipang isa pahaliling tunay
nuong oras ding ito sa isang kapantay
ng coronel Roxas nang di niya kamtan
yaong kaguluhan naramdamang tunay.

Saka pinaglirip sa sariling isip
magkaroon man siya ng kawal na kabig,
kung wala naman siyang escuadra sa tubig
ay wala rin anyang tunay na masasapit.

Pagka’t ang nangyari, ginawa ni MacRohon,
contra-almirante sa escuadra noon,
tanang cańonero nuong panahong yaon
ay pawang dinala sa Islas del Sur*.

ANG  PINAGKUNAN:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan

Mga Hindi Karaniwang Pilipino         Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys         Mga Kasaysayan Ng Pilipinas         Lista ng mga kabanata