Ika-12 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA’
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora,
Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua
sinulat ni HONORIO LÓPEZ
|
Ang mga marino, sampong infanteria,
mga artillerong nasa sa muralla
na pawang Tagalog, dito sumunod na
nakigalaw din, sa jornal sumama.
Si Lamadrid, sargentong Ilonggo
hindi nagpabaya’t agad sumaklolo,
pinatáy mga púno, pawang castellano
ang gradong teniente nilagay na rito.
Si Montesino at Morquecho man
lumagay sa lugar, sumanib sa kawal
kaya’t pinaghati ang fuerzas na tanan
saka namiyapis nang walang kabagay.
Kaya ang putukan ng cañón at baríl
sa buong magdamag hindi nagtigil,
natalaksáng bangkay di maipagturing
ng mga castila’t Tagalog na tambing.
Gobernador Roxas, buti na lamang,
agad nakatakas at hindi napatáy
kaya’t nakuha pa sa akay na kawal
ni coronel Sawa kusang nakipisan.
*baranggay sa nayon ng Sampaloc sa Manila.
**fireworks
|
AKLASAN SA CAVITE
Sinabi pa nito, huwag mag-alaala,
sila’y tutulungan tanang kawal baga
dito sa Maynila Infantería’t Guía
sampung artillero na walang pagsala.
At hindi dadaan, dugtong na sinambit,
mamayang gabi ay mag-aalsang pilit
mga taga-Maynila; kung inyong marinig
ang putukan doon, sumabay na tikís.
Ako ma’y castila, muli pang winika
nitong si Fray Rufian uldóg na kuhilá,
nguni’t sa awa ko sa inyo ngang pawa,
dugó ko’y nakulo sa tanang castila.
Kaya sa hatol ko, kayo ay sumunod
nang lumaya kayong mga Tagalog.
Huwag kayong magkaroon ng lubós
na desconfianza sa ipinatalós.
Sapagka ako nga’y katotong mahigpit
ni Burgos ninyo, at kaisang-isip
sa nilalayon niya na lubhang mapilit,
ang pagsasarili ay makamtang tikís.
Kaya kung sakali’t kayo’y magdiwang
ay inyong ihiyaw: Si Burgos mabuhay
at ang Filipinas, giliw ninyong bayan!
España’y mamatay, mamatay na tunay!
|
Sa engañong ito, sa hina ng isip
ng mga jornal, sila ay nakinig
sa hikayat nitong lalaking ganít,
walang inimbot kundi gawaing lihis.
Sa madaling takbo ng panaho’t oras
yaong kagabihan sumapit na kagyat,
ano’t nagkataon, parang pinagtiyap,
pista sa San Anton* ay nuon ginanap.
Nagkaputukang castillo** at bomba,
kuwitis saka lusis na walang kapara
sa buong magdamag, at iba pang sayá
na nakakawili sa ginawang pista.
Marami ngang tao ang nagsidaló,
taga-ibang pook na di mamagkano
sa kanilang galak sa pistang ganito
na kailanman ay hindi nakakita nito.
Bakit nasabay pa ang pistá ng Calmén
na pinagkasayáhang walang kahambing,
fraileng Recoleto pawang napahimpil
sa San Sebastian ng pook na maaliw.
Sa sabing matulin, itong kasayahan
dito sa Maynila nang kusang malaman
jornales sa Tanguay biglaan
ang galaw, hindi naapula ng sinuman.
Sapagka’t akala nitong nang-akit
na fraileng si Rufian, putók na narinig
dito sa Maynila ay paghihimagsik
mga tagarito kay Burgos na kabig.
|