Ika-15 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA’
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora,
Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua
sinulat ni HONORIO LÓPEZ
|
Saka sina Sánchez, León at Carrillo,
Enriquez at Serra, Máximo Paterno
pawang ipinatapon, dinestierro
sa iba’t ibang bahagi nga ng Mundo.
Natangi nga lamang sina Padre Burgos,
Gómez at Zamora, at Zalduang puspos,
ang hindi napatapon, at kusang násunod
sa mga destierrong balót ng himutók.
Palibhasa sa salapi’y di sing lakás
sa diligencia na pilit pinalabas,
ang apat na ito sa Castillong agap,
sila ay mapasok at kusang maghirap.
Madali’t salita, hindi nagdaan
ang isang buwan, ang apat na tinuran
sa Consejo de Guerra ang ngalan
sila’y ipinasok ng pinunong tanán.
Lahat ng matuwid nina Padre Burgos,
Gómez at Zamora ay pawang naayop
ng lakás at bisa ng salaping handóg
ng mga fraileng asal ay balakyot.
Nakaraang kabanata
Sunod na kabanata
|
‘IMPERIONG FILIPINO’
Ang unang lumabas di umano’y Imperio
ang nasang itayó ng mga Filipino,
at ang Emperador na lumabas dito
si Joaquin Pardo de Tavera animo.
Ministros daw si Burgos at Basa,
Antonio Regidor, Paraiso’t iba pa,
idinamay tanan nang walang malay baga
kaya nuong dakpin, pawang napataka.
Nang ito’y matanto mga fraileng lahat
pawang nangguló ang isip na ingat
kaya ang ginawa’y kanilang nilakad
upang mabago ang sa unang hagap.
Dito na nga sila gumawa ng pulong
anila’y mabuti mag-contribución
nang ang ating nasang nilalayon-layon
ay kusang matupad sa habang panahón.
Sa pasiyang ito’y pawang nagsi-amin,
ni isa’y wala mang tumutol na tambing,
kaya’t gumugol ng lubhang malihim
sambuntong salapi kay Izquierdong sakím.
Ipinagpilitan na ang nangyari dito
bunying si Burgos ang nangguló
kaya ang nararapat baguhing tutuo
ang sa diligenciang ginawa ng dako.
|
Kaya sa pagdinig at kusang pagtitig
niyong si Izquierdo sa salaping tikís
yaong diligencia ay binagong pilit
sinunod ang nasa ng fraileng balawis.
Dito na lumabas, nang ito’y mabago,
kaya daw nag-alsá ang mga Filipino
sa lalawigang Tanguay ang nasang tutuo
maging República ang lupaing itó.
At kusang nahalál Presidenteng lubós
ang marunong nating si Doctor Burgos
at ang nahayag na mga Ministros
daw ay ang mga natatalá dito, ang kasunod.
Si Pardo Tavera siyang sa Estado,
sa Hacienda naman si Paraiso,
si A. Regidor siyang sa Gobierno,
si María Basa nama’y sa Fomento.
At si Maurante siyang sa Marina
at si Mauricio ay sa de Guerra.
Marami pang iba dito ay naisama,
kusang idinamay, binigyan ng sala.
Kaya nga pagdaka ng lahat ng ito
sa lakás ng cuarta ay pawang na-preso
sa ambang katwiran nalugmok na rito
sa abáng kandungan ng dusang tutuo.
Bukód pa sa rito ay pawang nadamay
sina Padre Lara, Sevilla at Dandan,
Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar,
Tuason, Desiderio, Tagalog na tanán.
|
ANG PINAGKUNAN: Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos,
by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook,
www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan
Mga Hindi Karaniwang Pilipino
Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys
Mga Kasaysayan Ng Pilipinas
Lista ng mga kabanata
|