Ika-18 kabanata: ANG 3 MARTIRES ‘GOMBURZA’
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora,
Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua
sinulat ni HONORIO LÓPEZ
|
Nang sila’y dumating sa laang bitayán,
sila’y pinahintó saká binasahan
ng bunying sentenciang sila’y mamamatay,
kusang bibitayin sa salang kinamtan.
Matapos mabasa ang sentenciang titik,
ang nadayang Zaldua unang ipinanhik
doon sa bitayán at inupong tikís
saká yaong leeg ay kusang inipit.
Si Padre Zamora ang sumunód,
si Padre Gómez ang ikatlong puspós
na kusang tumutol, hangang sa matapos
ang hiningang ibig, sa mga balakyot.
Bilang ika-apat at huling binitay
si Doctor Burgos na di nagulat man,
nagturing sa haráp ng kanyang kalaban.
Aniya: Miserables! kayong fraileng tanán.
Saka lamang naupo sa uupang kagyat
tumingin sa langit, sa Dios tumawag:
‘Poon ko, Iná ko, kaluluwa ko’y tanggáp
ng kamahalan mo’t ito’y di ko tatap!’
Nakaraang kabanata
Sunod na kabanata
|
BIBITAYAN
Ito’t hindi ibá ay di dapat limutin,
mapanglaw na araw na kalagim-lagim
dalawang po’t waló ang bilang tambing
ng Febrerong buwan sa sabi at turing.
Nang mag-álas-seis, lahat ng kawal
ng mga castila kusang pinatahán
sa Santa Lucía at sa Bagumbayan,
pawang barilán at may cańóng tagláy.
Saká sa muralla ng Fuerza Santiago
ang hukbóng castilang mga artillero
pawang naka-abáng sa magiging guló
na nababalita sa panahóng ito.
Nang sumapit ang álas-sieteng oras
yaong bibitayáng binakod na kagyat
ng mga sundalo na dalá’t akibat
ng Segundo Cabo Espinar na hayag.
Bitayáng nasabi itinayóng tunay
doon sa Espaldón, pook na malumbay
at may sampung metro yaong kataasan
sa lupang tuntungan sa sabi at saysay.
Tugtóg ng tambor at ang mga corneta
nuon na sinimuláng hinipan baga
kasabáy sa ayos ng mga música,
tinig ng marcha ang pagkaka-badyá.
|
Nuon rin kinuha ang nasa capilla,
apat nakataang mamamatáy bagá,
ang mga sundalo nagbihis de gala
saka mga barilán na may bayoneta.
Kasama sa lakad ang mga Cofradía
ng Misericordia na kaakbáy bagá
tanang comunidad ng religión santa
ng Poong Cristong sumakop sa sala.
Si Miguel Zaldua ang una sa lahat,
kusang inalakad balót siya ng posas,
isang Franciscano at Recoletong kagyat
siyang kaagapay na kumakausap.
Saká ang kasunod yaong isang lupong
sari-saring órden ng fraileng pulutóng,
dalawang Jesuita na kapulong-pulong
ni Padre Zamora na nag-cura rector.
Isang Agustino at Recoleto naman
ang siyang kasunód, kusang umaakbay
kay Padre Gómez na nag-cura naman
at examinador vicario sa Tanguay.
Kahuli-hulihan si Padre Burgos
na inaakbayán ng dalawang puspós
na mga Jesuitang natawag sa Dios,
nananalangin nang lubhang tibobos.
Bawa’t isa ngani sa apat na ito
ay binabantayán ng apat na sundalo
at isang oficial, saká isang cabo,
at may hawak tig-isang crucifijo.
|
ANG PINAGKUNAN: Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos,
by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook,
www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders Produced from page scans provided by University of Michigan
Mga Hindi Karaniwang Pilipino
Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys
Mga Kasaysayan Ng Pilipinas
Lista ng mga kabanata
|