![]() Kaharian Ng Español Sa Pilipinas Ang Huling Sandaan Taon, 1800 - 1898 |
|
MAGULO ang katapusan ng panahon ng Español, sinimulan ng aklasan ng mga taga-Ilocos dahil sinarili ng pamahalaan sa Manila ang paggawa at kalakal ng kanilang giliw na inumin, basi, at natapos sa pagpasok ng mga Amerkano. Sa Bohol, tumagal pa ng 27 taon ang himagsikang sinimulan ni Dagohoy nuon pang 1744. Nuong 1841, naghimagsik ang mga Tagalog sa Laguna at Tayabas dahil sa pagsupil sa matimtimang ‘Ka Pule’ Apolinario dela Cruz.
Napuksa ang malaking himagsikan subalit pahiwatig ito ng lumalawak na pag-alsa ng buong Katagalugan, lalong lumawak nang bitayin ang 3 pari nuong 1872, sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Higit ang gulong naganap sa España: Sinakop ng mga taga-France, nalagas |
ang mga sakop ng kaharian sa buong America, marami sa madugong himagsikan, hanggang umabot sa digmaan ng Español laban sa Español sa España mismo. Ang gulo, intriga at agawan sa kapangyarihan at katungkulan ay dinala ng mga dayong Español sa Pilipinas at naipit sa kalupitan ng magkabilang panig ang mga Pilipino na, walang nabalingan, napilitang naghimagsik nuong 1896.
Sa isang taginting na saglit, nagkaisa ang mga Tagalog sa pagpalayas sa mga Español subalit nasupil ang himagsikan nang nabigo silang damayan ng mga taga-Ilocos, Bicol at Visaya. Sila-silang mga Tagalog mismo ay nagpatayan din, gaya ng mga Español. Subalit lahat ay nawalan ng katuturan - ang himagsikan, ang agawan, pati na mismo ang panahon ng Español - nang dumating ang mga Amerkano nuong 1898 at dinaig silang lahat. |
ANG MGA HARI AT REGINA SA ESPANA, 1808 -1898 |
|
16. Fernando 7 (1784-1833). Panganay na anak siya ni
Carlos 4 at ni Maria Louisa ng Parma, isinilang sa palacio ng San Ildefonso nuong Octobre 14, 1784. Bagaman at tagapagmana ng kaharian, mahigpit siyang inilayo sa anumang kapangyarihan ng mga selosong magulang, at ng kanilang ministro, si Manuel de Godoy, na querido ni Maria Louisa. Matapos siyang makasal sa unang asawa, si Maria Antonietta ng Napoli, sa Italya, kinatulong niya ito sa pakipag-sabwatan sa Escorial, ang convento ng mga hari sa España, upang makamit ang kaharian.
Nawatak ang mga balak ni Fernando 7 nang namatay si Maria Antonietta nuong 1806 at nabisto ang mga balak niya ng kanyang ama, si Carlos 4, at ipinadakip siya nuong Octobre 1807. Mabilis na ipinagkanulo ni Fernando 7 ang kanyang mga kasabwat at umiiyak na nagmaka-awa sa mga magulang. Hindi nagtagal, sumiklab ang aklasan sa España, - nagsimula sa Aranjuez nuong Marso 1808, - dahil sa paghihirap na dinanas ng mga tao mula sa gulo at pagkatalo sa digmaan sa France at Portugal, at sa paglusob ng hukbo ng France. Nabisto ni Carlos 4 na nakipagsabwatan uli si Fernando 7, kay Napoleon Bonaparte naman, ang pinuno ng sumasakop na mga taga-France. Pakana ni Fernando 7 na maalis sa kapangyarihan si Godoy at mahirang siya, si |
![]() Duon, wala siyang inatupag kundi ang mag-bisyo (vices) at magpasarap sa sarili. Ilang ulit pa siyang sumipsip kay Napoleon at pinuri ang mga tagumpay nito sa digmaan laban sa lahat ng kaharian sa Europe habang patuloy na nakikipagpatayan sa hukbo ng France ang mga Español, sa pamumuno ng kauna-unahang Cortes ng España na itinatag sa Cadiz, España, ng mga naghihimagsik. Nuon at duon naanyayahan ang mga kinatawan (deputados, congressmen) mula sa Pilipinas nuong 1810, sa kauna-unahan at kahuli-hulihang pagkakataon, upang tumulong sa pamamahala ng kaharian, ngunit ang mga kinatawan ay mga Español mula Manila, hindi mga katutubong Pilipino. |
Nang lubusang magapi si Napoleon nuong 1814, ibinalik sa trono (throne) si Fernando 7 at tinangka niyang isara ang Cortes upang pairalin uli ang lubusang paghahari (divine right of kings) sa España. Dahil sa nakaraang 6 taon ng digmaan, durog ang hanapang-buhay (economy) at labu-labo ang lipunan. Tapos, pagbalik ni Fernando 7, ipinagpatuloy niya ang
buhay niyang ma-bisyo. Nagpakana siya ng mga kasuklam-suklam:
|
|
Dahil sa mga kagagawan ni Fernando 7, naghimagsik ang mga Español nuong 1820 at binihag nila ang hari. Umiiyak na nagmaka-awa si Fernando 7 sa mga naghihimagsik, tulad nang ginawa niya sa harap ng mga magulang.
Ipinangako niyang magbabago na at hindi na uusigin ang mga pinuno ng España. Natapos ang himagsikan nuong Mayo 1823 nang pasukin ang España, at ibinalik sa trono si Fernando 7 ng bagong hukbo ng France sa ngalan ng mga nagkampihan kaharian ng Europe (Holy Alliance), pinakamalaki ang Germany at France. Salungat sa pangako niyang patatawarin ang mga naghimagsik at babaguhin ang palakad sa bayan, naghiganti si Fernando 7, ipinadakip at pinarusahan ang mga kalaban niya. Hilakbot ang lahat, pati ang Duque ng Angoulême, pinuno ng hukbong sumaklolo sa kanya, tinanggihan ang medalla at papuri na ibinigay ni Fernando 7. Pagtagal, hindi na lubhang nakialam sa pamahalaan si Fernando 7. Hindi na nagpalit ng mga ministro tuwing 3 buwan. Naging malamya si Fernando 7 pagtanda niya - namaga ang katawan at maraming naging sakit dahil sa dami at sidhi ng mga bisyo (vices). Gayon man, ang 20 taon ng paghahari niya, |
![]() Nuong 1829, ikinasal siya sa pang-4 asawa, si Maria Christina, pincesa ng Napoli sa Italia, at nagka-anak sila ng 2 babae. Dahil dito, inamuki ni Maria Christina na baguhin ni Fernando 7 ang batas (Salic law) na lalaki lamang ang maaaring magmana ng trono ng España, upang maging regina ng kaharian ang anak niyang dalaga, si Isabel 2. Hiyaw ang tutol ng kapatid ng hari, si Don Carlos, at nang namatay si Fernando 7 nuong Septiembre 29, 1833, naghimagsik ito upang ibagsak ang kaharian at angkinin ang trono ng España. Kakampi niya ang mga makaluma (conservatives) at ang mga pinuno ng simbahan, pati na ang mga frayle at mga pinuno ng pamahalaan sa Pilipinas. |
![]() Subalit nuong taon ding iyon, sumiklab ang digmaan upang alisin sa trono (throne) si Isabel 2 sa pasimuno ni Don Carlos, kapatid ni Fernando 7 at tagapagmana sana ng kaharian kung hindi binago ang batas, tinawag na Salic Law, na lalaki lamang ang maaaring maghari sa España. Nagdigmaan ang mga kapwa Español (civil war). Pitong taon lumusob ang mga kakampi ni Don Carlos, tinawag na mga Carlitos (Carlists), upang itiwalag ang paghahari ni Maria Christina. Nanatiling regina si Isabel 2 dahil lamang sa matiyagang pagtanggol ng mga |
nagkampihang Cortes, ang hukbo ng España, mga mapagpalaya (Liberals) at mga makaunlad (Progressives). Bilang gantimpala, tinangkilik ni Maria Christina ang pagtatag ng pamahalaang bayan (parliamentary government) bilang kapalit ng pamahalaan ng hari, at ang pagtanghal ng kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) na sasaklaw sa lahat, pati na sa kapangyarihan ng hari (constitutional monarchy).
Nagsimula na ang himagsikan ni ‘Hermano Pule’ Apolinario dela Cruz at ang kanyang Cofradia de San Jose sa Pilipinas nuong 1841 nang nagwagi ang hukbong kampi kay Isabel 2, at pinilit na magbitiw si Maria Christina bilang tagapag-hari (regina regente, queen regent). Pinalitan siya nuong 1841 ni Baldomero Espartero, ang pinaka-tanyag na general sa hukbong gumapi sa mga Carlitos.
Naging dictador ang kapangyarihan ni Espartero at malupit ang pagsupil niya sa mga kalaban, lalo na sa Barcelona, kaya pagkaraan ng 2 taon, nuong 1843, nag-aklas at itinawalag siya ng 2 ring general ng hukbo, si Leopoldo O’Donnell at si Ramon Maria Narvaez, na kampi kay Maria Christina. Nuon itinanghal at nagsimulang mag-regina si Isabel 2 mismo at naging pinuno ng pamahalaan si Narvaez. Pagkaraan ng 3 taon, nuong Octobre 10, 1846 pinilit ng mga kakamping politico na ipakasal ang 16-taong gulang na Isabel 2 sa kanyang pinsan, si Principe Maria Fernando Francisco de Asis de Bourbon, isang bakla. |
![]() Animo’y dictador din ang palakad ni Narvaez kaya nuong 1854, nag-aklas si O’Donnell at naghalinhinan silang dalawa bilang punong ministro (prime minister) sa sumunod na 14 taon. Nakipagkampihan at nakipagsapakat si Isabel 2 sa mga general at mga politico, at sa mga naging kasintahan niya, upang manaig siya sa pamahalaan. Ngunit wala siyang nakamit kundi ang pagpapalawak ng muhi sa kanya ng mga Español. Samantala, ilang ulit nag-kudeyta (coup d’etat) ang isang ring bantog, at |
malupit, na general mula sa Cataluña, si Juan Prim, na nagwagi sa wakas nuong 1868. Nagkasundo ang lahat na alisin sa trono si Regina Isabel 2 at nuong katapusan ng Septiembre 1868, tuluyang pinalayas mula sa España.
Naging pangunahing ministro si Prim at tinangkilik niya ang pagiging hari ni Amadeo ngunit bago pa nakarating ito mula sa Italia, pinatay si Prim ng isang karibal sa politica. Ayaw na siyang papasukin sa España kaya napilitang nagbitiw si Isabel 2 ng pagka-regina habang nakatapon (exiled) sa Paris, France, nuong Junio 25, 1870, upang maging hari ang kanyang anak, si Alfonso 12, na higit nakarapat-dapat kaysa kanya at malaki ang maitutulong sa pagbalik ng pagha-hari sa España. Hiwalay na siya sa asawa nang 3 buwan nuon, at patuloy siyang nanirahan sa Paris kahit na nuong naging hari na sa España ang kanyang anak. Minsan lamang siyang dumalaw sa Madrid, nuong panahon ni Alfonso 12 at, matapos makipag-sapakat sa mga pakana duon, ay sapilitang pina-alis uli. Namatay siya sa France nuong Abril 10, 1904. |
![]() Nagwagi ang himagsikan sa España at napalayas si Regina Isabel 2. Ipinasiya ng bagong Cortes na magluklok ng hari at, sa sulsol ng mga kakampi ni B>Don Carlos, si Amadeo ang napili. Nuong Enero 2, 1871, isinumpa ni Amadeo sa Madrid na tutuparin niya ang constitution o kasulatan ng bayan ngunit labu-labo ang bakbakan ng mga pinuno ng España at kasalukuyang sumisiklab ang himagsikan sa Cuba at paunti nang paunti ang tumatangkilik kay Amadeo. Napatay si General Prim ng isang pangahas (assassin) nuong 1870. Sa |
![]() Walang nalabing kakampi si Amadeo kundi ang Partido Progresivo subalit sila-sila man ay nagtutugis dahil sa dayaan sa halalan at agawan ng kapangyarihan sa Cortes. Imposibleng pamahalaan kayong mga Español! Napanghal na rin si Amadeo at nagbitiw ng pagkahari nuong Febrero 11, 1873. Bumalik siya sa Italya at naging duque ng Aosta hanggang mamatay nuong Enero 18, 1890. |
19. Unang Republica (1873-1874).
Nuong araw ding nagbitiw ng pagkahari ng España si Amadeo, agad ipinagdiwang ng Cortes ang kanilang maluwalhating aklasan (revolucion glorioso) at nagtatag ng isang republica. Ilang kinatawan ng maluwalhating aklasan ang dumating sa Manila upang pagbutihin, labag sa hangad ng mga pinunong Español sa Manila at mga simbahan, ang palakad ng pamahalaan sa Pilipinas. Nagkaroon ng kaunting kalayaan ang mga Pilipino nuon ngunit hindi man tumagal ng 2 taon ang maluwalhating republica. Mabilis na itinanghal ni Antonio Cánovas del Castillo ang sarili na tagapag-hari (regent) nuong 1873 hanggang nagkaruon uli ng hari sa España nuong 1875. Nanatiling pangunahing ministro (prime minister) si |
![]() Sa maluwalhating republica, sunud-sunod ang mga naging presidente mula nuong 1873 - sina Estanislao Figueras, Francisco Pi y Margall, Nicolas Salmeron y Alonso at si Emilio Castelar y Ripoll - dahil sa himagsikan sa Cuba, muling paglusob ng mga Carlitos upang gawing hari si Don Carlos, at bakbakan ng mga politico sa Madrid mismo. Nuong 1874, nag-kudeyta ang mga general ng hukbo, isinara ang magulong Cortes at itinatag ang pamahalaan ni General Francisco Serrano y Dominguez. |
![]() Tangay-tangay si Alfonso ng kanyang ina sa Paris, France, nuong 1868 nang pinalayas ng himagsikan sa España. Pinag-aral si Alfonso sa Vienna, Austria, hanggang ipatawag siya ng ina pabalik sa Paris. Duon nuong Junio 25, 1870, nagbitiw ng pagka-regina si Isabel 2 at hinirang ang kanyang 14 taon gulang na anak bilang hari ng España. Nagpatuloy ng pag-aaral si Alfonso sa England at mula duon, nuong Deciembre 1, 1874, ipinahayag niya sa España na siya ang hari. Nuong katapusan ng buwan na iyon, nag-kudeyta si General Arsenio Martinez de Campos sa Valencia sa ngalan ni Alfonso at pinagbitiw ang consejo na namamahala sa España nuon. Natapos ang unang republica. Pagkaraan ng ilang araw, nagdaan si Alfonso sa pagbunyi ng Barcelona at Valencia at pumasok sa Madrid upang tanggapin ang kaharian ng España mula sa kanyang kakampi at tagapagpayo, si Antonio Canovas del Castillo. Nuong sumunod na taon, 1875, kinalaban at ginapi ni Alfonso ang hukbo ni Don Carlos, ang kapatid ni Haring Fernando 7, at natapos ang tangka nitong maghari sa España. Natapos din sa wakas ang 10 taon himagsikan sa Cuba nang nakipag-payapa si Alfonso sa El Zanjon. Sa paghahari ni Alfonso 12, nagkaruon ng hinahon at payapa sa España pagkaraan ng matagal na gulo, at naging bantog siya sa kanyang tapang at kakayahan. |
|
Batang-bata at walang karanasan sa pamahalaan, maraming pagkakamali si Alfonso bagaman at nagiliw sa kanya ang mga tao dahil sa kanyang tapang at pagka-makatao. Matatag siyang tumanggi na kampihan alinman sa iba’t ibang pangkat ng mga pinuno ng España na kasalukuyang nag-aagawan sa kapangyarihan sa Madrid nuon. Marami ang nagalit sa kanya dahil dito, lalo na ang mga makaluma (conservative) na nais manatili bilang pinaka-mataas sa lipunan. Bagaman at hindi sila kasalungkat, ang mga bulong at sumbat naman nila ang nagbunga ng ilang tangkang patayin si Alfonso. Naging asawa niya ang pinsan, si Maria delas Mercedes, princesa at anak ng duque ng Monpensier sa France, nuong Enero 23, 1878, ngunit namatay ito pagkaraan lamang ng 6 buwan. Nuong katapusan ng taon na iyon, sa Madrid, binaril si Alfonso ng isang manggagawang taga-Tarragona, si Oliva Marcousi, subalit hindi tinamaan. Sumunod na taon, ikinasal si |
Alfonso kay Maria Christina, princesa at anak ni Duque Carlos Fernando ng Austria, nuong Noviembre 29, 1879. Sa pulot-gata (honeymoon), habang nagmamaneho sa isang lansangan ng Madrid, binaril sila ng isang tagapag-luto (cocinero, cook), si Otero, subalit hindi sila tinamaan.
Kahit ayaw kumampi kahit kangino, lumitaw pa rin ang pagka-makabago ni Alfonso at ang tangka niyang mapaglingkuran ang mga mamamayan sa pamamagitan ng matuwid na palakad sa pamahalaan. Maaaring akalain na malamang hindi nagtagumpay ang mga maka-lumang pinunong Español sa Pilipinas at hindi binitay sina Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez kung si Alfonso 12 ang hari ng España nuong 1872. At kung gayon, baka iba ang hinantungan ng kasaysayan ng Pilipinas. Kumalat ang cholera sa España, nagkasakit si Alfonso 12 at namatay nuong Noviembre 25, 1885 matapos ang 11 taon ng pagha-hari. |
![]() Nagsimulang maghari si Alfonso 13 nang maging 16 taon gulang siya, nuong 1902. Bagama’t nagpatuloy ang kasaysayan ng España, at ang kasaysayan ng mga Español sa Pilipinas, tapos na ang kasaysayan ng kahariang Español sa Pilipinas. |
|
MGA ARSOBISPO NG PILIPINAS, 1794 - 1898 |
|
Vacante, walang arsobispo, 1805 - 1804. |
|
20. Juan Antonio Zulaibar, 1805 - 1824, frayleng Dominican. Isinilang siya sa Vizcaya nuong 1753 at nag-frayle nuong 16 taon gulang sa convento ng San Pablo sa Burgos, España. Nag-dalubhasa siya sa Universidad de Avila at pagkatapos, 7 taon nagturo ng pagsamba (professor of theology) | sa universidad de Alcala. Nahirang siyang arsobispo nuong Agosto 1803 at itinanghal (consecrated) sa Manila nuong Julio 14, 1805 ni Domingo Collantes, obispo ng Nueva Caceres, Camarines. Habang arsobispo, pinagyaman niya ang seminario sa Manila. Marso 4, 1824 siya namatay. |
Nuong 1812, ipinasara ng pamahalaang itinatag ni Napoleon Bonaparte sa España lahat ng convento duon, at inilit lahat ng ari-arian at lupain ng mga frayle at monja. Pagbalik ni Ferdinand 7 sa trono nuong 1814, ibinalik ang mga lupain ng mga frayle at monja, at pinabuksan uli ang mga convento. Nang nag-himagsikan sa España nuong 1820, ipinasara uli ng Cortez, ang batasan (parliament, congress), ang mga convento at inilit uli ang mga lupain ng mga frayle. Nang matalo ang himagsikan nuong 1823, naibalik ang hari, si Ferdinand 3, at isinauli ang mga ari-arian at lupain ng mga frayle.
Nuong 1815, dumating ang kahuli-hulihan galleon mula sa Mexico, |
matapos sakupin ng mga naghimagsik duon ang lungsod ng Acapulco. Sa pagtiwalag ng Mexico mula sa kaharian ng España, natapos ang mahigit 250 taon ng galleon trade na tustos sa mga Español sa Pilipinas, at sa pamahalaan ng Manila. Lumaganap ang agawan ng lupa upang kumita sa lumalagong kalakal panglabas ng mga tanim (export crops) sa Pilipinas - abaca, palay, tubong matamis (caña de azucar, sugarcane), cafe, cacao (chocalate), atbp. Mula nuon, naging karaniwang hanapbuhay ng mga Español, at mga frayle, sa Pilipinas ang ipaupa sa mga magsasaka ang mga lupain na inagaw nila mula sa mga magsasaka mismo. Ito ang simula ng panahon ng hacendero sa Pilipinas. |
Vacante, walang arsobispo, 1824-1826. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. |
|
21. Hilarion Diez, 1826 - 1829, frayleng Augustinian. Isinilang siya sa Valladolid nuong 1761 at bata pa nang nag-frayle siya duon. Naging paring paroco siya sa Pilipinas, sa iba’t ibang nayon sa Luzon, at natuto ng Tagalog. Namahala siya 2 ulit sa convento sa Manila at naging pinuno | (provincial) ng mga Augustinian. Magiliw na tinanggap ng lahat ang paghirang sa kanya bilang arsobispo nuong Septiembre 15, 1826 at pagtanghal sa simbahan ng Augustinian sa Intramuros nuong Octobre 21, 1827. Namatay siya nuong Mayo 7, 1829. |
Vacante, walang arsobispo, 1829-1831. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. |
|
22. Jose Segui, 1830 - 1845, frayleng Augustinian. Isinilang siya sa Camprodon, sa Gerona, nuong Octobre 3, 1773 at nag-frayle sa Seo de Urgel. Nagpunta siya sa Pilipinas nuong 1795 at nagtuloy sa China upang magpalawak ng catholico duon sa sumunod na 20 taon. Pagbalik sa Pilipinas, naglingkod siya sa lipunan ng mga Augustinian at 12 taon naging pinuno (procurator general). Naging obispo siya nuong Julio 27, 1829, at hinirang na arsobispo ni Pope Pius 8 nuong Julio 5, 1830. Itinanghal siya sa simbahan ng Augustinian sa Intramuros nuong Octobre 28, 1830. |
Pagkaraan ng isang taon, nagtungo siya sa Ilocos upang tanggapin ang kanyang pallium mula sa obispo sa Nueva Segovia nuong Septiembre 14, 1831 at pagkaraan ng 2 linggo, nagsimula siya bilang arsobispo ng Manila nuong Septiembre 29, 1831.
Siya ang arsobispo na lumaban at bumitay kay ‘Ka Pule’ Apolinario de la Cruz sa Tayabas nuong Noviembre 4, 1841 matapos puksain ang mga kasapi sa Cofradia de San Jose. Namatay si Segui nuong Julio 4, 1845. |
Kahit na naibalik ng hari, si Ferdinand 7, ang mga ari-arian at lupain ng mga frayle sa España nuong 1823, at nakapamuhay ang mga ito gaya nang dati, lumaganap duon ang pagkayamot sa mga frayle at karamihan ng mga tao ay lubhang naghirap sa walang patid na digmaan, himagsikan at coup d’etat.
Nuong Octobre 1835, inutos ng pamahalaan na isara lahat ng convento at monasterio at inilitin lahat ng ari-arian at lupain ng mga frayle at monja. Nuon, malawak na sinunod ang utos at pinagpapatay ang mga frayle at mga |
monja na lumaban. Tinugis pa ang mga frayleng Jesuit hanggang nakatakas sa France. Libu-libong frayle at monja ang nawalan ng tahanan at pagkain. Tulad ng kanilang sumpa ng pananatiling mahirap, ang mga lipunan ng mga mendicant ay talagang naging mga pulubi. At nuon, walang hari na sumagip at nagbalik sa kanilang mga lupain. Karamihan sa mga naitaboy na frayle at mga monja ay nakisukob na lamang sa France at Italy. Maraming frayle ang nakipagsapalaran at nagtungo sa Manila upang makasali sa agawan ng lupa at kalkalan ng yaman ng mga frayle sa Pilipinas. |
Vacante, walang arsobispo, 1845-1846. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. |
|
23. Jose Aranguren, 1847 - 1862. Frayleng Recollect. Masipag, masinop at maingat. Isinilang siya sa Barasoain, sa Pamplona, España, nuong Febrero 16, 1801, at nag-aral ng filosophia sa Pamplona, at ng abogacia sa Zaragoza. Nag-frayle siya nuong 1816 sa colegio ng mga Recollect sa Alfaro. Nang dumating sa Pilipinas nuong 1830, naglingkod muna siya sa | Pampanga, at naging kalihim ng pinunong Recollect sa Masinlos, sa Zambales. Matapos ng iba pang tungkulin, pati ang pagiging pinunong Recollect sa Pilipinas nuong 1843, hinirang siya ng hari ng España na arsobispo ng Manila nuong Noviembre 12, 1845 at nagsimulang manungkulan nuong 1847. Namatay siya nuong Abril 18, 1862. |
Vacante, walang arsobispo, 1862. Ang namahala ay si Dr. Pedro Pelaez, isang Pilipinong pari, matapos siyang ihalal na capitular vicar ng pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo). | |
24. Dr. Gregorio Meliton Martinez de Santa Cruz, 1862 - 1875. Pari na secular. Isinilang siya nuong 1815 sa Prado-Luengo, sa lalawigan ng Burgos kung saan siya nag-aral, nagpari at nagturo sa seminario ng San Jeronimo. Nag-aral din siya sa universidad de Valladolid at universidad de Madrid. Matapos maglingkod sa Valencia at sa Pamplona, hinirang siyang arsobispo ng Manila ng hari ng España nuong Julio 31, 1861. Itinanghal (consecrated) siya sa Madrid nuong Marso 23, 1862 at dumating sa Manila nuong Mayo 27, 1862. Duon siya nag-aral at naging doctor ng litisan nuong Agosto 24, 1862.
Nakatunggali niya ang mga frayleng Recollect tungkol sa agawan sa mga vacanteng paroco sa Manila. Nakatunggali niya ang lahat ng frayle nang hilingin niya nuong Febrero 15, 1863, kasama ang mga obispo ng Cebu at Nueva Caceres, mga pari na secular din, kay Regina Isabela 2 ng |
España na tangkilikin ang karapatan ng mga obispo na pamahalaan (visitacion episcopal) ang mga frayle na pulos Español. Hiniling din niya na ipagpatuloy ang karapatan ng mga obispo na alisin ang sinumang frayle mula sa kani-kanilang paroco. Kinalaban din niya nuong Mayo 16, 1869, kasama ang mga pinuno ng mga frayle, ang governador ng Pilipinas nuon, si Carlos Maria dela Torre, dahil sa mga kautusang (decrees) Moret.
Nuong Febrero 19, 1872, naglahad siya ng isang mahabang liham, sulat sa Español at sa Tagalog at binasa sa lahat ng simbahan, ng kanyang panlulumo sa madugong aklasan sa Cavite at sa pagkasangkot duon ng 3 pari, sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora. Kasapakat siya sa pag-usig at pagbitay sa mga nag-aklas, subalit hindi sa pagbitay sa 3 pari. Nagbitiw siya ng tungkulin nuong 1875. |
Ang mga kautusang Moret ay mga batas na pinairal sa España ng mga mapagpalayang ministro at pinuno, pinanguhan nina Segismundo Moret, Miguel Morayta at Francisco Pi Y Margall. Ipinagtanggol nila ang mga karapatan at pinaunlad ang kapakanan ng mga tao sa España at sa mga sakop ng España, gaya ng Pilipinas.
Tinangka ni Governador Carlos dela Torre, mapagpalaya rin tulad ni Moret, na pairalin ang mga mapagpalayang layunin. Kaya nagkaruon ng lakas ng luob sina Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora at iba pang Pilipinong educados na kumalampag upang makapantay sa mga |
Español, lalo na ng mga frayle. Ngunit lumaban ang mga frayle sa Madrid at nuong 1870, pinatay si General Prim, ang patron ni Dela Torre, at pinauwi siya sa España nuong sumunod na taon.
Binura ng pumalit na Governador Rafael Izquierdo ang mapagpalayang batas dahil nakita niyang nasa kamay ng mga frayle ang patuloy na paghahari ng Español sa Pilipinas. Nang mag-aklas ang mga sundalo sa Cavite nuong 1872 at patayin ang mga Español na pinuno nila, nagsamantala ang mga frayle sa Manila. Pinaratangan nilang kasapakat sa aklasan sina Burgos, Gomez at Zamora at ipinabitay nila ang 3 pari sa Bagumbayan. |
Vacante, walang arsobispo, 1875-1876. |
|
25. Pedro Payo, 1876 - 1889. Frayleng Dominican. Naging arsobispo siya nuong 1876. Ipinaayos niya ang cathedral sa Intramuros. Nabantog siya sa lupit ng turing sa mga Pilipino at mestizong pari. Hiniling nuong 1888 na palayasin siya sa Pilipinas, sa isang panawagan na nilagdaan ng 810 Pilipino at ihinarap ni Marcelo H. del Pilar sa governador sa Malacañang. Namatay siya nuong sumunod na taon, 1889. | |
Vacante, walang arsobispo, 1889-1890. |
|
26. Bernardino Nozaleda, 1890 - 1901. Frayleng Dominican. Isang provinciano mula sa Asturias, España, naging guro (professor) si Nozaleda sa Manila nuong 26 taon na nanatili siya sa Pilipinas. Nagsimula siyang mag-arsobispo nuong Octobre 29, 1890 at naging kasapakat sa pag-usig at pagpatay sa libu-libong Pilipino na pinaghinalaang kasangkot sa himagsikan nuong 1896, pati na si Jose Rizal.
Nang lumusob ang mga Amerkano sa Manila, naglabas siya ng panawagan sa mga Pilipino nuong Abril 28 at Mayo 8, 1898 na kalabanin ang mga bagong sumasakop. Nuong sumunod na taon, itiniwalag niya mula sa simbahan (excommunicated) si Gregorio Aglipay, isang Pilipinong pari na sumapi sa Katipunan at nakipaghamok sa himagsikan sa panig ni |
![]() Napilitan si Nozaleda na magbitiw bilang arsobispo nuong 1901 at nagbalik sa España. Nahirang siya duong arsobispo ng Valencia ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaruon dahil sa maraming masamang pahayag ang nakarating duon laban sa kanya. |
Pagkatapos
NANG bumagsak ang kaharian ng mga arsobispo sa Manila nuong 1898, ang diocese ng Manila ay binubuo ng mga lalawigan ng Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, La Infanta, Laguna, Mindoro, Morong (Rizal ngayon), Nueva Ecija, Pampanga, Principe (Aurora ngayon), Tarlac at Zambales. Sa luob nito ay 219 paroco (parishes), 259 frayle o misionarios (missionaries) at 198 katutubo o Pilipinong secular na pari (sacerdotes, priests) na katu-katulong ng mga frayle na pulos mga Español.
Nang umalis si Nozaleda nuong 1901, si Martin Garcia y Alcocer, ang obispo ng Cebu, ang namahala hanggang nuong 1903, nang dumating ang isang secular na pari, si Jeremiah Harty, ang unang Amerkano na nahirang na arsobispo ng Manila. Nakipagpaligsahan siya sa mga dumadanak na mga missionario ng Protestante mula sa America, at sa hilaga ng Luzon, sa Iglesia Independencia de Felipinas ni Gregorio
|
Aglipay at Isabelo de los Reyes ng Ilocos. Lubhang lumawak ang simbahan ng Aglipay, tantiyang umabot nuon sa 1 milyon tao, kaya napilitan ang simbahang catholico na ibahin at pagbutihin ang palakad sa Pilipinas.
Pinalitan si Harty nuong 1916 ni Michael O’Doherty, ang unang obispo ng Zamboanga. Ang unang Pilipinong arsobispo ay si Gabriel M. Reyes simula nuong 1949. Sumunod sa kanya nuong 1953 si Rufino J. Santos, ang unang Pilipinong nahirang na cardinal simula nuong 1960.
Sa kasalukuyan, ang diocese ng Manila ay binubuo ng 5 lungsod - Manila, Makati, Pasay, Mandaluyong, Pasig (hindi kasali ang Santolan at Rosario), Quezon City (hiwalay ang hilagang bahagi ng Tandang Sora Avenue at Mactan), Caloocan - at 5 kabayanan - San Juan, Taguig, Pateros, Malabon at Navotas. Mahigit 315 kilometro cuadrado ang lawak at napapaligiran ng Manila Bay sa kanluran, ng Malolos, Bulacan) sa hilaga; ng Antipolo, Rizal sa silangan; at ng Imus, Cavite at San Pablo, Laguna sa timog. |
MGA GOVERNADOR GENERAL NG PILIPINAS, 1793 - 1898 |
|
55. Rafael Maria de Aguilar y Ponce de Leon, Septiembre 1, 1793 - Agosto 7, 1806. Magiting ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara) at isang pinuno sa hukbo ng España, dumaong siya sa Cavite nuong Agosto 28, 1793 at nagsimula bilang governador nuong sumunod na Septiembre 1. Masipag at magilas, marami siyang ginawang pagbubuti sa Pilipinas. | Pinatibay niya ang tanggulan at nagpasok ng mga katutubong Pilipino sa hukbong Español. Nagpatuloy ang pagdarambong ng mga moro (muslims). Nagpatayo siya sa Binondo ng paggawaan ng mga barkong panlaban sa mga moro. Nahirang siyang mariscal de campo ng España. Nagbitiw siya ng tungkulin sa pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas nuong Agosto 7, 1806 at namatay kinabukasan. |
56. Mariano Fernandez de Folgueras, Agosto 7, 1806 - Marso 4, 1810. Taga-Galicia, sa España. Naging pansamantalang governador. Sumabog ang aklasan sa Ilocos nuong 1807. Pinayagang magkalakal ang mga British sa Pilipinas simula nuong 1809. | |
57. Manuel Gonzalez de Aguilar, Marso 4, 1810 - Septiembre 4, 1813. Isang pinuno ng hukbong Español at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James). Dumating siya sa Manila nuong Marso 4, 1810. Siya ang governador nang unang dumalo ang mga kinatawan (deputados, deputies) ng Pilipinas sa Cortez, ang batasan (parliament, congress) ng pamahalaan sa España, nuong Septiembre 24, 1810. Si Gonzalez ang governador nang imungkahi nuong 1810 na itigil | na ang lakbay kalakal ng mga galleon (galleon trade) balikan sa Manila at Acapulco, Mexico. Nag-aklasan sa Ilocos nuong 1811 laban sa mga frayle at upang matatag ang isang bagong pagsamba (religion). Nagbukas ang unang pahayagan sa Pilipinas nuong Agosto 8, 1811. Tinanggap niya nuong Abril 17, 1813 ang kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) na sinulat sa España nuong 1812. Lumago ang kalakal sa Pilipinas nuong governador siya. |
58. Jose Gardoqui Jaraveitia, Septiembre 5, 1813 - Deciembre 9, 1816. Isang pinuno sa hukbong dagat ng España (Spanish navy). Dumating siya sa Manila nuong Septiembre 4, 1813. Governador siya nang itigil nuong 1815 ang lakbay kalakal ng mga | galleon (galleon trade) sa Acapulco, Mexico,. Binagabag siya ng pandarambong ng mga moro (muslims). Pinairal niya ang maraming pagbabago sa kalakal at sa pamahalaan dahil sa mga utos ni Fernando 7, hari ng España nuon. Namatay siya nuong Deciembre 9, 1816. |
59. Mariano Fernandez de Folgueras, Deciembre 10, 1816 - Octobre 30, 1822. Pang-2 ulit naging pansamantalang governador. Itinatag ang kahiwalay na lalawigan ng Ilocos Norte nuong Febrero 2, 1818. Inutos ni Fernandez nuong Deciembre 17, 1819 na itatag uli ang Real Sociedad Economica de Filipinas (Samahang Panghanapang buhay ng Pilipinas, Royal Economic Society of the Philippines). | Lumaganap ang cholera at maraming namatay. Pinagpa-patay ng mga katutubo sa Manila at paligid ang lahat ng mga dayuhan na hindi-Español nuong Octobre 9 - 10, 1820, dahil sa kumalat na paratang ng mga Español na sila ang sanhi ng cholera. Nagbukas ang 3 pahayagan sa Manila. Napatay si Fernandez nang mag-aklas ang mga katutubo at mga mestizo nuong 1823. |
60. Juan Antonio Martinez, Octobre 30, 1822 - Octobre 15, 1825. Taga-Madrid at mariscal de campo ng España. Dumating siya nuong Octobre 30, 1822, kasama ng maraming mula España na naging mga pinuno sa Manila, at naging sanhi ng aklasan ng Español sa Pilipinas at ng mga mestizong Español mula sa America. | Nuong 1724, nagbukas ang pahayagan ng Sociedad Economica de Amigos del Pais (Samahang Panghanapang-buhay ng mga Kaibigan ng Bayan, Economic Association of Friends of the Country). Natigatig ang Pilipinas sa mga napahayag na balita mula España tungkol sa paglaban sa paglaganap ng democracia duon. |
61. Mariano Ricafort Palacin y Ararca, Octobre 14, 1825 - Deciembre 23, 1830. Taga-Murcia, mariscal de campo ng España at sugo (embajador, ambassador) sa Paz, Peru, sa South America. Dumating siya sa Manila nuong Octobre 14, 1825. Pinagbawalan niya nuong Febrero 4, | 1828, ang mga dayuhan, mga hindi Español, na naglalako ng tingi-tingi (retail) sa halip ng pakyawan (wholesale). Marami siyang inilabas na mga batas, pati mga utos sa pamahalaan ng kapuluan ng Mariana (Marianas Islands). Nagbalik siya sa España nuong Deciembre 23, 1830. |
62. Pascual Enrile y Alcedo Deciembre 23, 1830 - Marso 1, 1835. Taga-Cadiz, sa España, isang pinuno sa hukbong Español at pang-2 (segundo cabo) sa governador ng Pilipinas. Naging pansamantalang governador nuong Deciembre 23, 1830. Ipinasakop niya sa hukbo ang mga Igorot nuong 1831 hanggang 1832. Natatag nong Julio 3, 1833 ang loteria (lotto at sweepstakes ang tawag ngayon) at nuong Enero 1, 1834, ang | hukumang pangkalakal (tribunal of commerce). Ipinasara ng hari ng España ang Compania de Filipinas nuong Septiembre 6, 1834. Inutos din, nuong Noviembre 3, 1834 na itatag nang ang segundo cabo, ang pang-2 pinuno sa Pilipinas, ang manunungkulan tuwing magkasakit, mamatay o lumisan ang governador. Marami pang ibang batas na pinairal nuon na ikinaginhawa ng mga Español sa Pilipinas. |
63. Gabriel de Torres, Marso 1, 1835 - Abril 3, 1835. Taga-lalawigan ng Valladolid sa España, at pang-2 (segundo cabo) sa governador ng Pilipinas nang maging governador nuong Marso 1, 1835 ngunit namatay bago mag-2 buwan, nuong Abril 23, 1835. | |
64. Juan Cramer (Juaquin de Crame), Abril 23, 1835 - Septiembre 9, 1835. Taga-Cataluña sa España, naging pansamantalang governador siya nuong Abril 23, 1835 dahil walang pang-2 (segundo cabo) sa governador - kamamatay lamang ni De Torres nuon. | |
65. Pedro Antonio Salazar Castillo y Varona, Septiembre 9, 1835 - Agosto 27, 1837. Isang pinuno sa hukbong Español, dumating siya sa Manila bilang segundo cabo, ang pang-2 pinuno sa Pilipinas. Naging pansamantalang governador siya nuong Septiembre 9, 1834. Maraming | pagbabagong naganap sa España nuon. Isinara ang consejo ng España at mga sakop nuong Septiembre 28, 1836. Nuong Junio 18, 1837, inalis ang kinatawan ng mga taga-Pilipinas sa Cortez, ang batasan ng España, nang pairalin ang bagong kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) duon. |
66. Andres Garcia Camba Agosto 27, 1837 - Deciembre 29, 1838. Mariscal de campo ng España at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James). Nabihag siya nang natalo ang hukbong Español nuong Deciembre 9, 1824, sa himagsikan sa Ayacucho, Peru, sa South America. Nasadlak siya sa Manila mula Abril 1825 hanggang Marso 1835. Nahirang na pinuno ng sandatahang Español sa Pilipinas nuong Mayo 22, 1826. Naging director siya ng Samahang Panghanapang-buhay ng mga Kaibigan ng Bayan (Sociedad | Economica de Amigos del Pais, Economic Association of Friends of the Country). Nahalal siyang kinatawan (deputado, representative) ng Pilipinas sa Cortez, ang batasan ng España, nuong 1834. Nanungkulan sa España bago nagbalik sa Manila nuong Agosto 24, 1837 at naging governador pagkaraan ng 3 araw. Tinawag siyang ang ninais (El Deseado, the desired) bagaman at sinalungat ng mga pinuno at mga frayle sa Pilipinas. Bumalik siya sa España pagkaraan ng mahigit 1 taon at nahalal na senador ng Valencia duon. |
67. Luis Lardizabal, Deciembre 29, 1838 - Febrero 1841. Dumating sa Manila nuong Deciembre 26, 1838 at nanungkulan pagkaraan ng 3 araw. Siya ang governador nang unang ilabas ang lingguhang pahayagan, Previos corrientes de Manila, sa Español at sa English nuong Julio 6, 1839. | Nuong taon ding iyon itinatag ang lalawigan ng Nueva Vizcaya. Unang namungkahi ang pagtayo ng parangal kay Ferdinand Magellan sa pulo ng Mactan nuong 1840. Hiniling niya sa hari ng España na pauwiin siya mula sa Pilipinas. Pabalik na siya duon nang namatay sa gitna ng dagat. |
68. Marcelino de Oraa Lecumberri, Febrero 1841 - Junio 17, 1843. Taga-Navarra, general sa hukbong Español. Dumating siya sa Manila nuong Febrero 1841. Pinuksa niya ang Cofradia de San Jose at ipinapatay si ‘Ka Pule’ Apolinario dela Cruz at iba pang pinuno ng samahan nuong 1841. Pinaslang din niya ang mga nag-aklas na mga sundalong Pilipino sa hukbong Español nuong 1842. | |
69. Francisco de Paula Alcala dela Torre, Junio 17, 1843 - Julio 16, 1844. Taga-Estremadura. General sa hukbong España. Naging governador siya ng Pilipinas nuong Junio 17, 1843 nuong taong naging regina ng España si Isabel 2. Naglabas si Alcala ng maraming batas sa pag-ayos ng kalakal, hukbo at kapakanan ng mga taga-Pilipinas. | |
70. Narciso Claverria y Zaldua, Julio 16, 1844 - Deciembre 26, 1849. Taga-Gerona, nagmula sa angkan ng mga taga-Vizcaya. General sa hukbong Español. Nahirang siyang governador nuong Julio 16, 1844. Ipinaayos niya ang calendario ng Pilipinas nuon din mismo, pinabuti ang katungkulan ng mga alcaldes mejor, governador ng mga lalawigan, at itinatag ang pasugalan (casino) tinawag na Sociedad de recreo. Nuong 1848, sinimulan ang paggamit ng mga barkong dimakina (steamships) ng | hukbong dagat pamuksa sa mga pandarambong ng mga Muslim (moros). Sinakop niya nuong taon din iyon ang pulo ng Balanguingui. Binalaan niya ang mga frayle nuong Enero 15, 1849 tungkol sa mga ari-arian. Pagkaraan ng 10 buwan, inutos niyang bigyan ng apellido (family names) ang lahat ng indios (mga katutubong Pilipino) nuong Noviembre 11, 1849. Unang inilathala ang pahayagang Diario de Manila nuong 1848. Marami siyang napaganap sa Pilipinas at hiniling sa Madrid na pagpahingahin na siya. Nagbalik siya sa España nuong Deciembre 26, 1849. |
71. Antonio Maria Blanco, Deciembre 26, 1849 - Junio 29, 1850. Pang-2 pinuno (segundo cabo) sa Pilipinas, naging pansamantalang governador siya nuong 1849. Sinimulan ang buwanang loteria (sweepstakes at lotto ang tawag ngayon) sa Manila nuong Enero 29, 1850. Itinatag ang lalawigan ng La Union nuong Marso 2, 1850. | |
72. Antonio de Urbiztondo y Eguia, Junio 29, 1850 - Deciembre 20, 1853. Taga-San Sebastian at marques ng Solana sa España. Nagkaruon ng ospital ang mga maysakit ng ketong (leper hospital) sa Cebu nuong 1850. Naitatag ang Banco Español-Filipino nuong Agosto 1, 1851 at nagbukas | nuong 1852. Pinamunuan niya ang paglusob at pagsakop sa Jolo nuong 1851. Masipag siyang nagpairal ng maraming batas at kautusan. Hiniling niya sa Madrid na alisin siya sa tungkulin sa Manila, at hinirang siyang ministro ng digmaan (minister of war) sa España nuong Octobre 12, 1856. |
73. Ramon Montero y Blandino, Deciembre 20, 1853 - Febrero 2, 1854. Ang unang pagkakataon naging pansamantalang governador ng Pilipinas. | |
74. Manuel Pavia y Lay, Febrero 2 - Octobre 28, 1854. Marques ng Novaliches sa España, at general ng hukbong Español, hinirang siyang governador ng Pilipinas nuong Septiembre 1853 nang walang sabi-sabi. Dumating siya sa Manila nuong Febrero 2, 1854 at dinagdagan ang mga sandata at gamit ng hukbong Español sa Pilipinas. | Nilupig niya ang aklasan ng isang pangkat ng mga sundalong Pilipino. Sinimulan ang buwanang hatiran ng mga liham (correo, mail) sa Hongkong at Manila. Isang araw bago siya umalis, nuong Octobre 27, 1854, pinasalamatan niya ang mga frayle dahil sa pagtulong ng mga ito sa pagtutungkulin niya. |
75. Ramon Montero y Blandino, Octobre 28 - Noviembre 20, 1854. Pang-2 ulit naging pansamantalang governador. | |
76. Manuel Crespo y Cebrian, Noviembre 20, 1854 - Deciembre 5, 1856. Taga-Extremadura at dating pang-2 pinuno (segundo cabo) sa Pilipinas. Nilusob niya ang mga Igorot nuong Deciembre 1855 hanggang Febrero 1856. Nagbitiw siya ng tungkulin. | |
77. Ramon Montero y Blandino, Deciembre 5, 1856 - Marso 9, 1857. Pang-3 ulit naging pansamantalang governador. | |
78. Fernando Norzagaray y Escudero, Marso 8, 1857 - Enero 12, 1860. Taga-San Sebastian at general sa hukbong Español. Naging governador siya nuong Marso 8, 1857. Pinahintulutan niya ang pagtayo ng kalakal ng palitan ng salapi ng ibang bayan (foreign currency exchange) nuong Junio 18, 1857. Pinalusob niya ang pangkat dagat (Spanish navy) ng Español sa Cochin China (ngayon ay baha-bahagi ng Vietnam, Laos at Cambodia) upang tulungan ang hukbong France (French army) duon | nuong 1858. Inutos niyang ayusin ang palakad ng mga pamahalaang panglalawigan nuong Agosto 30, 1858, at nuong Septiembre 23, 1859, ang pagsasa-ayos ng hukbong Español sa Pilipinas. Nagbalik ang mga frayleng Jesuit sa Manila nuong 1859 matapos payagan muling pumasok sa Pilipinas at iba pang sakop ng España. Nagbukas ang ilang pahayagan (newspapers) sa Pilipinas. Mahina na ang katawan, humiling niya sa Madrid at inalis siya sa tungkulin. |
79. Ramon Maria Solano y Llanderal, Enero 12 - Agosto 29, 1860. Taga-Valencia sa España, pang-2 pinuno siya sa Pilipinas (mariscal de campo at segundo cabo). Nahirang siyang pansamantalang governador nuong Enero 12, 1860. Natatag nuong Enero 18, 1860 ang unang sanglaan (pawnshop) sa Manila. Pinalawak ang gawain ng Banco Español-Filipino nuong Febrero 16. Nilagnat siya at namatay sa Manila nuong Agosto 30, 1860. | |
80. Juan Herrera Davila, Agosto 29, 1860 - Febrero 2, 1861. Pinuno ng mga kanyon ng sandatang Español (sub-inspector of artillery), naging pansamantalang governador siya nuong Agosto 29, 1860 dahil ang magiging governador, si General Mac-Crohon, ay namatay sa dagat ng Egypt (Red Sea) habang papuntang Manila. Naitaguyod niya ang mga pamahalaang panglalawigan, at naayos ang Audiencia Real sa Manila nuong Julio 8, 1860. | |
81. Jose Lemery e Ibarrola Ney y Gonzalez, Febrero 2, 1861 - Julio 7, 1862. Dating senador sa España. Nagtatag siya ng pamahalaang militar sa Visayas at Mindanao nuong Abril 1, 1861. Nuong panahon niya nalaan sa mga frayleng Jesuit ang pag-misionario sa Mindanao, laban sa hiling ng mga frayleng Recollect. Inutos niya na digmain ang mga Muslim. Nagbitiw siya at isinalin ang tungkulin sa pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas. | |
82. Salvador Valdez, Julio 7 - 9, 1862. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas, naging pansamantalang governador. | |
83. Rafael de Echague y Berminhan, Julio 9, 1862 - Marso 24, 1865. General ng hukbong Español at dating governador ng Puerto Rico. Hinambalos siya ng lagim at sakuna pagkarating sa Manila nuong Julio 9, 1862 - mga aklasan nuong 1863 at lindol nuong Junio 3, 1863. Naitatag niya ang paaralan ng mga guro (Normal School). | |
84. Joaquin del Solar e Ibanez, Marso 24, 1865 - Abril 25, 1865. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas, naging pansamantalang governador. Naipa-ayos niya ang palakad sa ilang sangay ng pamahalaan sa isang buwan ng panunungkulan niya. | |
85. Juan de Lara e Irigoyen, Abril 25, 1865 - Julio 13, 1866. General ng hukbong Español mula Navarra at dating ministro ng digmaan ng España. Siya ang governador nuong 1865 nang itatag ng mga frayleng Jesuit ang Ateneo Municipal sa Manila, at nagkaruon ng obispo sa Jaro sa utos | (papal bull) ni Pope Pius 9. Nuong Julio 3, 1865, nahirang na ministro ng lahat ng sakop ng España si Antonio Canovas del Castillo. Pagkatapos, sinisante si De Lara ng hari ng España dahil sa dami ng dumi at katiwalian (graft and corruption) sa kanyang pamamahala. |
86. Juan Laureano de Sanz y Posse, Julio 13 - Septiembre 21, 1866. Mariscal de campo (marshall general), ang pang-3 pinuno sa Pilipinas, nahalal siyang pang-2 pinuno dahil ang segundo cabo nuon ay umalis kasama ni De Lara. Tuluyang napili siyang pansamantalang governador. | |
87. Antonio Osorio, Septiembre 21 - 26, 1866. Pinuno ng sandatahang dagat ng España, pansamantalang governador lamang. | |
88. Joaquin del Solar e Ibañez, Septiembre 27 - Octobre 26, 1866. Pang-2 ulit siyang naging pansamantalang governador. | |
89. Jose dela Gandara y Navarro, Octobre 26, 1866 - Junio 7, 1869. General ng sandatahang Español, napaayos niya ang palakad ng pananalapi (monetary system) at ng mga mababang paaralan (primary education) nuong 1867 - 1868 bago siya nagbitiw ng tungkulin. | |
90. Manuel Maldonado, Junio 7 - 23, 1869. Pansamantalang governador lamang. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas. |