![]() SAMPUNG taon bago sumabog ang himagsikan ng Katipunan, isinilang si Jose Abad Santos sa San Fernando, Pampanga, nuong Febrero 19, 1886, kina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Sa kalapit na kabayanan ng Bacolod siya nagtapos ng segundo enseñanza (intermediate grades) sa munting paaralan ni Ginuong Roman Veler nuong unang pasok ng Amerkano. Sa mataaas na paaralang bayan (public high school) na itinatag ng mga sundalong Amerkano sa San Fernando nagpatuloy ng pag-aral ang binatilyong Abad |
JOSE ABAD SANTOS Ang Maginuong Bayani
Buong buhay siyang nagsilbi sa bayan, at nang sa katapusan ay dinaig siya ng sukdulang |
|
Santos. Binata na, 18 taon gulang, nang naglakbay siya sa America nuong 1904 bilang pensionado ng pamahalaan upang tapusin ang pag-aaral sa Santa Clara College sa San Jose, California. Pagkatapos, nag-aral siya ng pagka-abogado sa University of Illinois at sa Northwestern University bago nakamit ang bachelor of laws nuong Junio 4, 1908. Siya ay nag-dalubhasa sa batas (master of laws) sa George Washington University hanggang nuong Junio 19, 1909.
Pagbalik sa Pilipinas nuong Deciembre 1, 1909, |
nag-pansamantalang kawani (temporary clerk) si Abad Santos sa imbakan ng mga kasulatan (archives division) ng pamahalaan (Executive Bureau) sa Manila. Nakakuha siya ng palagiang tungkulin (regular job) bilang clerk sa kagawaran ng katarungan (bureau of justice) at, pagkatapos maka-pasa sa pagka-abogado (Philippine bar) nuong Octobre 12, 1911, nataas ang kanyang tungkulin, bilang tagapag-salita sa hukuman (court interpreter). Sa kagawaran pa rin, hinirang siyang alalay-abogado (assistant attorney) nuong Julio 31, 1914. | |
Pagkaraan ng 4 taon, habang nasa private practice, napili siyang abogado ng pambansang banco ng Pilipinas (PNB, Philippine National Bank) na ari ng pamahalaan, nuong Julio 16, 1918. Hindi naman nagtagal, nabalik siya sa pagka-alalay-abogado sa kagawaran ng katarungan nuong 1919 at nakasama sa unang pangkat na ipinadala sa America ng Philippine Assembly upang madaliin ang paglaya ng Pilipinas (parliamentary independence mission). Pagbalik, nagbitiw siya ng tungkulin sa kagawaran at sa PNB. Nuong Enero 1922, nahirang siyang pang-2 kalihim ng katarungan (undersecretary of justice) at pagkaraan ng 3 buwan, siya ang naging kalihim (justice secretary) mismo sa cabinete ni Governor General Leonard Wood. Nagkagulo sa cabinete at nagbitiw siya ng tungkulin nuong Julio 17, 1923. |
Nuong 1926, pinuno siya ng sugong pangkat pa-America, upang itaguyod naman ang pagtuturo sa Pilipinas (educational mission). Nabalik siya bilang kalihim ng katarungan nuong 1928 sa cabinete ni governador Henry Stimson at namalagi siya duon hanggang nuong Junio 18, 1932 nang nahirang siyang hukom (associate justice) sa pambansang hukuman (supreme court) ng Pilipinas. Nuong Deciembre 5, 1938 hanggang Julio 16, 1941, pang-3 ulit siyang naging kalihim ng katarungan sa unang cabinete ng Pilipino, si Manuel Quezon, nahalal na pangulo ng Commonwealth nuong 1935.
Hindi nag-5 buwan, nagsimula ang digmaan. Nuong Deciembre 8, 1941, binomba ng hukbong Hapon ang Clark air base sa Pampanga at iba pang himpilan ng hukbong Amerkano. Pagkaraan ng 2 linggo, nuong |
Deciembre 22, nagsimulang sumalakay sa Luzon ang hukbong Hapon sa pamuno ni General Masaharu Homma.
Ipinasiya ni Quezon na tumakas sa America, kasama si Sergio Osmeña, ang Pang-2 (vice president) ng Commonwealth, upang ipagpatuloy ang pamahalaan (government in exile) duon. Niyaya ni Quezon ang kaibigan na sumama sa America, subalit pinasiya ni Abad Santos na manatili sa piling ng familia at mga kamag-anak, at maglingkod sa bayan hanggang maaari sa anumang bahagi ng Pilipinas na hindi pa sakop ng mga Hapon. Malaki ang tiwala at hanga ni Quezon kay Abad Santos na tinuring niyang “isa sa mga pinaka-marangal sa pamahalaan.” Kaya nuong visperas ng Pasko, 2 araw pagkapasok ng mga Hapon, hinirang ni Quezon si Abad Santos na punong hukom ng Pilipinas (chief justice of the supreme court). |
Mahal kong Punong Hukom Santos:
Dagdag sa iyong mga tungkulin bilang Punong Hukom at Pansamantalang Kalihim ng Pananalapi, Pagsasaka at Kalakal, hinihirang kita ngayong aking kinatawan na may kapangyarihang magpasiya sa lahat ng bagay sa pamahalaan hanggang hindi labag sa aking mga layunin, na lubos mong alam na. Sakaling mga pagkakataong kailangang kumilos agad, maaari mong gawin ang inaakala mong tama at mabisa kahit hindi tayo makapag-usap at hindi mo maisangguni muna sa akin ang suliranin.
Tungkol sa mga Taos na sumasa-iyo,
|
||
Hindi nag-isang buwan matapos tanggapin ni Abad Santos ang mga tungkulin mula kay Quezon, nuong Abril 11, 1942, naharang siya ng mga sundalong Hapon sa Carcar, Cebu. Kasakay niya sa mga coche ang kanyang anak, si Jose Junior, si Coronel Valeriano ng Philippine Constabulary at ilang sundalong Pilipino. Nagpakilala si Abad Santos bilang punong hukom ng Pilipinas at binihag sila ng mga Hapon matapos kunin ang mga sandata ni Valeriano at ng mga sundalong Pilipino.
Dinala sila sa Cebu City at ikinulong sa himpilan ni General Kiyotake Kawaguchi, pinuno ng hukbong Hapon sa buong Visayas. Duon nabatid ng mga Hapon na si Abad Santos ang pinaka-mataas na pinuno ng pamahalaan sa Pilipinas. Upang hindi makatakas o masagip ng mga Pilipino, nilipat-lipat ng mga Hapon ang kulungan ng mag-amang Abad Santos sa sumunod na 20 araw. |
Ayon sa anak, tuwi nang hiniwalay ang kanyang ama at sinurot nang sinurot ng mga Hapon. Hindi alam ng anak tungkol saan, maliban sa sagot ni Abad Santos na narinig niya minsan:
“Hindi ko magagawa iyan dahil labag sa sumpa ng panalig na ipinangako ko sa America.” Pagtawag ni Kawaguchi sa Manila upang ihayag ang pagkabihag sa mag-ama, inamuki niyang isali si Abad Santos sa pamahalaan ni Jose Laurel na binuo ng mga Hapon. Payag si Abad Santos na mamuhay nang tahimik sa pagsakop ng Hapon, subalit tumanggi siyang magsilbi sa pamahalaan. Ayaw din niyang sundin ang utos na magpahayag sa mga Pilipino na sumuko at huwag nang lumaban sa mga Hapon. Kaya ang sagot mula sa Manila ay bitayin si Abad Santos. Nilukot at itinapon ni Kawaguchi ang utos, subalit madaling dumating |
si Inuzuka, isang pinuno ng sandatahan mula sa Manila, at pinilit si Kawaguchi na patayin si Abad Santos at ang anak nito. Pinalayas niya si Inuzuka at sumulat sa kaibigan niya, si General Yoshihide Hayashi, taga-pamahala (administrator) ng ika-14 hukbo ng Hapon. Humingi siya ng tulong upang mailigtas ang buhay ng mag-amang Abad Santos subalit pagkaraan ng 2 linggo, tumanggap siya ng isa pang utos mula Manila. Ipadala daw ang mag-ama sa Mindanao, sa himpilan ng hukbong Hapon sa Davao, upang duon bitayin. Dumating uli si Inuzuka, nagbanta na dapat sundin ang utos agad. Ipinasundo ni Kawaguchi si Abad Santos at sinabing nagawa na niya ang lahat upang iligtas silang mag-ama, subalit nabigo siya.
“Huwag kang mag-alaala,” pangako ni Kawaguchi kay Abad Santos, “kahit ano ang mangyari, sasagipin ko ang anak mo.” |
Nuong bandang Mayo 1, 1942, dinala ng mga Hapon ang mag-ama sa Parang, Cotabato. May mga sundalong Amerkano at Pilipino na lumalaban pa nuon sa Mindanao, at pinagbabaril ang lantsa (barge) na sinasakyan nila.
“Hoy, dumapa ka!” Sinigawan ng Hapon, pati si Jose Junior ay napasigaw nang nakitang nakatayo nang tuwid ang ama habang panay ang putok ng mga baril. Parang walang halaga kung tamaan siya. Pagkadaong, 3 oras silang pinalakad sa putik ng mga Hapon hanggang sa himpilan ng Philippine Constabulary sa Parang. Isang gabi sila duon at nuong hapon kinabukasan, isinakay sila sa truck. Mabagal ang kanilang lakbay dahil may mga labanan pa sa dinaanan nila at May 4, 1942 na bago sila nakarating sa Malabang. Tatlong araw ikinulong ang mag-ama bago sinundo si |
![]() “Hinatulan nila akong mabitay!” Hindi nakapagpigil, napabulahaw si Jose Junior. Ngumiti lamang si Abad Santos at mahinahong pinatahan ang anak. “Huwag kang umiyak, anak! Ipakita mong matapang ka. Bihira, hindi lahat ay nagkakaruon ng pagkakataong mamatay para sa sarili niyang bayan.” |
Binilin niya kay Jose Junior na ang buong familia nila ay dapat mabuhay nang marangal upang maging karapat-dapat sa kanilang pangalan. Tapos, lumuhod silang dalawa at nagdasal.
“Pag kita mo sa iyong ina,” sabi ni Abad Santos sa anak, “sabihin mo sa kanyang pinakamamahal ko siya, at kayong lahat.” Sa kahuli-hulihang pagkakataon, nagyakap ang mag-ama bago inilabas ng mga sundalong Hapon si Abad Santos. Dinala siya sa gitna ng kalapit na bukuhan (coconut plantation). Tumanggi si Abad Santos na takpan ang kanyang mga mata. Nag-antanda na lamang siya ng cross bago humarap sa hanay ng mga sundalo. Pagkaraan ng ilang sandali, narinig ni Jose Junior ang putok ng mga baril. |
![]() “Bakit mo ipinapatay si Abad Santos?” Nagimbal si General Homma nang biglang sumulpot sa himpilan niya si Kawaguchi nuong Mayo 11, 1942, galit na galit. Lalong nabagabag si Homma nang malamang binitay si Abad Santos. Nuong unang tawag ni Kawaguchi nuong nakaraang Abril, pumayag si Homma na huwag bitayin ang mag-ama. Inutos niya kay General Yoshihide Hayashi na asikasuhin ang pagligtas kina Abad Santos. “Ikinalulungkot ko ang nangyari,” sagot niya kay Kawaguchi. |
||
Abalá kasi si Homma sa bakbakan sa Bataan at Corregidor. Katunayan, nang sumulpot si Kawaguchi sa harap niya, 2 araw pa lamang ang nakaraan pagkatapos isuko ni General Jonathan Wainright ang hukbong Amerkano sa Corregidor. Sinabi ni Homma na malaki ang hanga at galang niya kay Abad Santos at ayaw niyang mapatay ito. Subalit nasulsulan si General Hayashi, ang kanyang pinagbilinan, ng mga “mainit ang ulo” - ang mga batang pinuno ng hukbong Hapon tulad ni Inuzuka at ng isa pa, si Major Masanobu Tsuji, ang pinakamasugid na bitayin si Abad Santos. Sila, hindi si Homma, ang nag-utos na ipadala sina Abad Santos sa Mindanao upang |
duon bitayin, dahil alam nilang hindi kailan man gagawin ito ni Kawaguchi.
Tulad ng pangako niya, sinagip ni Kawaguchi si Jose Junior hanggang muling lumaya ang Pilipinas pagbalik ng mga Amerkano nuong 1944. Si Kawaguchi naman ay na-destino sa Guadalcanal kung saan siya paulit-ulit tinalo ng mga Amerkano nuong Septiembre 1942. Salanta ang katawan sa gutom, hirap at sakit, nakatakas siya nang buhay bagaman at inalis siya sa tungkulin sa hukbong Hapon dahil sa kanyang pagka-bigo. Nakabalik siya sa Japan hanggang natapos ang digmaan at sakupin ng Amerkano ang Japan nuong 1945. Pagtagal, isiniwalat niya ang nangyari kay Abad Santos. |
![]() |
Ang pinagkunan
Balik sa itaas Bayani: Mga Hindi Karaniwang Pilipino Mga Kasaysayan Ng Pilipinas |