ANG MGA KABANATA
Basahin sunod-sunod o i-click ang alinmang pilas
FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo
Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas Primo viaggio intorno al mondo ni Antonio Pigafetta
Pag-alis sa España, pagtawid sa dagat Atlantic at South America, ang dagat Pacific at Guam, 1519-1521
Pigafetta, 1525. Pabungad ni Antonio Pigafetta, kung paano at bakit siya sumama sa paglakbay, at bakit isinulat itong aklat.
Magellan, 1519. Ang unang pagtukoy kay Ferdinand Magellan, capitan-general ng paglakbay. Muhi sa kanya ang mga pinuno at tauhan ng pangkat dagat.
Reglas. Mga regulaciones ni Magellan sa mga pinuno ng barko kung paano maglalayag, magbabantay sa gabi, at ano ang gagawin kapag nagkahiwalay ang mga barko.
Pag-alis, Agosto 1519. Paglisan sa Sevilla, panganib sa ilog Betis, at ang Puerto San Lucar.
Tenerife, Septiembre 1519. Ang paglaot ng pangkat sa Atlantic Ocean, ang pagdating sa Grand Canary Islands; walang tubig maliban sa alimuom ng isang ulap.
St. Elmo’s Fire. Nagpakita si San Anselmo sa kalakasan ng bagyo, iniligtas ang mga barko; mga kakaibang ibon at pating.
Brazil, Noviembre 1519. Pagdating sa South America, ang kalakal duon, patatas, at ang kaibahang panahon patungong timog.
Indios, Deciembre 1519. Anyo at kilos ng mga taga-Brazil, ang kanilang mga bangka, at bakit sila kumakain ng tao.
Gigantes, Marso 1520. Nakatagpo ng mga higante, umaawit at nagsasayaw, at ang kanilang mga demoño.
Binihag! Nilansi at binihag ang 2 higante, seloso sa asawa, nagpabinyag na catholico ang isa.
Aklasan! Abril 1520. Mutiny laban kay Magellan, binitay ang mga pinuno, nawasak ang isang barko.
11,000 Virgins, Octobre 1520. Pagtuklas sa dulo ng South America ng lagusan papuntang Pacific Ocean.
Takas! Pumuslit pabalik sa España ang isang barko; natuklasan ang kabilang dulo ng lagusan.
La Mar Pacifico, Noviembre 1520. Paglaot sa malawak na Pacific Ocean, maraming namatay sa gutom at sakit.
Estrellas, Enero 1521. Kakaibang langit sa timog, mga sapantaha sa mga tutuklasing bayan.
Ladrones, Marso 6, 1521. Pagdating sa Marianas Islands, kilos at anyo ng mga taga-Guam, dayaan, nakawan at maraming patayan.
Pilipinas! Pagdating sa Limasawa, sa Cebu at si Humabon, sa Mactan at si Lapu-Lapu, Marso-Octobre 1521
Samar, Marso 1521. Pagdating sa Pilipinas, mga mangingisda, pagkain at bangka. At ang niyog.
Homonhon, Suluan. Pagdaong sa Islas de San Lazaro, masayahin at madaldal ang mga tao. Muntik namatay si Pigafetta.
Limasawa, Marso 28, 1521. Pagdating ng mga unang datu, palitan ng mga handog.
Si Ka Lambo, Si Agu. Nakipag-usap ang 2 ‘rajah’, ang unang misa, hanga si Pigafetta sa gandang lalaki ni Agu.
Nga-nga. Mga gawi at anyo, pagkain at hayop ng mga tagapulo.
Cebu, Abril 1521. Pagputok ng mga kanyon, nagtakbuhan ang mga tagapulo. Hinarap ang rajah, nagtawaran sa pagbayad ng buwis, nakipagtalik.
Si Jesus Christ. Pagpairal ng catholico, palitan ng mga handog, talumpati at pag-igaya ni Magellan.
Si Rajah Humabon. Kilos at anyo ng mga taga-Cebu. Nagpa-party para kay Pigafetta. Nagtayo ng cross sa liwasan.
Binyagan, Ang Santo Niño. Naging catholico ang mga tagapulo. Ang ganda ng asawa ni Humabon. Hinandog ang Santo Niño.
Himala! Pinagaling ni Magellan ang maysakit. Pinasunog ang mga añito. Ang mga pulo sa katabi.
Kinatay Ang Alay. Dumalo si Pigafetta sa pagsamba ng mga babaing pari sa dios ng mga tagapulo.
Mactan, Si Lapu-Lapu, Abril 1521. Hinamon ni Lapu-Lapu, lumusob ang mga Español sa Mactan, pinatay si Magellan.
Taksil! Mayo 1521. Kasapakat ang alipin ni Magellan, pinatay ang mga Español. Tumakas ang mga buhay pa.
Chippit. Sinunog ang barko sa tabi ng Bohol, nagkubli sa pulo ng Kipit sa Sindangan Bay, sa hilaga ng Zamboanga.
Cagayan. Ang pinagtapunan ng mga taga-Borneo sa pulo ng Cagayan, sa dagat ng Sulu.
Palawan, Junio 1521. Masaganang pulo, sabong ng manok at alak mula sa kanin. Mga salitang Visaya na natutunan ni Pigafetta.
Borneo, Julio 1521. Pinasundo sakay sa mga elepante; malayuang pagkausap sa hari. Mga bahay na nakatukod sa ibabaw ng tubig sa tabi ng dagat.
Bakbakan Sa Dagat. Sinalakay, binihag ang anak ng hari ng Luzon. Marami ang pinatay, ninakaw ang mga ari-arian. Ang 2 malalaking perlas ng hari ng Brunei.
Alipin. Ang mga bihag na babae at lalaki, barkong pandagat ng mga taga-Java. Ang paggawa ng porselana. Umiinom ng mercury ang mga taga-Borneo.
Mandarambong Na Español. Hinarang ang mga tagapulo. Kinumpuni ang barko. Mga dambuhalang buwaya at baboy-damo.
Kidnap, Septiembre 1521. Paghalal ng mga bagong pinuno ng pangkat dagat. Dinukot at pinatubos ng mga Español ang governador ng Palawan.
Jolo, Basilan. Kung paano naagaw ang 2 perlas ng hari ng Brunei. Ang pinagkukunan ng kanela (cinnamon).
7 ‘Maingdanao’ Pinatay. Ang malaking pangkat ng mga Maguindanao sa ‘pulo’ ng Butuan at Caraga. Mga cannibal, kinakain nang hilaw ang puso ng mga kaaway.
Saranggani, Octobre 1521. Dinukot, binihag sa barko ng mga Español ang isang mag-ama, tumakas sa dagat, nalunod ang anak.
Kalakal sa Maluku, pagtawid sa Indonesia at dagat India, paglusot sa Africa at pagbalik sa España, 1521-1522
Moluccas, Noviembre 1521. Dumating sa pulo ng Tidor, hinarap ang hari. Ang nakita ng hari sa panaginip. Ang mga pulo ng Ternate, Motir, Makian at Batjan.
Tidor, Gilolo. Maraming asawa ang hari, paano pinipili ang isisiping sa gabi. Ang katabing pulo ng Gilolo. Dumating ang anak ng hari ng Ternate. Ang kalakal ng cloves.
Portuguese. Pinakawalan ang mga bihag. Dumalaw ang isang lagalag mula Ternate. Tinangka ng hari ng Portugal na hadlangan si Magellan.
Cloves, Spices. Ang tanging tinutubuan ng puno ng cloves, nutmeg at iba pang spices. Nagyaya ang hari ng Tidor sa isang handaan, nangamba ang mga Español, sumumpa ang hari sa Koran.
Sultan Manzor. Ang hari ng Tidor, ang governador ng Makian. Tumakas ang lagalag na Portuguese, nagalit ang anak ng hari ng Ternate.
Kasalan, Deciembre 1521. Pagdiriwang sa kasal. Mamahaling telang panluksa. ‘Dinukot’ ng mga babae sa Tidor ang mga Español.
Hiwaga, Luya. Mangkukulam at kababalaghan sa gabi, bird of paradise. Sumumpa ang hari ng Tidor ng panalig sa hari ng España. Paano nagtatayo ng bahay.
Paalam! Deciembre 1521. Nabutas, pinasok ng tubig ang barkong Trinidad, naiwan sa Tidor. Umalis ang barkong Victoria, 47 na lamang ang sakay.
Mga Unano. Pulo ng mga enanos. Mga cannibal sa pulo ng Celebes. Ang pagkain sa suman at langka na hinaluan ng honey.
Banda, Surabaya. Ang maraming pulo ng Indonesia. Tinangay ng bagyo sa pulo ng Alor. Pagkaibigan sa mga cannibal, mga babaing mandirigma. Mga puno ng paminta at sili.
Timor. Nagutom ang mga Español, binihag ang pinuno ng Ambeño, pinatubos ng kalabaw at vaca. Kalakal mula Luzon ng sandalwood (kahoy na ginagawang bakya).
Galis, demoño. Nagpapakita ang demoño. Ang pagputol ng sandalwood; laganap ang ‘sakit ng Portuguese.’
Java. Ang kaharian ng Majapahit. Ang kalapit na pulo ng Sumatra. Ang lawa ng Malacca. Pagsunog sa sarili ng viuda. Mga babaing nabubuntis ng hangin. ‘Garuda,’ ang dambuhalang ibon.
China. Ang lawak ng kapangyarihan ng China, ang palacio at mga guardia ng hari, ang pagpatay sa mga ayaw sumunod, ang mga silid ng kayamanan.
Fujian. Ang mga bayan sa timog dalampasigan ng China.
India, Febrero 1522. Ang mga uri ng tao sa India, ang pulo na tinawag na Trapobana.
Palusot, Mayo 1522. Sa Africa. Pag-iwas, binihag ng Portuguese. Namatay ang kalahati ng mga Español.
España! Septiembre 1522. Pagbalik sa San Lucar at Sevilla, panata sa mga dambana ng Virjen, pagharap sa hari.
Pagkatapos. Mga naganap pagkabalik. Sino si Pigafetta? Ibang ulat ng paglakbay. Ano nangyari kay Sebastian del Cano?
Ang Mga Iniwan. Ang mga dinanas sa paglakbay sa barkong Trinidad ng mga tauhang naiwan nina Pigafetta sa Maluku.
Ang Mga Hinalaw. Lista ng mga pinagkunan nitong ulat.
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan ng mga Kasaysayan Pang-email tungkol anuman. Maraming salamat po! Susunod na kabanata