Gigantes.

NAGTAGAL kami ng 13 araw sa lupain ng Verzin (Brazil) at pag-alis, bumaybay kami sa ika-34½ guhit patimog at natagpuan namin sa tabi ng isang ilog ang mga tao na tinawag na Canibali, kumakain daw ng kapwa tao.

( Canibali ang maling dinig ng Español sa Caribi, ang mga nakatira duon na tinatawag ngayong Carribean. Si Christopher Columbus, matapos nakarating sa America nuong 1492, ang unang nagbalita ng pagkain nila ng tao. Siya rin ang nag-akalang India ang narating niya at unang tumawag na indio (Indian) o mga taga-India, sa mga tao na natagpuan niya duon. Gamit pa hanggang ngayon ang kamalian.)

Ang isa sa mga ito, kasing tangkad ng gigante, ay umakyat sa barko ng capitan upang mag-usisa at humiling kung maaaring umakyat din ang mga kasama niya. Ang voces niya ay hawig sa toro.

Habang nasa barko siya, hinakot ng mga kasama niya ang lahat ng ari-arian nila sa malayo, sa takot nila sa amin. Nang makita namin ito, lumunsad ang mahigit 100 tauhan namin mula sa mga barko at hinabol ang mga tumatakbong gigante upang kausapin at hulihin ang ilan. Subalit lahat sila ay nakatakas sapagkat mas malayo ang isang hakbang nila kaysa isang talon namin.

Nuong mga nakaraang panahon, kinain ng mga higanteng Canibali ang isang capitan-general ng España, si Juan Diaz de Solis, at 60 kasama

Pigafetta Ferdinand Magellan FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Mga Cannibal

niya sa ilog na ito. Nagtiwala kasi nang sobra sa mga gigante habang hinahanap nila ang landas (patungo sa Maluku) tulad ng ginagawa namin.

( Octobre 1515 umalis sa España ang pangkat ni De Solis, 1516 sila kinain.)

May 7 maliliit na pulo duon sa ilog. Mayroong mga mamahaling bato sa pinaka-malaki. Ang puok ay tinawag dati na Cabo Sancta Maria (Cape Saint Mary) at ang balita ay duon ang bagtas papuntang mar del Sur (dagat timog, south sea) ngunit wala pang nakatuklas. Walang balita kung may barko na nakapaglayag lagpas duon. At nuon, hindi na cabo ito kundi ilog na, 17 leguas (82 kilometro) ang lapad ng bukana sa dagat.

( Rio de Plata ang tawag ngayon, mula kay De Solis nuong 1515, bagama’t tinawag daw na Rio de San Christoval ni Magellan na 2 araw lumigid at 6 na araw humimpil duon, hinahanap ang landas na patawid daw sa Maluku,, bago nagpatuloy sa paglayag patimog nuong Febrero 3, 1520. Pagkaraan ng 3 linggo, nuong Febrero 24, inusisa nila ang isa pang natuklasang lawa, tinawag ngayong Gulf of San Matias, kung may lusutan ito, subalit wala rin silang nakita. Pagkatapos ng 2 araw, bumalik sila uli sa baybayin ng Atlantic Ocean at nakatuklas ng isa pang lawa, tinawag na Baia de los Trabalhos (Bay of Sea Wolves) ng isang piloto ni Magellan, at Baia de los Patos (Bay of Ducks) ng ibang kasama. May 2 pulo duon.)

Penguin Sa baybayin patungo sa timog, nakatuklas kami ng 2 pulo na puno ng mga gansa (geese, subalit mali, penguin talaga. Ang kaurian (species) duon ay tinatawag ngayong Magellan penguins).

Hindi mabilang ang dami ng mga gansa, isang oras lamang napuno namin ang lahat ng barko. Ang mga gansa ay itim at iisang uri at haba ang balahibo sa buong katawan. Hindi sila lumilipad, lumalangoy lamang at isda ang kinakain. Ang taba-taba ng katawan, hindi na namin tinanggal ang balahibo, binalatan na

lamang namin. Hawig sa uwak (crow) ang tuka.

Ang 2 pulo ay puno rin ng at mga trabalhos (sea wolves, mga lupo ng dagat, subalit fur seals talaga, isang uri ng hayop dagat). Magkakaiba ang kulay ng trabalhos, kasing laki ang katawan at kahawig ang ulo ng batang vaca (calf).

Maliit at bilog ang mga tenga, malaki ang ipin. Walang mga hita o binti, nakakabit ang paa nila sa katawan at hugis kamay ng tao, may mahahabang kuko. May balat sa pagitan ng mga daliri gaya ng mga gansa. Nakakatakot kung tumatakbo ang mga ito dahil sa bangis at tapang, subalit hindi sila umaalis sa dagat, lumalangoy at kumakain ng isda.

Duon, muntik na kaming mamatay sa isang bagyo, ngunit nagpakita sa amin sina Santo Anselmo,

Fur seal San Nicholas at Sancta Clara at madaling humupa ang unos. Umalis kami at nagtungo sa ika-49½ guhit patimog at pumasok sa isang daungan upang magpalipas ng tag-ginaw (winter). Humimpil kami duon (Puerto San Julian ang tawag ngayon) nang 2 buwan nang walang nakita kahit isang tao hanggang, isang araw, nagulat kaming makakita ng isang gigante sa pampang, hubad-hubad na nagsasayaw, patalon-talon at umaawit habang naglalagay ng buhangin at alikabok sa sariling ulo.

Mga Camelo Sa Patagonia.

INUTOS ng capitan sa isang tauhan na lapitan ang gigante at gayahin ang sayaw at awit upang hindi matakot ito, at makipagkaibigan siya. Madaling nayaya ng tauhan ang gigante sa pasayaw-sayaw, papunta sa maliit na pulo na hintayan ng capitan. Nang nakaharap na kami, unti-unting natakot ang gigante at nagtaka sa amin. Itinuro niya ang isang daliri sa langit, tanong kung galing kami sa langit. Napakatangkad niya, hanggang baywang lamang kami, gayong karaniwan naman ang hugis ng katawan niya.

( Unang tinawag na giganti ni Pigafetta ang mga Guarani, ang mga tao sa Brazil. Ang mga ulat ng mga kasama ni Magellan ang nagpasimula ng cuento ng mga higante sa Tehuelche, ang mga tao sa Patagonia, Argentina, na 7½ piye (feet, 2¼ metro) ang tangkad nila.) Llama

Malaki ang mukha niya, bilog ang corte. May pinturang pula sa mukha, bilog na pinturang dilaw naman sa paligid ng 2 mata, at sa

Guanaco mga pisngi ay may nakapintang 2 puso. Halos kalbo siya, may pinturang puti sa ulo. Nang dalhin siya sa capitan, suot niya ay mainam na tinahing kabit-kabit na balat (fur) ng hayop na naglipana sa puok na iyon (guanaco, kaugnay sa llama at alpaca, 3 camelo (camel) na tangi sa South America). Ang hayop ay may ulo at tenga na hawig sa kabayong mola (mule) at leeg at katawan hawig sa camelo (camel), mga paa hawig sa usa (deer) at buntot na gaya ng cavallo (horse). Balot din ang mga paa ng gigante ng balat ng hayop na iyon, parang mga zapatos.

May dala siyang matabang pana, (bow) ang lubid na nakakabit ay gawa sa bituka ng hayop na iyon, at mga palaso (arrows) ng buho (reed, yantok) na karaniwan ang haba at may balahibo sa hulihan gaya ng palaso namin ngunit pinatulis na bato, hindi bakal, ang tusok, hawig sa mga palaso na gamit ng mga Turko (Turks).

Inutos ng capitan na pakainin at painumin ang gigante, tapos ipinakita niya ang ilang ari-arian, pati isang salaming asero (steel mirror). Natakot ang gigante nang makita ang sarili sa salamin, napatalon sa gulat at nasalya ang 4 tauhan namin

na nagtalsikan at nagtumbahan sa lupa. Binigyan siya ng capitan ng 2 kuliling (campanella, bells), isang salamin (mirror), suklay (comb) at ilang paternoster (estampa o estampita nuon), at pinabalik sa pampang, hinatid ng 4 sandalo namin.

Isa pang gigante na ayaw lumapit sa aming barko, nang makitang pabalik na ang gigante na kasama ng mga tauhan namin, ay tumakbo pabalik sa pangkat ng Alpaca mga gigante sa malayo. Ang mga ito naman, hubad-hubad din, ay nagsayawan, nagtalunan at umawit, itinuturo ng daliri ang langit, at ipinakikita sa amin ang puting pulbos (powder) sa mga palayok, arina mula sa tanim na hinukay nila (root of herbs), at sa senyas, ipinahiwatig sa amin na ito lamang ang pagkain nila, at wala na silang makaing iba.

Kinawayan namin silang lumapit sa mga barko at tutulungan namin silang maghakot ng mga ari-arian nila.

Gigante Naging Catholico.

Lumapit ang mga lalaki, walang dala kundi ang kanilang mga pana at palaso. Sumunod ang mga babaing asawa nila, bitbit parang mga cavallo ang ari-arian nila. Hindi kasing tangkad ang mga babae, ngunit mas mataba.

Nagulat kami sa anyo nila sapagkat kalahating cubit (lumang sukat, katumbas ng isang bisig o 1/3 metro) ang mga suso (teats) nila, may pintura ang mga mukha, at kahawig ng mga lalaki ang mga damit, maliban sa maliit na balat na takip sa kanilang pagkababae (private parts).

Hila-hila ng mga babae ang 4 hayop (guanacos) na ginagawa nilang damit ang mga balat, nakatali sa leeg ng lubid. Hiniwalay namin ang 18 gigante at hinati namin sa 2 pangkat, magkahalong babae at lalaki, upang humuli ng mga hayop. Nagtali sila ng isang batang hayop sa isang puno, tapos nagtago sila sa malapit.

Tuwing lapit ng isang matandang hayop upang mag-usisa, dinadamba nila at hinuhuli, o pinapatay ng pana.

Pagkaraan ng 6 araw, nakita ng mga kasama naming naghahanap ng kahoy ang isa pang gigante, may pintura sa mukha at nakadamit gaya ng ibang gigante at may dalang pana at palaso. Lumapit siya sa mga kasama namin at hinipo nang ilang ulit ang kanyang ulo at katawan, tapos, hinipo rin ang ulo at katawan ng mga kasama namin. Tapos, nanawagan siya sa langit.

Nang marinig ng capitan-general ang balita, ipinasundo niya ang gigante sa isang bangka at dinala sa pulo na tinitigilan namin, sa bahay duon na ipinatayo niya upang imbakan ng mga ari-arian namin.

Mas mabait itong gigante, mahilig magsayaw at tumalon-talon. Tuwing talon niya, ang lupa na binagsakan ng paa niya ay lumulubog nang isang

pulgada (one inch) ang lalim. Matagal siyang nakisama sa amin at nuong bandang huli, bininyagan (baptized) namin siya sa pangalang Juan (John). Nabigkas niya gaya namin ang pangalan niya at ni Iesu Christo, at ang mga dasal na Pater Noster (Ama Namin, Our Father) at Ave Maria (Hail Mary) bagama’t nakakatulig ang lakas ng voces niya.

Nang umalis siya, binigyan siya ng capitan ng isang kamiseta at chaleco (jerkin), pantalon, cap (maliit na saklob sa ulo), isang salamin (mirror) at suklay, mga campanella (bells) at iba pa. Tuwang-tuwa siya nang umalis.

Kinabukasan, bumalik siya, may dalang mga hayop (guanacos) na ibinigay sa amin. Binigyan siya uli ng capitan ng mga handog upang magdala siya uli ng mga hayop subalit hindi na namin siya nakita mula nuon. Baka pinatay siya ng ibang gigante dahil naging malapit siya sa amin.

Kapag sumakit ang tiyan ng gigante, hindi siya umiinom ng gamot. Mula sa bunganga, sinusundot niya ang sariling sikmura (stomach) ng pana na bandang 2 piye (2 feet) ang haba. Tapos susuka siya ng verde, may kahalong dugo.

Ang verde na suka ay mula sa isang uri ng halaman (thistle, wild celery) na madalas nilang kainin. Kapag masakit naman ang ulo, hinihiwa nila ang nuo (forehead) para magdugo, pati mga bisig (arms) at binti (legs). Pinuputol nila nang maigsi ang buhok at inaahit ang ulo, gaya ng mga frayles (friars). Nagtatali sila sa ulo, sinasabitan ng pana kapag nangangahoy (hunting) sila.

Upang hindi ginawin, binabalot nila ang kanilang pagkalalaki (their member) nang hapit sa katawan. Kapag nagpaparikit sila ng siga, kinikiskis nila ang isang matalim na kahoy sa isa pang kahoy, 2 patpat na kinuha nila mula sa loob

Patagoni o ubod ng punong-kahoy duon, hanggang magbaga at mag-apoy ang kusot (cotton) sa pagitan.

Kapag namatay ang isang gigante, may 10 - 12 demoños (devils) na lumilitaw, may pintura sa mga katawan, at nagsasayaw paligid sa bangkay. Sabi nila sa amin, gaya dito kaya sila nagpipinta sa mukha at katawan. Isa sa mga demoño ay mas matangkad at mas maingay humiyaw, at tinawag nila ito na Setebos, habang ang iba ay tinawag na Cheleule. Sinabi ng isang gigante na nagtagal sa barko namin na nakakita siya ng mga demoños na may 2 sungay sa ulo, hanggang paa ang haba

ng buhok, at lumalabas ang apoy sa bunganga at puwit.

Pathagoni ang itinawag ng capitan sa kanila (hawig sa patacones, mga asong malaki ang mga paa. Hanggang ngayon, Patagonia ang tawag sa puok na iyon na naging bahagi ng Argentina). Wala silang bahay-bahay. Mga bangka na balot ng balat ng hayop duon (guanacos) ang ginamit nila papunta kung saan-saan, gaya ng mga egyptos (gypsies). Hilaw na carne ang kinakain nila, at arina ng isang uri ng matamis na gabi (yam) na tinawag nilang capae.

Ang 2 gigante sa barko namin ay kumain ng isang malaking kahon ng biscuit, mga hilaw na daga na may balahibo pa, at uminom ng kalahating timba ng tubig sa isang kainan lamang. Ang 2 gigantes ay nahuli namin sa isang magulong pangyayari.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata