Aklasan! 5 BUWAN kaming nagtagal sa tinawag na Puerto San Julian (Port Saint Julian), mula Marso 31 hanggang Agosto 24, 1520, kung saan maraming hiwaga ang nangyari sa amin. Ang isa, pagkapasok na pagkapasok namin sa puerto, ang mga capitan ng 4 na barkong kasama namin ay nagsapakat (conspiracy) na patayin ang capitan-general. Ang mga nagsapakat ay si Juan de Cartagena, ang kapatas ng lahat na tauhan sa buong pangkat-dagat (veedor general, fleet overseer); si Luis de Mendoza, ang ingat-yaman ng pangkat-dagat (treasurer of the fleet) at capitan ng barkong Victoria; si Antonio de Coca, isang tagatuos (contador, accountant) ; at si Gaspar Quesada, capitan ng barkong Concepcion.
|
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
Natuklasan at nagapi ang aklasan. Pinatay si Mendoza sa saksak at hinati sa 4 ang kanyang katawan (quartered). Pinugutan ng ulo si Quesada at hinati rin sa 4 ang bangkay niya. Nagtangka uling mag-aklas si Cartagena pagkaraan ng ilang araw. Ipinatapon siya at iniwan duon sa tinawag na Patagoni (ngayon ay Patagonia, bahagi ng Argentina). Ayaw siyang ipabitay ng capitan-general sapagkat ang Emperador Carlos 5 mismo (Charles V, holy roman emperor and king of Spain) ang nagtanghal kay Cartagena bilang capitan ng barkong San Antonio. ( Sa ibang ulat, si Cartagena ang pinuno ng barkong San Antonio nang umalis sa España ang pangkat-dagat subalit bago pa nabagtas ang Equator, dinakip siya at nilitis, at si De Coca ang ipinalit sa kanya. Hindi nahayag kung bakit subalit malaki ang hinala ng mga Español kay Magellan na isang Portuguese. Pagdating sa Puerto San Juan, pinalitan din si De Coca ni Alvaro de Mesquita, Portuguese at kamag-anak - pinsan o pamangkin - ni Magellan.
Ito ang nag-udyok sa mga Español na magsapakat uli nuong gabi ng Abril 1 hanggang madaling-araw ng Abril 2, 1520, nang agawin ng mga nag-aklas (mutineers) ang 3 pinaka-malaking barko. Pamuno sina Cartagena, Mendoza, Quezada at Sebastian de Elcano (Sebastian del Cano).
Nilinlang sila ni Magellan, pinapuslit ang mga tauhan sa isang bangka, inakyat ang barkong Victoria at pinatay |
ang pinuno duon, si Mendoza. Sinaksak siya ilang ulit ni Gonzalo Gomez de Espinosa, ang punong pulis o constable ng pangkat-dagat. Nabawi sa dahas ang 3 barko at pinarusahan ang mga pinuno. Hindi pinarusahan si Del Cano dahil siya ang pinaka-magaling na piloto sa buong pangkat-dagat at kailangan siya sa paglakbay.)
Ang isa pang pangyayari ay nawasak ang barkong Santiago habang nag-uusisa sa baybayin. Ngunit lahat ng mga tauhan ay nasakip sa isang himala, sapagkat ni hindi sila nabasa. ( Katunayan, walang himala. Isa sa 37 tauhan ang namatay. Si Joao Serrao, isang Portuguese, ang ginawang pinuno ng Santiago pagkatapos ng aklasan, at bumabagtas sila patimog sa Puerto Santa Cruz nang nawasak ang barko sa batuhan nuong Mayo 22, 1520.) Dalawang tauhan ng Santiago ang bumalik sa amin at nagbalita. Madaling nagpadala ang capitan ng mga tauhan, pasan ang sako-sako ng pagkain (biscuit) sapat para sa 2 buwan, upang saklolohan ang mga nasakuna. Araw-araw paparuon, natagpuan namin ang mga bagay-bagay mula sa lumubog na barko. Sa pinangyarihan namin natagpuan ang mga tauhan, 25 leguas (120 kilometro) ang layo. Masama ang daan at puno ng mga tinik kaya 4 araw bago namin narating. Sa gabi, natulog kaming ginaw na ginaw sa gubat-gubat. Walang tubig sa daan maliban sa yelo (hielo, ice) at kakaunti pa. |
|
![]() ( Umalis sila sa Puerto San Julian nuong Agosto 24, 1520. Dito iniwan si Cartagena, kasama ang isa pang kaaway ni Magellan na, sa ibang ulat, ay isang frayle mula sa France. Pulos Portuguese na, at pulos kaibigan o kamag-anak ni Magellan ang mga pinuno ng mga barko - si Duarte Barbosa, bayaw ni Magellan, sa Victoria; si Alvaro de Mesquita, pamangkin o pinsan ni Magellan,sa San Antonio; at si Joao Serrao, sa Concepcion. Sa Puerto Santa Cruz sila dumaong. Itong ilog ang natuklasan ni Serrao nuong Mayo 3, fiesta ng cross kaya tinawag ng ganoon, bago nawasak ang Santiago.) |
||
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |