Raia Humabon. NANG dumating kami sa kabayanan, nasa tahanan (palacio) niya ang hari ng Zzubu, nakasalampak sa isang banig sa lupa at maraming katabing tao. Hubad-hubad siya, maliban sa bahag at maluwag na telang seda na bordado, na nakapulupot sa kanyang ulo (putong). May malaki at mamahaling kuwintas sa kanyang leeg, at nakasabit sa kanyang tenga ang 2 gintong hikaw na may mga palamuting mamahaling bato. Pandak siya, mataba, at maraming pulang pintura sa kanyang mukha. Kumakain siya ng mga itlog ng pagong mula sa mga dahon ng puno ng niyog, at mayroon siyang 4 banga (jars) na punung-puno ng uraca (tuba, palm wine) na sinisipsip niya, gamit ang mga payat na kawayan.
Nagbigay pugay kami sa kanya at ibinigay ang mga handog ng capitan, at ipinasabi namin sa tagapag-salita na hindi kapalit ang mga ito ng mga handog niya sa capitan kundi pahiwatig ng pagmamahal sa kanya ng capitan. Isinuot namin sa kanya ang bata, ipinatong ang cap sa kanyang ulo, at hinalikan namin ang mga salamin (glasses) bago inabot sa kanya, at tinanggap |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
niya.
Tapos, pinakain niya kami ng mga itlog at pinainom ng uraca, sinipsip ng mga payat na kawayan, habang ibinabalita ng mga pinuno niyang nanggaling sa barko ang magandang sinabi ng capitan sa kanila tungkol sa payapa at pagsamba. Inimbita kami ng hari na sumalo sa hapunan, ngunit nagdahilan kami at umalis.
Niyaya kami ng tagapag-mana (principe), ang pamangkin ng hari, sa kanyang bahay at ipinakita ang 4 dalagita duon, matamis na nagpapatugtog ng mga kakaibang gamit (mga gong), at nakakaaliw ang kanilang musica. Ang isa ay nagpapatunog ng isang hawig sa tamborin natin ngunit nakatayo sa lupa. Ang isa ay tinatambol ang likod ng 2 mahabang tamborin, hawak ang isang patpat na may balot sa dulo ng dahon ng niyog. Ganoon din ang ginagawa ng pang-3 babae, mas malaki lamang ang tamborin. Ang huling dalagita ay 2 ang tinatambol, isa sa bawa’t kamay. Magkakahimig ang kanilang pagtugtog at matamis pakinggan. Napakaganda ng mga dalagita, at mapuputi |
sila, at halos kasing tangkad namin. Nakahubad sila maliban sa tapis na nakabalot sa kanilang baywang hanggang tuhod na telang hawi sa niyog (banig). Ang ilan ay lubusang nakahubad, mahaba ang itim na buhok, at may maliit na velo (veil) na nakapulupot sa ulo, and sila ay laging nakayapak. Pinasayaw kami ng principe sa 3 dalagitang walang damit. At nag-merienda kami duon, tapos bumalik na kami sa barko.
Ang mga tamborin ay bakal (tanso) at gawa sa bayan ng Sinus Magnus, ang tinawag na China. Ginagamit ang mga ito gaya ng gamit natin sa campanas (bells), at ang tawag nila ay aghon (gong).
|
|
Umaga ng Miercoles, pagkamatay ng isang kasamahan namin nuong nakaraang gabi, inutos ng capitan sa amin ng tagapag-salita na humingi sa hari ng pahintulot na ilibing ang namatay. Maraming kasamang tao ang hari nang nakita namin, at matapos kaming magbigay pugay sa kanya, ibinalita namin ang pagkamatay ng aming kasama at ang hiling ng capitan na mailibing duon. At ang sagot ng hari, handa siya at lahat ng tao niya na sumunod sa aming panginoon (ang hari ng España), at lalo silang handang magsilbi sa kanya (kay Magellan). Idinagdag namin na nais naming pagpalain ang libingan ayon sa aming gawi, at magtatayo kami ng cross sa ibabaw ng libingan. Payag siya, sabi ng hari, at siya mismo ay sasamba sa cross gaya ng pagsamba namin. Inilibing ang patay sa gitna ng plaza nang |
buong dangal, sabay sa mga ceremonia bilang magandang pakita, at kinagabihan, inilibing namin ang isa pa.
Pagkatapos, nagdala kami ng mga kalakal sa kabayanan ng hari at inimbak sa isang bahay. At ang hari ang namahala, nangakong walang masamang mangyayari sa hari (ng España). Apat sa aming mga tauhan ang napiling mag-venta ng mga kalakal. Nuong sumunod na Viernes, ipinakita namin sa mga tao ang aming mga ari-arian at kalakal, kakaiba at sari-sari, at hanga sila. Para sa mga bakal, tanso at malalaking bagay, nakipagpalit sila ng ginto, at para sa mga maliliit na bagay, ang kapalit ay bigas, baboy, mga ari-arian at iba pang kakanin. Ang palitan nila ay 10 timbang ng ginto sa 14 libra (pounds) ng bakal. Ang isang timbang ay 1½ ducat (barya o coin na dating gamit |
sa Europe na may halaga ng bandang isang dolyar kung pilak (silver) at mahigit doble kung ginto).
Ayaw ng capitan na makipagkalakal kami ng maraming ginto at baka maging mumurahin ang aming kalakal dahil sa takaw (greed) ng mga tauhan namin sa ginto. Baka raw ipagpalit lahat ng ari-arian nila para lamang sa kakaunting ginto. Masisira nang tuluyan ang kalakal at mapipilitan ang capitan na ipagbili nang mura na rin ang kanyang mga kalakal na nais sana niyang ipagbili sa mas mataas na halaga. Nuong sumunod na Sabado, nagpatayo ang capitan ng isang entablado (platform) sa gitna ng liwasan (plaza), may mga tabing (cortinas, curtains at mga dahon ng puno ng niyog sa paligid, dahil ipinangako ng hari na magpapabinyag siya sa Linggo. At sinabi sa kanya ng capitan na hindi sila dapat masindak pagputok ng mga cañon namin kinabukasan dahil gawi namin sa mga pagdiriwang na magpaputok ng mga cañon na wala namang bala. |
ANG mga tao ay nabubuhay nang maayos at mapayapa, maganda ang kanilang mga kalooban, at mayroon silang mga timbangan at mga pang-sukat. Ang mga timbangan nila ay kahoy, hawig sa pardesa (timbangan sa France), ginagamit sa kalakal, at pahabang kahoy, nakasabit sa gitna ng pisi. Sa isang dulo nakasabit ang isang pabigat na tingga at sa kabilang dulo ay may mga guhit ng timbang katulad ng libras (pounds). Dito nila sinasabit ang kalakal, nakalagay sa buslo na may 3 taling sabitan, at tama ang timbang. Mayroon din silang sabitan na butas ang puwit para sa malalaking bagay na titimbangin. Ang mga kabataan ay nagpapatugtog ng mga torotot na gawa tulad ng sa atin, at tinawag nilang subin. Ang mga bahay nila ay kahoy, mga tabla at kawayan, nakapatong sa mga tukod, at napakataas, kailangan pang umakyat ng hagdanan. Ang mga silid nila ay hawig sa ating mga cuarto, (silid) at sa ilalim (silong) nakakulong ang mga alaga nila - baboy, kambing at mga manok. Sa pulo na iyon, may mga hayop na may kabibe, tinawag na corniol, maganda sa tingin, na pumapatay sa mga ballena (whales,). Dahil nilululon nang buhay ang mga ito ng mga ballena, at nang nasa luob na sila, lumalabas sila sa kabibe at kinakain ang puso ng ballena. At itong mga corniol ay may mga ipin at itim ang balat at ang kabibe ay puti. Masarap kainin ang kanilang carne, tinawag na laghan (laman). |
||
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |