Kinatay. ANG pagkatay ng baboy sa mga tagapulo ay malaking pagtatanghal, saliw sa maraming ceremonia na ginagawa nila sa pag-alay ng carne (consecration of pigs) sa kanilang mga lumang dios (idols). Una, tinambol nila ang malalaking borchies (gong), mga instrumento ng tugtog (musical instruments) na hawig sa tamborin o mga plato na tanso. ( Ang ‘tugtog’ na tawag sa musica ay mula sa tunog ng mga tambol at bumbong, ang unang musica sa Pilipinas.) Sunod, naghain sila ng 3 malaking mangkok, 2 ay may mga rosas, kanin at nilagang dawa (millet, maliit na bigas, hindi masarap at hindi na kinakain sa Pilipinas) na nakabalot ng mga dahon at may kasamang inihaw na isda. Ang huling mangkok ay may tela mula sa Cambaia (Cambodia, subalit malamang telang batik mula sa Borneo) at 2 buong dahon ng puno ng niyog. Inilatag ang tela ng Cambaia sa sahig, tapos dumating ang 2 matandang babae, may tig-isang kawayang torotot (trumpeta), at tumalungko (squatted) sa tela. Nagpugay sila sa araw (sun), tapos ikinumot ang tela sa kanilang katawan. Ang isa ay nagtali ng panyo sa nuo, binuhol na may 2 nakausling |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
dulo, parang sungay (horns), at hawak ang isa pang panyo, ay nagsayaw at hinipan ang torotot, panawagan sa araw.
Kinuha ng pang-2 babae ang isang buong dahon ng puno ng niyog at nagsayaw din at maraming dinasal sa araw. Binitiwan ng unang babae ang panyo, dinampot ang pang-2 dahon ng niyog at nagpatuloy silang dalawa, sayaw nang sayaw, tumurotot at nagdasal sa araw, at lumigid sa baboy na nakatali sa sahig. Tapos, nagdasal nang lihim na panalangin ang isang babae, at sumagot ng dasal din ang kasamang babae. Binigyan ng isang basong alak ang unang babae, at ito ay nagpatuloy sa pagsayaw at pagdasal, sinasagot ng pang-2 babae ng dasal at sayaw din. Kunyari uminom ng 4 o 5 ulit sa baso, pinisik ng babae ang alak paligid sa puso ng baboy nang ilang ulit, tapos sayaw-sayaw pa ulit. Binigyan ang unang babae ng matulis na sibat, |
na sinayaw at winagayway niya, kinalog at inamba sa tabi ng baboy at habang nagsasayaw at nagdadasal silang daawa, kunyari tinutusok ang baboy sa dibdib 4 o 5 ulit. Tapos, biglang tinusok ng sibat at winakwak ang puso ng baboy bago mabilis na lumuhod ang babae at tinakpan ng damo ang sugat ng baboy.
Kagat-kagat niya ang isang nagliliyab na sulo (burning torch) habang patuloy ang ceremonia. Sinalok sa torotot ng pang-2 babae ang dugo ng baboy at lumapit sa mga lalaki na nakapaligid at pinahiran ng dugo ang mga nuo nila, simula sa kanilang mga asawa, tapos sa iba. Subalit hindi siya lumapit sa aming mga Español. Naghubad ang 2 babae at kinain ang mga pagkain sa mangkok. Inanyayahan nilang kumain at iba pang babae, hindi kasali ang mga lalaki. Tapos, inilagay sa apoy ang baboy at binalatan. Ang mga nag-alay ng carne ay mga matandang babae lamang, at hindi sila kumakain ng baboy na hindi kinatay sa ganitong paraan. |
|
![]() Miminsad, miminsad si Mansilatan, Opod si Badla nga magadayao nang dunia. Si Mansilatan ang pinunong dios at ama ni Badla na bumaba mula langit upang gawin ang daigdig at sanlibutan, at ipagtanggol ang mga ito mula sa mga pakana ng lalaking demonio, si Pudaugnon, at ang babaing demonio, si Malimbung na maganda at mapanukso. Ang mga baylan o babaylan ang mga pari na sumasamba kay Mansilatan. -- Emma Helen Blair & James A. Robertson, The Philippine Islands, 1493-1898 ) |
||
Mga Kakaibang Gawi. HUBAD-HUBAD ang mga tao, walang suot kundi bahag ng telang hawi sa puno ng niyog. Marami silang asawa hanggang ilan ang nais nila bagama’t laging may isang pangunahing asawang babae. Ang mga lalaki, bata at matanda, ay may kabit na ginto o tanso sa dulo ng pagka-lalaki nila, kasing taba ng pako (nail), nakatusok tagos sa kabila. Ang 2 dulo ng bakal ay may hugis na bituin o bilog na botones (buttons). Nakita ko ang mga ito, hiniling ko sa ilang lalaki, bata at ang iba ay matanda, na ipakita sa akin sapagkat hindi ako makapaniwala sa balita. Ang gitna ng bakal ay may butas para ihian, at |
dahil matigas ang bakal, laging ‘handa’ ang kanilang pagka-lalaki. Sabi nila sa akin, ito ang nais ng mga babae, at kung hindi nila ‘suot’ ang bakal, ayaw silang isiping ng mga babae. Kapag katabi na nila, kinukuha ng babae ang kanilang pagkalalaki kahit hindi pa matigas at ipinapasok unti-unti, umpisa sa mga bituin o butonis, sa kanilang pagkababae at duon na tumitigas ang mga lalaki.
At hindi nahuhugot hanggang hindi natatapos at lumalambot uli ang lalaki. Ginagawa ito ng mga tao dahil mahina ang katawan nila at hindi sapat ang kanilang pagkalalaki. Tuwing punta namin sa kabayanan, niyaya kami ng lahat ng tao, araw o gabi, upang kumain at uminom. Ang mga ulam nila ay medyo hilaw at |
sobra ang alat. Malakas sila kumain at uminom, tumatagal ng 5 - 6 oras ang salu-salo. Mas ibig kami ng mga babae kaysa sa mga lalaki duon.
Ang lahat ng mga babae, kapag lumagpas na ng 10 taon, ay unti-unting nagtatakip na ng kanilang pagkababae, dahil sa gawi ng mga lalaking magpakabit ng bakal sa katawan.
|
KAPAG namatay ang isang pinuno nila, mayroon din silang mga ceremonia. Una, lahat ng babae sa bahay ay pumasok sa silid (cuarto, room) ng patay na nasa luob ng kabaong. Nakatali paligid sa kabaong ang mga sanga ng punong-kahoy na may nakapatong na puting tela, parang talukbong (canopy). Ang mga pangunahing babae ay umupo sa ilalim ng mga sanga, lahat ay may suot na puting velo, at may tig-isang aliping babae na nagpaypay sa kanila ng dahon ng puno ng niyog. Ang ibang mga babae ay nakaupo paligid sa silid, iyak nang iyak. |
Tapos, pinutol-putol ng isang babae ang buhok ng patay, gamit ang isang maliit na patalim (knife). Ang pangunahing asawa naman ng patay ay humiga sa ibabaw ng kabaong, malapit ang bibig, mga kamay at mga paa sa bibig, kamay at paa ng bangkay, at umiyak nang umiyak habang pinuputol ng babae ang buhok. Pagkatapos gupitin ang buhok ng patay, umawit ang pangunahing asawa (malamang panaghoy tulad ng ‘pabasa’ pag mahal na araw na sa ibang tao ay parang awit). May mga palayok na porselana sa paligid ng silid, may sinding apoy at naglalaman ng myrrh, storax at |
benzoin at mabango ang buong bahay.
Ang ceremonia ay ginawa araw-araw sa lamay na tumagal nang 5 o 6 araw, at nilagyan ng camphor ang bangkay. Tapos inilibing nila ang patay sa kabaong, sa isang pook na liblib at natatakpan ng maraming punong-kahoy. Gabi-gabi sa kabayanan, tuwing nalapit ang hatinggabi, may dumarating na isang itim na ibon na kasinglaki ng uwak (crow) at agad hihiyaw. Pagkarinig dito, tumatahol ang lahat ng mga aso, at humihiyaw din sila nang 5 o 6 oras. At walang nakaalam kung bakit o ano ang kahulugan nito. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |