Taksil!

MATAPOS maghapunan, nagpasabi ang haring nabinyagan nang hari (si Humabon), inayunan namin, sa mga taga-Mattan (Mactan) na kung ibibigay nila sa amin ang mga bangkay ng capitan at ng iba pang napatay, bibigyan namin sila ng kalakal at ari-arian hanggang gusto nila. Sumagot ang mga ito na hindi nila isusuko, gaya ng inaaasahan namin, ang isang lalaking tulad niya, na hindi ipagpapalit kahit na sa pinaka-malaking kayamanan sa buong daigdig, at itatanghal nilang pa-alaala (memorial) hanggang katapusan ng daigdig (mondo, world).

Pagkapatay na pagkapatay sa capitan, Mactan pinasakay agad sa mga barko lahat ng ari-arian namin ng 4 kasama naming nagpaiwan (sa Cebu) upang makipag- kalakal. Tapos, nagpulong kami at pumili ng 2

Pigafetta Ferdinand Magellan   FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

pinuno. Una si Duarte Barbosa, Portuguese na bayaw ng capitan (kapatid ng asawa ni Magellan); isa pa si Joao Serrao, isang Español (katunayan, Portuguese din at kapatid ng kaibigan ni Magellan, si Francisco Serrao, na tumira sa Ternate, sa Maluku, mula nuong 1513 hanggang namatay nuong 1521).

Dahil nasugatan nang bahagya, tumigil na sa pagdaong at paggawa sa mga dating tungkulin ang aming tagapag-salita, si Enrique, at lagi na lamang nagtalukbong ng kumot. Sinigawan siya ni Duarte Barbosa, pinuno na ng barkong capitana (flagship, ang Trinidad), na kahit patay na ang capitan na panginuon niya, siya ay hindi pa malaya at, pagbalik sa España, mananatili siyang alipin ni Ginang Beatrix, ang viuda (widow) ng capitan. At binalaan niya si Enrique na itataboy siya kapag hindi siya bumaba ng barko at nag-trabajo.

Pagkarinig nito, agad tumayo ang alipin at walang sabi-sabi, nagpunta sa kabayanan at hinayag sa hari (si Humabon) na nagmamadali kaming umalis subalit, kung aayon siya sa payo, maaaring

makuha ang lahat ng aming mga barko at mga ari-arian. At nagsapakat sila.

Tapos, nagbalik sa barko ang alipin at naging maayos na ang kanyang mga kilos. Nuong Miercoles, Mayo 1, 1521 nagpasabi ang hari sa lahat ng aming pinuno na hinahanda niya ng mga handog at alahas na ipinangako niyang ibibigay sa hari ng España. Nakiusap siya na sumalo kaming lahat sa kanyang almusal nuong umagang iyon, at ibibigay niya ang kanyang mga handog.

Dumalo ang aming manghuhula (astrologer), si San Martin de Sevilla, at 24 pang kasamahan namin ang nagpunta. Hindi ako nakasama dahil namamaga ang aking sugat sa nuo, tinamaan ng palaso na may lason (poisoned arrow).

Bumalik si Joao Carvalho kasama si Gonzalo Gomez de Espinosa, ang pulis (constable), at ibinalitang nakita niyang pinapasok sa bahay ang babaing pari (babaylan) ng lalaking napagaling ng himala (ang kapatid ni Humabon). Dahil dito, naghinala sila na may masamang mangyayari at umalis na silang dalawa.

Pinatay ni Humabon Katatapos pa lamang nilang nagbalita nang narinig namin ang sigawan at hiyawan. Mabilis naming itinaas ang angkla (anchor) at pinagkakanyon namin ang mga bahay habang papalapit kami sa pampang.

Habang nagpapaputok kami, namataan namin si Joao Serrao, nakatali at duguan, at sumisigaw na itigil namin ang pagkanyon at mapapatay namin siya, o papatayin siya ng mga tao duon. Itinanong namin kung patay na lahat ang mga kasama niya. Patay na lahat maliban sa tagapagsalita, sagot ni Serrao, at nagmakaawa siyang tubusin namin siya ng aming mga ari-arian. Ngunit tumanggi ang kanyang kaibigan, si Joao Carvalho, at ayaw din ng iba naming kasama na magtungo sa dalampasigan sa takot na madaig sila.

Kaya umiiyak si Joao Serrao nang isigaw niyang papatayin siya pag-alis na pag-alis namin. At isinigaw niya na dalangin niya sa Dios na sa katapusan ng mondo (day of last judgment) hihingin niya ang kaluluwa ng kaibigan niyang si Joao Carvalho. Agad kaming tumakas nuon. At hindi ko alam kung buhay pa o patay na si Joao Serrao na iniwan namin.

Ang pulo na iyon ay may mga aso (perros, dogs), pusa (gatos, cats), palay (arroz, rice), dawa (mijo, millet), luya (jengibre, ginger), dalanghita (naranjitas, oranges), kalamansi (tilo, lime), tubong matamis (caña de azucar, sugarcane), niyog at buko (coconuts), iba’t ibang karne (carnes, meats), alak (uracas, wines) at ginto (oro, gold). Malaki ang pulo at mainam ang daungan, 2 ang pasukan, isa sa

silangan (east) at isa sa silangang hilaga (northeast). Ito ay nasa ika-10 guhit at 11 sandali pahilaga at sa ika-164 guhit pahaba mula sa Pinaghatian (demarcation line).

At ang pulong iyon ay tinawag na Zzubu (Cebu).

Bago pa napatay ang capitan, nabalitaan na namin ang mga pulo-pulo ng Maluku (Moluccas,

spice islands, na lalawigan ngayon ng Indonesia). Nagpapa-tugtog daw ang mga tagaruon ng mga violin na may mga pising tanso (copper strings).

( Malamang kudyapi ang violin na tinukoy, at sa Maluku ang tangkang tungo nina Pigafetta..Wala sa kanilang may alam kung saan ito, maliban sa kailangan silang magtungo sa bandang kanlurang timog o southwest.)

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata