Chippit. SINUNOG namin ang barkong Concepcion sa gitna ng dagat 11 leguas (mahigit 115 kilometro) mula sa pulo ng Zzubu (Cebu), sa ulo ng isang pulo na tinawag na Bohol, dahil napaka-unti ang mga tauhan (120 na lamang ang natira sa 270 kasama nang umalis sa España). Pinaghati-hati namin ang mga tauhan at gamit sa 2 nalalabing barko (ang Victoria at ang barko ng capitan o capitana (flagship), ang Trinidad). Tapos, naglayag kami patungong kanlurang timog (southwest). Bandang tanghali, matapos naming baybayin ang pulo ng Panilonghon ( Panglao ang tawag ngayon, sa kanlurang timog o southwest ng Bohol. Nakalagpas na sila sa lusutang Bohol o Bohol Strait), na mayruong mga tao na kasing itim ng mga taga-Ethiopia (ang mga tatawaging Negrito), dumating kami sa isang malaking pulo (hilagang gilid ng Mindanao). Bilang pahiwatig ng pagka-kaibigan, hiniwa ng hari duon ang kaliwang kamay at ipinahid ang dugo sa katawan, mukha at dila. At ginaya namin |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
upang ipahiwatig ang tapat na pakipag-kaibigan. Dumaong akong mag-isa at sumama sa hari upang mag-usisa sa pulo. Kapapasok pa lamang namin sa isang ilog, naghandog ang ilang mangingisda ng mga isda sa hari. Pagkatapos, hinubad ng hari ang kanyang bahag at, sabay sa kanyang mga kasama, ay nagsagwan saliw sa mga awit. May 2 leguas (12 kilometro) ang layo ng bahay mula sa bukana ng ilog na dinaungan ng mga barko namin. Matapos daanan ang ilang mga baranggay sa ilog, nakarating kami sa kanyang bahay 2 oras matapos bumaba ang araw.
Sinalubong kami ng maraming sulo, yari sa kawayan at dahon ng niyog. Habang hinahanda ang hapunan, nag-inuman ng tuba mula sa isang banga (jar) ang hari, ang 2 niyang pinuno at 2 maganda niyang
Napansin ko na kahawig sa hari ng Mazzaua (Limasawa) ang mga kilos nila. |
||
Dumating din ang hapunan na kanin at isdang nilaga sa napaka-alat na sabaw, nakahain sa mga mangkok na porselana (porcelain dishes). Kanin ang kinain nila tulad, at sa halip, ng tinapay. Ganito nila niluluto ang kanin. Una, tinakpan nila ng dahon ang loob ng palayok, tapos nilagyan nila ng bigas at tubig, at pinakulo nang may takip hanggang tumigas ito nang kasing-tigas ng tinapay. Tapos, sinandok nila pira-piraso. Pagkakain, nagpakuha ang hari ng higaan sa gabi - papag na yantok at banig na habi sa dahon ng niyog at unan ng mga dahon. At natulog ang hari sa isang tabi, kasiping ang 2 asawa niya. |
![]() |
|
Ang pinaka-malaking kalakal duon ay ginto. Ipinakita sa amin ang maliliit na libis (valleys) na may ginto raw na kasing dami ng buhok nila subalit wala raw silang gamit na bakal o tanso upang minahin ito. Saka ayaw daw nilang mag-abala nang ganoon. Ang bahaging iyon ay nasa isang pulo (Mindanao, na wala pang pangalan nuon), kasama ng Butuan at Calaghan (Caraga na Surigao ngayon), malapit sa Bohol, at nasa gilid ng Mazzaua (Limasawa). At sa mga darating na araw, nagbalik kami sa pulong iyon (Mindanao). Nuong hapon, nagpaalam na ako at sinamahan |
ako ng hari at ng kanyang mga pinuno. Sumakay kami sa bangka uli at nadaanan namin sa tabi ng ilog, sa isang gulod sa bandang kanan, may 3 lalaki na nakabitay sa isang puno na putol ang mga sanga-sanga. Tinanong ko ang hari kung sino sila, at sinabi niyang mga magnanakaw at mga tampalasan ang mga iyon.
Hubad-hubad ang mga tao gaya ng mga nakaharap na namin. Ang hari ay tinawag na Raia Calanoa (Ka Lan-Uwa). Mainam ang daungan. May mga palay, luya, mga baboy, manok, kambing at iba pa. Ang pulo ay nasa ika-8 guhit pahilaga at 166 guhit pahaba mula sa Pinaghatian, at may 50 leguas (320 kilometro) ang layo sa Zzubu (Cebu). At tinawag |
itong pulo na Chippit (Kipit o ‘masikip’ sa wikang Visaya ang napagkamalang pulo, Quipit ang sulat ngayon sa puok sa Mindanao, malapit sa Sindangan Bay sa hilaga (north) ng Zamboanga).
At 2 araw lamang mula rito ang isang malaking pulo na tinawag na Lozzon (Luzon) na pinupuntahan taon-taon ng 6 o 8 barko ng mga taong tinatawag na Lechii. ( Dito unang narinig ng mga taga-Europa ang Luzon. Ang mga Lechii ay baka mga tagapulo ng tinawag ng mga Español na Lequios, ang tinatawag ngayong Ryukyu islands na kinabibilangan ng Okinawa at bahagi na ng Japan. Ang nakipagkalakal taon-taon sa Luzon nuon ay ang mga taga-Fujian at Guangdong (dating Canton) sa timog baybayin (southern coast) ng China.) |
Palayo sa pulo, patungo sa pagitan ng kanluran (west) at kanlurang timog (southwest), dumating kami sa isang pulo na hindi gaanong malaki at kaunti lamang ang mga tao, mga Moro na ipinatapon mula sa isang pulo na tinawag na Burne (Brunei, sa Borneo). Hubad-hubad silang lahat, tulad sa ibang tagaruon. Dala nila sa tagiliran ang mga pana at palaso (bow and arrows) na may lason ng mga halaman. May mga sibat (lancias, spears) sila at mga panaksak (daggers) na may mga ginintuang |
hawakan na may nakabaong mamahaling bato. Tinawag nila kaming mga panginuon, mga banal na nilalang (holy bodies).
Kaunti ang pagkain sa pulo, maraming malalaking punong-kahoy. At ito ay nasa ika-7 ½ guhit pahilaga at 43 leguas (mahigit 275 kilometro) ang layo sa Chippit. At ang tawag dito ay Caghaian. ( Isa sa mga kapuluan (archipelago) na tinawag na Cagayan. Ang nasa ika-7 guhit pahilaga ay ang Cagayan de Tawi-Tawi, sa pagitan ng Palawan at Borneo. Sa ibang pahayag, ang tinuring ay ang Cagayan Islands, sa pagitan ng Palawan at Negros. |
![]() |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |