Pulaoan.

MGA 25 leguas (160 kilometro) mula duon, sa pagitan ng kanluran (west) at kanlurang hilaga (northwest), natuklas namin ang isang malaking pulo na may tanim na palay, luya, mga (bungang kahoy (frutas, fruits) at may mga baboy, kambing at manok.

May isang uri ng saging (fig) na isang bisig ang haba, at mataba at malinamnam, ang iba naman na mas maliit ay higit na masarap sa lahat. Mayroon ding mga niyog at buko, camote, tubong matamis (caña de azucar, sugarcane) at mga ugat (gabi) na hawig sa turnip.

Ang kanin na niluto sa kawayan o kahoy ay mas tumatagal bago mapanis kaysa kanin na luto sa palayok. Maari naming tawagin ang pulong

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

iyon na Lupa Ng Pangako (Land of Promise) dahil, bago namin natagpuan ito, naghirap kami sa gutom, madalas muntik na kaming umalis sa barko at maglagi na lamang sa lupa nang hindi na mamatay sa gutom.

Nakipag-payapa sa amin ang ‘hari’ ng pulo, hiniwa nang maliit ang kanyang dibdib ng isa naming patalim (cuchillo, knife), ipinahid ang dugo sa kanyang dila at nuo bilang pahiwatig ng tunay na payapa (true peace). Ganuon din ang ginawa namin.

Ang pulo na iyon ay nasa ika-9 1/3 guhit pahilaga (sa timog ng Puerto Princesa) at ika-160 guhit pahaba mula sa pinaghatian (demarcation line).

At ang pangalan nito ay Pulaoan (Palawan).

( Unang nagmula ang pangalan sa bangkang pandagat, tinawag na paraw o palaw. Hindi naulat sa anong dahilan, Paragua ang itinawag sa pulo ng mga Español na dumating sunod kina Pigafetta. Hawig sa bayan ng Paragua sa South America, ito ang ginamit na pangalan hanggang katapusan ng panahon ng Español.)

Palawan Ang mga taga-Pulaoan ay laging hubad gaya ng mga ibang tagarito, at halos lahat sila ay lagi nang nagta-trabajo sa kanilang mga bukid. Sandata nila ay mga pana at palasong may tusok na kasing haba ng palad, ang iba ay may mahaba at matulis na buto ng isda na may bahid na lason galing sa mga halaman, and iba ay pinatulis na kawayan na may lason din. Sa kabilang dulo ng mga palaso, naglalagay sila ng manipis na kahoy sa halip ng balahibo ng manok. Sa dulo ng kanilang mga pana at mga sumpak (blowpipes), nagtatali sila ng bilog na bakal o tulis ng sibat at ito ang ginagamit nilang panglaban kapag naubos na ang kanilang mga palaso(arrows). Mahilig sila sa tanso (copper), mga singsing, tanikala (cadenas, chains), mga kuliling (campanella, bells), at patalim (cuchillos, knives) pati mga tansong alambre (copper wire) na ginagamit nilang pantali ng bingwit sa isda (fishhooks).

May mga alaga silang malalaking tandang na manok (gallos, roosters), hindi nila kinakain dahil sa kung anong pagsamba nila. Minsan-minsan, pinag-aaway nila ang mga tandang (tinatawag ngayong sabong, cockfight), at nagpupustahan sila-sila; kung sino ang manalo, kanya ang mga taya (apuestas, bets) at ang tandang na natalo. Gumagawa sila ng alak mula sa kanin (rice wine, sake), na mas malasa at mas matapang kaysa alak ng niyog (uraca, tuba).

( Patuloy ang hanap sa Maluku (Moluccas, spice islands), binagtas nina Pigafetta ang baybayin ng Palawan, una papuntang silangang hilaga, tapos bumalik patimog kanluran. Panay ang dalaw (visita) sa mga baranggay na naraanan, hanggang lumagpas na sila sa dulong timog ng pulo nuong Junio 21, 1521, may kasamang 3 Muslim bilang mga gabay (guides). Dumaan sila sa lusutang Balabac (Balabac Strait, sa pagitan ng mga pulo ng Balabac at Banggi, at nagpunta sa kanlurang tumog sa baybayin ng Brunei, sa hilaga ng Borneo.)

Mga katagang Visaya
na tinipon ni Pigafetta

Lac (man) lalaki. Perampuan (woman) babae. Babai (wife) ginang. Benibeni (youth) binibini. Boho (hair) buhok. Guay (face) mukha. Pilac (eyelids) pilikmata. Chilei (eyebrows) kilay. Matta (eyes) mata. Ilon (nose) ilong. Apin (jaws) panga. Nepin (teeth) ipin. Olol (lips) labi. Baba (mouth) bibig. Silan (chin) baba. Leghex (gums) gilagid. Dilla (tongue) dila. Delenghan (ears) tenga. Ligh (throat) lalamunan. Tanghig (neck) leeg. Bonghot (beard) balbas. Bagha (shoulders) balikat.

Lieud (spine) likod. Dughan (breast) dibdib. Tiam (body) katawan. Illoc (armpits) kilikili. Bochen (arm) bisig. Sico (elbow) siko. Molanghai (thumb) hinlalaki. Camat (hand) kamay. Palan (palm) palad. Tudlo (finger) daliri. Coco (fingernail) kuko. Pussud (navel) pusod. Utin (penis) uten. Boto (genitals) betlog. Billat (female genitals) kiki. Iiam (sex act) kantot. Samput (buttocks) puwit. Paha (thigh) hita. Tuhud (knee) tuhod. Bassabassag (leg) paa. Bitis (leg calf) binti. Lapalapa (foot sole) talampakan. Bolaon (gold) ginto. Pilla (silver) pilak. Concach (brass) tanso. Butau (iron) bakal. Tubu (sugarcane) tubo.

Bughas, baras (rice) bigas. Deghes (honey) pulot-pukyutan Talo (wax) pagkit Acin (salt) asin. Tuba, Nio, Nipa (wine) tuba. Babui (pig) baboy. Candia (goat) kambing. Monot (chicken) manok. Humas (millet) dawa. Malissa (pepper) paminta. Chiande (cloves, clovas). Mana (canela, cinnamon) kayumanis. Luia (ginger) luya. Itlog (egg) itlog. Zzucha (vinegar) suka. Tubin (water) tubig. Claio (fire) apoy. Assu (smoke) usok. Tigban (to blow) hipan. Minuncubil (to drink) uminom. Macan (to eat) kumain.

Timban (balance) timbang. Tahil (weight) bigat. Muttiara (pearl) perlas. Tipai (mother-of-pearl) nakar. Alupalan (St. Job’s disease) galis. Palatin comorica (bring me) akin na. Maiu (good) mabuti. Tida le (no) hindi. Cepol sudan (knife) kampit. Catle (scissors) gunting. Chuntinch (to shave) ahitin. Pixab (well-adorned) magara. Balandan (cloth) tela. Abaca (garment) damit. Colon colon (bell) kulingling, kalembang. Tacle (prayer) dasal. Missamis, Cutlei (comb) suklay. Monssugud (to comb) magsuklay. Sabun (shirt) kamiseta. Daghu (needle) karayom. Mamis (to sew) manahi. Moboluc (porcelain) mangkok, porselana. Ido, Aiam (dog) aso. Epos (cat) pusa. Ghapas (veil) belo. Balus (glass beads). Marica (come here) halika.

Balai, Ilagha (house) bahay. Tatamue (wood) kahoy. Taghica (sleeping mat) banig. Bani (palm mat) banig. Ulana (cushion) unan. Dulan (wood plate) pinggan. Abba (god) bathala. Adlo (sun) araw. Songhot (moon) buwan. Bolan, Bintun (star) tala, bituin. Mene (dawn) bukang-liwayway. Utma (morning) umaga. Taghai (evening) gabi. Bassal (large) malaki. Bossugh (bow) pana. Oghon (arrow) palaso. Calassan (shield) kalasag. Baluti (armor) kutamaya. Calix, Baladao (espada, sword) kampilan, kris, balaraw. Bancau (spear) sibat.

Tau (river) ilog. Pucat, Laia (fish net) lambat. Sampan (boat) bangka. Cauaghan (large cane) kawayan, bombong. Boinbon (small cane) buho. Ballaghai (large boat) baranggay. Boloto (small boat) bangka. Benaoa (ship) barko. Icam, Issida (fish) isda. B>Ponapsapan (one-color fish). Timuan (red fish) dalagang-bukid. Pilax (a type of fish). Siamasiama (all together) sama-sama. Bonssul (slave) alipin. Raia (king) hari. Bole (gallows) bitayan.

Uzza (one) isa. Dua (two) dalawa. Tolo (three) tatlo. Upat (four) apat. Lima (five) lima. Onom (six) anim. Pitto (seven) pito. Gualu (eight) walo. Ciam (nine) siyam. Polo (ten) sampu.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata