Ang Unang Español
ni Antonio Pigafetta |
sisidlan ng nga-nga, bunga at apog (betelnut, areca), mga bunga na lagi nilang nginu-nguya kasama ng jasmine at mga bulaklak na kulay dalanghita (naranjita, orange). Ang palayok ay balot ng dilaw na sutla (seda, silk). Binigyan din kami ng 2 tiklis ng manok, 2 kambing, at 3 palayok ng inuming tinawag nilang arrach (alak ang tawag ngayon, mula sa ‘araq’ ng mga Arabe bago ipinag-bawal sa mga Muslim ang ‘uminom’) at ilang bigkis ng tubong matamis (caña de azucar, sugarcane). Binigyan din nila ng mga ganito ang kabilang barko. Tapos, niyakap kami at umalis na. Ang arrach ay kasing linaw ng tubig subalit napaka-tapang kaya nalasing ang ibang kasama namin. |
Burne, Julio 9, 1521. 10 LEGUAS (64 kilometro) sa kanlurang timog (southwest), may narating kaming isa pang pulo na, nang baybayin namin, naramdaman kong parang umaakyat kami. Masama ang panahon nang pumasok kami sa daungan, may 50 leguas (320 kilometro) mula sa umpisa ng pulo, at nagpakita sa amin ang mahal na katauhan (‘holy body’, kislap-kislap ng kidlat). Kinabukasan, Julio 9, 1521, nagpadala ang hari ng pulo ng isang maharlikang parao (malaking bangkang pandagat) na hawig sa foist (maliit at mabilis na galeria, o galley, bangkang pandagat sa Europa). May ginto ang magkabilang dulo ng bangka, at sa harapan ay may bughaw at puting watawat, at mayruon pang mga balahibo ng peacock (makulay na ibon) sa tuktok. May sakay na mga lalaking nagbabayo ng tambol (tambors, drums). Kasama ang 2 almaide (canoe, bangka ng mga ‘indio’ sa America; ang karaniwang bangka sa Pilipinas), na karaniwang gamit sa pangingisda. Walong matandang lalaki, kasama ang hari, ang umakyat at naupo sa isang banig sa likuran ng aming barko. Inalok kami ng isang palayok na kahoy, |
|
PAGKARAAN ng 6 araw, nagpadala uli ang hari ng 3 bangka na, sakay uli ang mga nagtatambol, ay pumaligid sa 2 naming barko at sinaluduhan kami ng kanilang mga putong (telang nakabalot o nakapatong sa ulo). Sumagot kami ng putok ng cañon na walang bala.
Tapos, hinandugan kami ng sari-saring ulam (viands) at pagkaing gawa sa bigas, balot ang iba ng dahon at mahaba (suman), ang iba ay matatamis na kanin (kalamay) at ang iba ay luto parang torta (puto) na may halong itlog at pulot-pukyutan (honey). Sinabi sa amin, payag ang hari na mag-imbak kami ng tubig at kahoy hanggang gusto namin. Nang narinig namin ito, 7 kaming pumunta sa kanilang bangka upang maghandog sa hari ng isang pelus (terciopelo, velvet) na balabal sa katawan (bata, robe), makapal at kulay lunti (verde, green), isang upuan (silla, chair) na balot ng makapal na pelus na kulay lila (terciopelo violeta, violet velvet), 5 cubit (2½ metro) ng pulang tela, pulang cap (maliit na taklob sa ulo), isang basong may takip (covered drinking glass), 3 quires (balot ng 25 piraso) ng papel, at isang |
![]() Para sa regina, nagbigay kami ng 3 cubit (bandang 1½ metro) ng telang dilaw, isang pares de zapatos na kulay pilak (silver), at isang sisidlan ng mga karayom na gawa sa pilak (silver needle case). Para sa governador, ibinigay namin ang 3 cubit ng pulang tela, isang cap at ginintuang tasa. Sa tagahayag (herald) na sumundo sa amin sa barko, ibinigay namin ang isang lunti at pulang bata (green and red robe), isang cap, at isang quire (25 piraso) ng papel. At sa 7 iba pang pinuno, tig-isang piraso ng tela, mga cap sa iba, at tig-isang quire ng papel. Tapos, naglayag na kaming lahat. |
NANG dumating kami sa kabayanan, 2 oras kami sa barko hanggang dumating ng 2 elepante na may balabal na sutla (seda, silk), at 12 lalaki may dala ang bawat isa ng palayok na taklob ng sutla rin,
mga handog sa amin. Sumakay kami sa mga elepante at naglakad sa harapan ang 12 lalaki na bitbit ang mga palayok at mga handog, papunta sa bahay ng governador. Duon, pinakain muna kami ng sari-saring ulam (viands) at kinagabihan, pinatulog kami sa mga kutson (colchones, mattresses) ng bulak (cotton) na balot (funda) ng tapeta (taffeta).
Kinabukasan, nanatili kami sa bahay hanggang tanghali, tapos nagpunta kami sa palacio ng hari, sakay sa mga elepante. Sa harapan naglakad ang mga lalaking nagdadala ng mga palayok at handog gaya nuong nakaraang araw. Sa utos ng hari, ang bawat lansangan ay puno ng mga tao, nakasandata ng mga kampilan |
(espada), sibat at pana. Pumasok kami sa bakuran ng hari at, kasabay ang governador at iba pang mga pinuno, umakyat kami sa bahay at pumasok sa isang malaking silid (cuarto). Kalahati ng silid ay puno ng mga panginoon at iba pang mga pinuno. Naupo kami sa isang alfombra (carpet) sa tabi ng mga handog at mga palayok.
Sa dulo ng cuarto, may isa pang silid, mas mataas subalit hindi kasing laki, at may sabit na mga sutlang cortina (silk curtains). May 2 ventana (windows) na may pulang cortina at duon pumapasok ang liwanag ng araw. Nakatayo ang 300 hubad na mga lalaki, pulos may mga kampilan at mga sibat, at nagbabantay sa hari. Lagpas sa kanila, may isa pang silid na may ventana na takip ng pulang cortina at paghawi nito, nakita namin ang hari (si Sultan Bulkeiah), kasama ang anak na lalaki, nakaupo sa isang hapag (mesa, table) at nagnga-nga-nga. Sa likod nila, pulos mga babae. |
![]() Lahat ng mga lalaki sa palacio ay naka-bahag ng gintong sutla, may suot na sinsing sa mga daliri at may dalang mga patalim na ginintuan ang mga hawakan na may palamuting perlas at mamahaling bato. Sumakay uli kami sa mga elepante at bumalik sa bahay ng governador, sunod sa 7 lalaking nagbitbit ng mga handog sa amin. Sa bahay, binigyan kami isa-isa ng handog (gifts) na ipinatong sa kaliwang balikat namin. Nagbigay naman kami ng tig-2 lansita (cuchillos, knives). |
|
Habang nanduon kami, dumating ang 9 lalaki, may dalang maraming malalaking kahoy na hainan (trays), at sa bawat isa ay may 10 - 12 mangkok (bowls) na porselana (porcelain), puno ng sari-saring ulam na carne ng vaca, baboy, manok, isda at iba pa. At kumain kami ng 32 uri ng carne, mga isda at iba pa, sa banig na inilatag sa lupa. Sa bawat subo, uminom kami ng arrach sa mga taza na porselana (porcelain cups) na kasing laki lamang ng itlog. Kumain kami ng kanin at iba pang matamis, gamit ang mga gintong kutsara (cuchara, spoons) gaya sa España.
Sa tinulugan namin nuong 2 gabi, may sinding 2 kandila (candelas, candles) ng puting pagkit (wax) na suksok sa 2 matangkad na candelabra na gawa sa pilak (silver candlesticks), at 2 malaking ilawan (lamps) na puno ng langis at may 4 mitsa (mechas, wicks) ang bawat isa, at laging binabantayan ng 2 lalaki. Pagkatapos, sumakay uli kami sa mga elepante at bumalik sa mga bangka (boats) na iniwan namin sa dalampasigan, at bumalik kami sa mga barko. |
Ang lungsod na iyon ay nakatuntong sa tubig ng dagat, maliban sa bahay ng hari at ng mga pinuno. At mayruon duong 25,000 bahay, gawa lahat sa kahoy at nakatindig sa malalaking tukod (poste, poles) na kahoy. Kapag mataas ang dagat (high tide), namamangka ang mga babae upang mamili ng pagkain sa dalampasigan. Sa harap ng bahay ng hari, may makapal na pader na bato, may mga torres (towers) at nakapaligid ang 56 cañon na tanso (brass cannon) at 6 cañon na bakal (iron cannon). Nuong nanduon kami, pinaputok nila ang karamihan ng mga cañon. Ang hari ay Moro at ang pangalan niya ay Raia Siripada, mataba at 40 taon gulang siya. Walang nakapag-uutos sa kanya kundi ang mga asawa at anak na babae ng mga pinuno ng kabayanan. Hindi siya umaalis ng bahay kundi mangangahoy (hunting) sa gubat. At walang kumakausap sa kanya kundi sa tubo na nakatagos sa dingding. May 2 siyang tagasulat (scribes), tinawag na mga Xiritole. Sinusulat nila ang lahat ng utos ng hari sa maninipis na talukap o balat ng punong-kahoy (tree bark). |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |