Bakbakan!

LUNES ng umaga, Julio 29, 1521, natanaw kaming papalapit ang 3 pangkat ng mga mandirigma, sakay sa mahigit 100 parao, mga bangkang pandagat, may kasama pang mahigit 100 tunghuli, mga karaniwang bangka, at maraming junces), ang mga dambuhalang barkong pandagat nila (dyong o jong, unang ginawa sa Java, binigkas na yunk ng Español at junk ng Amercano).

Sa pangamba naming mandarambong ang mga ito, mabilis kaming nag-alsa ng ankla at naglayag, sindak na baka kami mapaligiran ng mga junces na kahapon Bakbakan lamang ay dumaong sa aming likuran. Sa kalagitnaan ng habulan, bigla kaming humarap at, balik-salakay, nilusob namin sila - 4 bangka ang nilupig namin. Marami sa mga mandirigma ang napatay namin.

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Mayruon pang 3 o 4 na junces na nasadlak sa batuhan dahil sa pagmamadaling makatakas. Sa isang junc na nadagit namin, napipilan ang sakay na anak ng hari ng Luzon. Siya ang capitan general, ang pinuno ng mga mandirigma at ng pangkat-dagat (fleet, armada) ng daan-daang bangka na sinagupa namin. Silang lahat ay nagsisilbi sa hari ng Borneo, at kagagaling lamang nila sa pagpuksa sa malaking pulo ng Laoe (sa silangang timog ng Borneo, Laut ang tawag ngayon), pinagpapatay at inalipin ang mga tagapulo dahil kumampi sila sa hari ng Java sa halip ng sa hari ng Borneo.

Hindi namin namalayan, pinakawalan siya ni Joao Carvalho, ang aming piloto, at nakatakas siya sa kanyang junc. Matagal bago namin nalaman na sinuhulan niya ng ginto si Carvalho. Sayang! Malaki sana ang nakamkam namin mula sa hari ng Borneo pagtubos sa kanya dahil bantog siyang mandirigma sa mga pulo duon. Lalo sanang malaki ang ibabayad ng mga taga-Laoe at mga karatig na pulo dahil muhi sila sa mandirigma at sa lahat ng mga taga-Borneo.

( Hindi sinulat ni Pigafetta ang pangalan ng nabihag nilang ‘anak ng hari ng Luzon’ na pinuno ng pangkat dagat. Inaangkin ngayon ng ilang manalaysay na Muslim na siya si Rajah Matanda sa Manila nuong 1571 nang sakupin ni Miguel Lopez de Legazpi. Maraming taga-Borneo na lumipat sa Luzon, subalit mahirap paniwalaan ang panukala dahil walang ibang ulat na nagpatibay, at 50 taon ang pagitan ng 2 pangyayari. Hindi kagulat-gulat ang biglang bakbakan sa dagat. Nuong panahong iyon, ang mga naglalakbay sa dagat ay karaniwang dumadagit sa iba kung kaya nila, at mapayapang nakikipag-kalakal lamang kung malakas at mahirap talunin. --ejl )

Laut Alipin.

NANG nalaman ng hari ng Borneo na nilupig namin ang kanyang sandatahang dagat, nagpasabi siya sa isa sa aming mga kasamahang pumalaot at dumaong sa dalampasigan duon, na hindi kami ang sadyang didigmain ng mga tauhan niya kundi ang mga taga-Laoe. Bilang katibayan, ipinakita ang ilang pugot na ulo ng mga tagapulo, sinabing mga taga-Laoe daw. Hiniling namin sa kanya na pumayag siyang dalawin siya ng 2 sugo namin na paparuon upang magkalakal, kasama ang anak ni Joao Carvalho na isinilang sa lupain ng Verzin (Brazil). Tumanggi ng hari. Ang dahilan niya ay si Carvalho na rin, ang nagpalaya sa kanyang punong mandirigma, at maniwaring hindi mapapagkatiwalaan.

Dahil dito, ipiniit namin ang 16 pinaka-tanyag sa mga mandirigmang napipilan sa bakbakan, pati 3 babae na nabihag rin, upang ibalik sa España at ihandog sa regina ng España. Subalit inangkin sila ni Joao Carvalho.

Sa pulo ng Laoe, may isa pang higit na malaking nayon ng mga katutubo, na ang mga bahay ay nakatayo sa dalampasigan, sa ibabaw ng mga haligi na nakatirik sa tubig-dagat. Duon, halos araw-araw ang digmaan ng mga mandirigma. Ang hari duon ay maka-pangyarihan din gaya ng hari ng Borneo subalit hindi kasing yabang kaya maaari siyang maakit na maging catholico.

Ang Mga Taga-Borneo.

GANITO nila ginawa ang junc, ang dambuhalang barkong pandagat. Mahigit 20 metro ang tayog nito sa ibabaw ng dagat, at binuo sa malalapad na tabla na pinagdikit-dikit ng mga kahoy na pako, at binalot lahat ng kawayan.

Sa magkabilang tagiliran nakakabit ang mga katig na gawa sa makakapal na kawayan. Kawayan din Dyong

ang tukod ng layag, na gawa naman sa balat (tree bark) ng mga punong-kahoy. Mahusay ang junc at kaya nitong mag-carga ng kasing dami ng barko ng Español.

Ang porselana (porcelain) ay puting-puting tisa (clay) na inililibing sa lupa nang 50 taon bago gawing mangkok o lalagyan. Kung hindi, hindi nagiging fino. Kaya ang ama ang naglilibing nito para sa kanyang anak. At kapag nalagyan ng lason o kamandag ang ginawang porcelana, ito ay nababasag agad.

Ang salapi ng mga Moro dito ay gawa sa bakal, ang tawag nila ay picis (pikis), at may butas sa gitna upang naitatali. At nakatatak sa isang mukha lamang ang apat na sagisag, ang mga titik ng dakilang hari ng China.

Para sa isang cathil (lumang timbang, kulang sa isang kilo) ng mercury (quicksilver o tinggang buhay), binigyan kami ng 6 porselanang

malukong. Para sa isang cathil ng bakal, isang porselanang banga (jar), gaya ng palit sa 3 cuchillos. Para saisang quire (balot ng 25 pilas) ng papel, 100 picis. Para sa 600 cathil (480 kilo) ng bakal, binigyan nila kami ng isang barilis (barill) ng pagkit (wax), timbang ay 203 cathil (162 kilo). Para sa 400 cathil (320 kilo) ng bakal, isang maliit na barilis ng asin. Para sa 40 cathil (32 kilo) ng bakal, isang maliit na barilis ng alquitran (pitch) - mahal dahil bihira ang alquitran duon. May 20 tahili sa isang cathil.

Minamahalaga nila ang tinggang buhay (mercury), salamin, tela at iba pang dala-dala namin, ngunit higit sa lahat, ang bakal at salamin sa mata. Hubad-hubad ang mga taga-Borneo, gaya ng ibang mga taga-kalapit.

Iniinom nila ang tinggang buhay. Ang maysakit, upang mag-purga sa sarili, ang walang sakit, upang manatiling malusog ang katawan.

ANG hari ng Borneo ay may 2 perlas na kasing laki ng 2 itlog, at bilog na bilog, gumugulong kapag iniwan sa ibabaw ng hapag. Nakita ko ito. Nang dalhan namin siya ng mga alay, sinenyas sa kanya ng kasama na dapat ipakita niya sa amin ang mga perlas. Pinahiwatig naman niyang kinabukasan niya ipakikita. At gayon nga ang ginawa.

Sumasamba ang mga Moro kay Mahomet, at ang kanilang batas ay huwag kumain ng baboy, at dahil panghugas ng puwit ang kaliwang kamay, huwag kumain o humiwa ng pagkain nang gamit ang kaliwang kamay.

Bawal din umihi nang nakaupo, o kumatay ng manok o kambing nang hindi nagdadasal muna sa araw (sol, sun). Bawal putulin ang dulo ng pakpak ng manok, o hatiin sa gitna ang manok. Bawal maghilamos nang kaliwang kamay, o gamitin ang mga daliring pagsipilyo ng ipin.

Bawal kumain ng carne ng hayop na hindi nila nakitang kinatay. Nagpapatuli sila gaya ng mga Judio (Jews).

Mayroon silang tinatawag na capor (camphor) na panghimas (balsam) daw, tumutubo na maliit na butil-butil sa ilalim ng balat ng punong-kahoy.

Nandito rin ang luya (ginger), kalamansi, milon, tubo ng azucar, cebollas, naranjita (dalanghita), kayumanis (canela, cinnamon), vaca, buffalo (kalabaw), baboy, kambing, manok, gansa, usa (deer), mga cavallos (mga kabayo, horses), elepante at marami pang iba.

Napakalaki nitong pulo, 3 buwan bago maikot nang husto sakay sa mabilis na parao. Ito ay nasa ika-5¾ guhit pahilaga, at sa ika-176.6 guhit mula sa Pinaghatian (demarcation line).

At ang tawag dito ay Burne (Brunei, sa Borneo).

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata