Saranghani. TINAMAAN kami ng bagyo isang Sabado ng gabi, Octobre 26, 1521, habang binabagtas namin ang pulo ng Birahanbatluch. Dasal nang dasal sa Dios, ibinaba namin ang lahat ng layag, at biglang lumitaw ang 3 santo namin at hinawi ang kadiliman, sina San Elmo, San Nicholas at Santa Clara. Nanatili nang mahigit 2 oras si San Elmo, nagliwanag na parang sulo sa tuktok ng barko. Si San Nicholas ang nasa tuktok sa bandang hulihan. Si Santa Clara ang nasa bandang harapan.
Nuon kami sumumpa na bibigyan namin ng isang alipin ang bawat isa sa kanila, at magbibigay kami ng limos para sa kanila. Patungo kami sa silangang timog (southeast), nang nakita kami ang 4 pulo - Birahanbatluch, Ciboque, Toluch, Saranghani at Candinghar. |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
![]() Hindi binyagan ang mga tao, at hubad-hubad gaya ng ibang mga tagaruon. Ang kabayanan ay nasa ika-5 guhit at 9 sandali pahilaga, at bandang 50 leguas (320 kilometro) ang layo mula sa Cavit (sa tabi ng Zamboanga, Mindanao) Habang nanduon kami, dinukot namin nang sapilitan ang 2 piloto upang usisain tungkol sa Molucca. At naglayag kami sa pagitan ng timog at kanlurang timog (south by southwest), nadaanan namin ang 8 pulo-pulo, nakahilera nang kasing tuwid ng lansangan, ang iba ay walang tao, |
at ang mga pangalan nito ay Cheava, Caviao (Kawio), Camanuzza, Cabaluzzar (Kawalusu), Cheai, Lipan (Lipang) at Nuzza.
Sa wakas, narating namin ang pinakadulong pulo, at napaka-ganda nito. Nagkataon naman na salungat ang ihip ng hangin at hindi kami nakapasok sa pulo kahit nagpabalik-balik kami sa paligid nito. Nagsamantala ang isa sa mga lalaking dinukot namin sa Saranghani, ang kapatid ng hari ng Maingdanao, at tumakas isang gabi, lumangoy papunta sa pulo kasama ang kanyang batang anak na lalaki. Subalit nalunod ang anak dahil hindi nakakapit maigi sa balikat ng kanyang ama. Dahil hindi kami nakalapit sa pulo, tumuloy kami at dinaanan ang isang pulo na napapaligiran ng maraming ibang pulo. Ito ay hawak ng 4 hari, sina Raia Matandatu, Raia Lalagha, Raia Bapti at Raia Parabu. At sila ay hindi binyagan. Nasa ika-3½ guhit pahilaga at 27 leguas (mahigit sa 172 kilometro) ang layo sa Saranghani ng pulo at ang tawag ay Sanghir. |
|
![]() ![]() Ang Sanghir ay tinatawag ngayong Sangihe, pinaka-malaking pulo sa kapuluan (archipelago) na tinawag ding Kawio dati, nakahilera patimog (southward) mula sa Mindanao hanggang Sulawesi, ang dating tinawag na Celebes, na isa nang lalawigan sa Indonesia. Nakalabas na ng Pilipinas sina Pigafetta.) ![]() PATULOY kaming naglayag at nadaanan namin ang mga pulo ng Cheama (Kima ang tawag ngayon), Crachita (Karakitang, ngayon ay Karakelang), Para, at Zzangalura (Sanggeluhang ang tawag ngayon). Ang pulo ng Ciau (Siau) ay 10 leguas (64 kilometro) ang layo sa Sanghir at mayruon duong mataas at medio makitid na bundok, at ang hari duon ay si Raia Ponto. Ang pulo naman ng Paghinzara (Tagulandang ang tawag ngayon) ay 8 leguas (51 kilometro) mula sa Ciau (Siau) na may 3 bundok at ang hari ay si Raia Babintau. Ang lahat ng tao duon ay hindi binyagan (heathen). Sa silangan ng Cheama (Kima), may pulo na tinawag na Talaut (Karakelong na ngayon; ang mga pulo sa paligid ang tinatawag nang Talaud ngayon). Sa silangan ng Paghinzara (Tagulandang), 12 leguas (77 kilometro) ang layo, may 2 pulo na medio maliit, may mga tao at tinawag na Zzoar (Tifor) at Meau (Maju sa Molucca Passage, 129 kilometro sa silangang timog ng Tagulandang). Paglagpas namin sa 2 pulong ito, nuong Miercoles, Noviembre 6, 1521, natanaw namin ang 4 mataas na pulo sa silangan (oriente, east), 14 leguas (90 kilometro) ang layo. Sabi ng pilotong kasama namin, ang 4 pulo ay Moluccas (Maluku). Nagpasalamat kami sa Dios at sa tuwa namin, pinaputok namin lahat ng cañon. Hindi kataka-taka na galak na galak kami, sa hirap at panganib na dinanas namin sa 2 taon paghahanap sa Moluccas. At sa lahat ng mga pulo duon, pati na sa Moluccas, ang pinaka-mababaw na dagat na nakita namin ay 100 at 200 fathom (183 - 366 metro) ang lalim, salungat sa sabi sa amin ng mga Portuguese na hindi raw maaaring maglayag duon dahil maraming batuhan at madilim ang langit. Sila ay nanlinlang. |
||
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |