Tadore. NAG-AASAWA ang hari ng kasing dami ng nais nila, ngunit mayroon silang pangunahing asawa, na sinusunod ng lahat ng ibang asawa. Ang hari ng Tadore (Tidor) ay may isang malaking bahay (harem) sa labas ng lungsod (city), at duon nakatira ang 200 asawa niya, at ang mga babae na nagsisilbi sa kanila. Mag-isa kung kumakain ang hari, o ang pangunahing asawa lamang ang kasalo, sa mataas na dungawan (gallery), kung saan niya nakikita lahat (ng asawa) na nakaupo sa nakapaligid na mga hapag (tables), at pinipili kung sino ang isisiping niya nuong gabing iyon. Kapag natapos kumain ang hari saka lamang kumakain ang mga asawa, kung iutos ng hari. Kung hindi, bumabalik sa sari-sariling silid ang mga asawa at duon kumakain nag-iisa. Walang nakakatingin sa mga asawa nang walang pahintulot ng hari. Pinapatay sinumang nakitang lumiligid sa malapit sa bahay ng hari, araw o gabi. Lahat ng familia sa pulo ay kailangang magbigay ng isa o 2 anak na babae upang |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
maging asawa ng hari, kaya may 26 anak ang hari, 8 lalaki at pulos babae na ang iba.
May isang malaking pulo sa malapit, tinawag na Giailolo (Gilolo, tinatawag ngayong Halmahera) na pinamamahayan ng mga Moro at ng mga pagano (heathen). May 2 hari ang mga Moro.
|
Sabi ng hari (si Sultan Manzor), may 600 anak ang isang hari, at 525 ang anak ng pang-2. Sa pulo ng Tadore (Tidore) ay may isang obispo (bishop), 45 taon ang tanda nuon, at mayruon siyang 40 asawa at maraming mga anak.
Hindi kasing dami mag-asawa ang mga pagano, at hindi rin sila mapagpaniwala (superstitious) ng mga Moro, subalit tuwing lalabas ng bahay sa umaga, sinasamba nila ang unang bagay na mamasdan nila nuong araw na iyon, anuman ito. Ang hari ng mga pagano, tinawag na Raia Papua, ay mayaman sa ginto, at sa luoban ng pulo nakatira. Tumutubo sa mga batuhan sa Giailolo ang mga kawayan (reeds), kasing taba ng hita at puno ng masarap na tubig. Bumili kami ng marami. |
|
MATATAGPUAN sa lahat ng mga pulo sa Moluccas ang luya (ginger), sago na kanilang tinapay (bread) gawa mula sa isang uri ng punong-kahoy (tree), bigas, mga kambing (chivos, goats), gansa (geese), manok (gatos, chicken) at bibi (patos, ducks), mga niyog at buko (coconuts), mga saging (bananas), almond na mas malaki kaysa sa atin, mga dalanghita (naranjitas, oranges), kalamansi (lemons, limes), pulot-pukyutan (miel, honey) mula sa mga sanga ng punong kahoy na iniipon ng mga bubuyog (abejas, bees) na kasing liit ng langgam (hormiga, ant), mga tubong matamis (azucar, sugarcane), langis ng niyog at ng beneseed, mga melon, masarap na bungang kahoy (frutas, fruit) na kasing laki ng patola (gourd) at tinawag na comulicai (mangga, mango), isa pang frutas na hawig sa peach, tinawag na guaue (bayabas, guava), at marami pang pagkain. |
Nanduon din ang iba’t ibang uri ng loro (parrots), tinawag na catara ang mga puti, at nori ang ibang pulang-pula. May isang uri ng pulang loro na mahal, isang bahar (204 kilo) ng kiandi (clovas, cloves) ang katumbas, at mas magaling magsalita kaysa lahat ng loro. May 50 taon na ang mga Moro (Muslims) sa Molucca. Bago-bago, ang mga pagano (heathen) lamang ang nakatira duon, at hindi pinapansin ang halaga ng clovas. May mga pagano pang nalalabi, ngunit sa liblib at sa mga bundok na lamang sila nabubuhay. Ang pulo ng Tadore (Tidore) ay nasa ika-27 guhit patimog (degrees of latitude south), at ika-161 guhit pahaba (degrees of longitude) mula sa Pinaghatian (demarcation line). Mula sa Zzamal (Samar), ang unang pulo sa kapuluan (archipelago), 9½ guhit pahaba (degrees of |
longitude) ang layo ng Tadore palihis silangang hilaga at kanlurang timog (northeast-southwest tangent).
Ang pulo ng Tarenate (Ternate) ay nasa ika-2/3 guhit patimog (degrees of latitude north) at ang pulo ng Macchian (Makian) ay nasa ika-¼ guhit patimog habang ang pulo ng Mutir (Motir) ay nasa Equator mismo. Ang pulo ng Bacchian (Bacan) ay nasa ika-1 guhit patimog. Ang mga pulo ng Tarenate, Tadore, Mutir at Macchian ay 4 bundok na matatayog (high peaked). Mula sa mga pulong ito, malayo at hindi natatanaw ang pulo ng Bacchian subalit mas malaki ito kaysa sa 4 pulo. Hindi kasing tayog ang mga bundok sa Bacchian subalit mas malalaki naman. Sa mga bundok na ito tumutubo ang kiandi (clovas, cloves). |
Principe Ng Tarenate. NUONG Lunes, Noviembre 11, 1521, dumating ang isa sa mga anak ng hari ng Tarenate, si Checchily de Roix. Naghintay sa tabi ng aming barko habang tumatambol ang mga tauhan ng mga tansong aghong (bronze gongs). Nakasuot ng pulang pelus (red velvet), kasama niya ang asawa at mga anak, mga utusan, at lahat ng ari-arian ni Francisco Serrao, sakay sa 2 parao. Nagpakilala siya sa amin subalit hindi namin inanyayahan agad na pumanhik sa aming barko dahil nasa daungan kami ng Tadore at humingi pa kami ng pahintulot sa hari duon (si Sultan |
![]() May kasama siyang isang binyagang indio (Christian Indian), si Manuel. Bago umalis (si Checchily), umakyat ang indio sa aming barko. Marunong siyang magsalita ng Portuguese dahil alila siya ni Pedro Afonso de Lorosa, isang Portuguese na lumipat sa Tarenate mula sa pulo ng Bandan pagkamatay ni Francisco Serrao. Sinabi ni Manuel, kahit na kaaway ng hari ng Tadore ang mga anak-hari ng Tarenate, kapwa silang kakampi at nagsisilbi sa hari ng España. Nang marining namin ito, binigyan namin ng sulat si Manuel pahatid kay Afonso, inanyayahan naming huwag matakot dumalaw sa amin. |
|
Bilihan Ng Kiandi. KINABUKASAN, Noviembre 12, 1521, nagpatayo ng bahay (kubo) ang hari (Sultan Manzor) na natapos sa luob ng isang araw lamang, at ipinagamit sa amin upang maging imbakan (bodega) ng aming mga ari-ariang pangkalakal. Pagkalagay namin duon ng aming mga gamit, pumili kami ng 3 tauhan bilang tanod at nagsimula kaming makipagkalakal sa kabayanan. Halos lahat ng binili namin ay kiandi (clovas, cloves) at ang bilihan duon ay bahar-bahar, ang isang bahar (lumang sukat sa kapuluan) ay may 4 quintal (lumang sukat ng Español, katumbas ng isang tiklis) at 6 libra (pounds), at ang isang quintal (tiklis) ay 100 libra (100 pounds). ( Iba-iba ang timbang sa pulo-pulo, subalit ang isang bahar na isinulat ni Pigafetta ay higit-kulang sa 450 libras o 204 kilo, laman ng 4 tiklis.) At ganito kami nagkalakal: Bawat isang bahar (4 tiklis) ng kiandi ay binili namin katumbas sa
|
Ang 2 kadenang tanso (brass chains) na may halaga lamang ng higit sa isang lira (salaping |
pilak sa Italya) ay kapalit ng 100 libras (100 pounds, 45 kilo) ng kiandi. Ang hari (Sultan Mazor) ang bumili sa karamihan ng kalakal namin. Basag-basag na ang mga salamin (mirrors) namin, subalit binili pa rin ng hari ang lahat ng maliliit na maaari pang gamitin.
Marami sa mga ipinagbili namin ay ang mga dinakma namin sa mga dyong na nakatagpo namin papunta rito. Nagmamadali kaming maubos lahat at nang makabalik na kami sa España, kaya nakipagpalitan kami kahit na maunti o lugi ang katumbas na kiandi. Araw-araw, dumating sa barko namin ang mga bangka-bangka ng manok, kambing, baboy, niyog at buko, at marami pang ibang pagkain. Nakakagulat sa dami. Nag-imbak din kami ng mainam na tubig inumin galing sa sapa (spring) na 2 oras ang layo mula sa dalampasigan (playa, seashore). Bagama’t mainit ang tubig kapag sinalok, malamig na ito agad pagdating sa barko, salungat sa ibinalita sa amin sa España na ang tubig sa Moluccas ay galing pa sa ibang bayan. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |