Mga Bihag At Mga Baboy. KINABUKASAN, Miercoles, Noviembre 13, 1521, pinapunta sa amin ng hari ng Tadore ang kanyang anak, si Massohap a Mutir, upang tulungan kaming mag-imbak ng kiandi (clovas, cloves). Nuong araw din iyon, sinabi namin sa hari na may bihag kaming mga indio. Nagpasalamat siya sa Dios, at hiniling na ibigay namin sa kanya ang mga ito. Palilibutin daw niya sa buong pulo, may bantay na 5 tauhan niya, upang ihayag ang bantog ng hari ng España. Ibinigay namin ang 3 babaing |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
bihag, sa ngalan ng regina, para sa kanyang pakay.
Kinabukasan, ibinigay namin sa kanya ang lahat ng nalabing bihag namin, maliban sa mga taga-Burne (Brunei sa Borneo), at lubusang nagalak ang hari. Tapos, nagmaka-awa siya sa |
amin na katayin naming lahat, sa isang tago at lihim na silid, ang lahat ng baboy namin sa barko at kailangang takpan namin para walang makakita o maka-amoy na tao. Papalitan daw niyang lahat ng manok at mga kambing. Ginawa namin upang masiyahan siya. ( Bawal sa mga Muslim ang kumain ng baboy.) | |
Portuguese. NUONG gabing iyon, dumating sakay sa isang parao ang Portuguese sa Tarenate (Ternate) na sinulatan namin, si Pedro Afonso (de Lorosa, Pedro Alfonso dela Rosa sa Español, kasama ni Francisco Serrao tumakas at nagsilbi sa sultan ng Ternate). Bago siya nakadaong, ipinatawag siya ni Sultan Manzor at pinagsabihan, habang tumatawa, na kahit taga-Tarenate siya, dapat niyang sagutin nang tapat lahat ng tanong namin. Hinayag ni Afonso sa amin na 16 taon siyang namalagi sa India, bago tumira sa Moluccas sa 10 taon sumunod. Ganuong katagal na raw mula nang una nilang (mga Portuguese) natuklas nang lihim ang Moluccas (nuong 1512). Mayruon daw isang barko na dumating mula sa Malacca nuong nakaraang taon, at umalis dala ang mga kiandi (clovas, cloves) subalit, dahil sa masamang panahon, napilitang humimpil sa pulo ng Bandan nang ilang buwan. Ang capitan daw ay si Tristao de Meneses, isang Portuguese din, at tinanong siya ni Afonso kung ano ang balita sa mondo (Christendom). |
![]() Tapos, nalaman daw ng hari ng Portugal na sa ibang dagat dumaan ang capitan na iyon (si Magellan) at patungo na siya sa Maluku. |
Agad sumulat ang hari sa kanyang Pangalawa (virrey, viceroy) sa India, si Diogo Lopes de Sequeira, upang magpadala ng 6 barko sa Maluku. Subalit hindi ito agad nagpadala dahil may balita na lulusob (sa India) ang isang malakas na sandatahan (army) ng mga Turko (Grand Turk). Sa halip, napilitan si Sequeira na magpadala ng 60 barko sa lusutan ng Mecca (Mecca Strait), sa lupa ng Judah (Jiddah, ang daungan ng Mecca). Wala silang dinatnan duon kundi ilang galeria (galley, maliit na galleon na may mga sagwan) na nakadaong sa maganda at matibay na lungsod ng Aden. Sinunog nilang lahat ito. Pagkatapos, nagpadala si Sequeira sa Maluku ng isang galleon (pinaka-malaking barko nuon), kasama ang 2 barkong pandigma na may 2 hanay ng cañon sa bawat gilid, pinamunuan ng isang Portuguese, si Francisco Faria (si Pedro de Faria, inatasan ni Sequeira na magtatag ng fuerza (fort) sa Maluku), subalit napipilan sila ng mga batuhan, salungat na hangin at lakas ng daloy ng dagat sa tabi ng Malacca, at napilitang bumalik (sa India) ang mga barko. |
Tinutugis Kami. NAGPATULOY ng hayag sa amin si Afonso. Ilang araw lamang sa nakaraan, 7 Portuguese daw ang dumating, sakay sa isang caravel (barkong mas malaki kaysa galeria, at mas maliit kaysa galleon), may kasamang 2 dyong. Pakay daw na hanapin kami (sina Pigafetta) subalit sa halip, sa pulo ng Bacchian (Bacan) nagtungo upang mag-carga ng kiandi. Nilapastangan daw nila ang mga asawa at mga tao ng hari, kahit na nuong inutos ng hari na umalis na sila, kaya pinatay ang 7 Portuguese. Nang nabalitaan ito ng mga nasa caravel, bumalik agad sa Malacca, naiwan ang 2 dyong na may carga |
![]() Taon-taon, sabi ni Afonso, maraming dyong galing Malacca ang nagpupunta sa Bandan upang mag-carga ng mace at nutmeg. Marami rin daw na mga dyong mula Bandan ang |
nagpupunta sa Maluku taon-taon upang humakot ng kiandi.
Tatlong araw daw ang layag ng mga dyong mula Molucca hanggang Bandan, at 15 araw mula Bandan hanggang Malacca. Sabi ni Afonso, 10 taon nang nagpapasasa ang hari ng Portugal sa Maluku nang hindi nalalaman ng hari ng España. Inabot ng ika-3 ng umaga ang maraming pahayag ni Afonso. Bilang ganti, niyaya namin siyang sumapi sa amin. Nangako kaming mahusay ang magiging bahagi niya sa kikitain namin. Pangako naman niya na sasama siya sa amin pabalik sa España. ( Nuon, bihira ang nakakabalik sa Europe dahil siksik ng kiandi at iba pang kalakal lahat ng mga barko.) |
Ang Hari Ng Gilolo. SUMUNOD na Viernes, Noviembre 15, sinabi sa amin ni Sultan Manzor na kukunin niya sa Bacchian (Bacan) ang mga kiandi (clovas, cloves) na naiwan duon ng 7 pinatay na Portuguese, at humingi siya sa amin ng 2 handog para sa 2 governador ng Mutir (Motir), sa ngalan ng hari ng España. Nagdaan pa siya sa barko namin, ipakita daw namin kung paano pinapaputok ang mga hackbut (arquebus, baril na de-sabog), ang mga culverin (maliit na cañon) at mga pana (crossbows). Ginamit pa ng hari ang pana, nagpalipad ng 3 |
palaso (flechas, arrows), mas gusto niya kaysa sa mga paputok.
Kinabukasan, Sabado, dumalaw sa amin ang isang hari ng mga Moro sa Giailolo (Gilolo), sakay sa mga parao at kasama ng mga tauhan. Binigyan namin siya ng verdeng damask (telang may palamuti o bordang mga bulaklak), 2 cubit (1 metro) ng pulang tela, mga salamin, mga gunting, mga cuchillo, suklay at 2 vaso na may palamuting ginto (gilt glasses). Sinabi niya sa amin na dahil kaibigan kami ng hari ng Tadore, kaibigan din niya kami sapagkat mahal niya tulad sa isang anak ang hari ng Tadore, at magiging malaking karangalan niya kung dadalaw kami sa |
kanyang pulo.
Matanda na ang hari, at kinatatakutan sa buong kapuluan dahil sa kanyang kapangyarihan, at ang pangalan niya ay Raia Iussu. At ang kanyang pulo ng Giailolo ay napakalaki, 4 buwan ang kailangan upang maikot ito ng mabilis na parao. Kinabukasan ng umaga, Linggo, bumalik sa amin ang hari ng Giailolo at hiniling na ipakita namin kung paano kami nakikipag-digmaan. Pinaputok namin lahat ng mga cañon, at nagpakita kami ng labanan. Tuwang tuwa ang hari, tapos madali siyang umalis. Narinig namin na nuong bata pa itong hari, isa siyang magiting na mandirigma. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |