Clovas.

NUONG araw na iyon, Linggo, Noviembre 16, bumaba ako sa kabayanan upang makita kung paano tumutubo ang clovas. Ang puno nito ay matayog (tall) at kasing kapal ng katawan ng tao. Ang mga sanga (branches) ay kalat nang malayo mula sa gitna, at nagiging patulis sa tuktok. Cloves

Kahawig ang dahon ng laurel (laurel leaf) at ang talukap ng puno (tree bark) ay kayumanggi (marron, brown). Sa dulo ng mga sanga tumutubo ang clovas, 10 - 20 sa isang kumpol (bunch). Laging mas maraming clovas sa isang bahagi ng puno kaysa sa kabila, ayon sa bahagi ng taon. Puti pag-usbong (sprout), nagiging pula ang clovas kapag hinog at pag pinatuyo, nagiging itim. Inaani ito 2 ulit sa isang taon, minsan sa Pasko (Navidad,

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Christmas) at uli sa fiesta ni San Juan Bautista (feast of Saint John the Baptist) dahil maginhawa ang hangin sa 2 panahong iyon, lalo na kung Pasko.

Kasing tapang ng clovas ang mga dahon, talukap at pati na ang kahoy ng puno nito, at kung hindi inani ang clovas pagkahinog, lumalaki ito at tumitigas nang todo, walang nagagamit kundi ang bunot na lamang. Kapag tag-init at kaunti lamang ang ulan, nakaka-ani ng 300 - 400 bahar ng clovas sa bawat pulo ng Moluccas.

Sa bundok lamang tumutubo ito. Kapag itinanim sa ibaba ng bundok, kahit malapit sa bundok, namamatay ang puno. Sa buong daigdig (mondo, world), sa mga bundok ng 5 pulo ng

Moluccas lamang tumutubo ang mainam na clovas. May clovas na tumutubo sa malaking pulo ng Giailolo (Gilolo) at sa isa pang maliit na pulong tinawag na Mare, sa pagitan ng Tadore (Tidor) at Mutir (Motir) subalit hindi mainam ang clovas mula duon.

Nakita namin halos araw-araw, binabalot ng mga ulap ang mga bundok ng Molucca, kaya mainam ang mga clovas. Bawat tao duon ay may mga puno ng clovas na binabantayan nila kahit na hindi kailangang alagaan ang mga ito.

Ang clovas ay tinawag duon na ghomode. Sa Saranghani, kung saan namin dinukot ang 2 piloto, ang tawag sa clovas ay bonghalanan. At sa Malacca, ang tawag ay chianche.

Hanggang ngayon walang tawag sa clovas na likas sa Maluku, kung saan ito tumutubo. Ang ‘ghomode’ ay mula sa gaumedi (‘ubod,’ kernel), isang tawag sa clovas sa India. Tinawag din duon na ‘lavang’ (‘labong,’ sprout), tulad ng tawag ng mga Judio nuong panahon ng Biblia.

Ang ‘bonghalanan’ o ‘bonghalauan’ ay galing sa ‘bonalawan’ (‘bunga ng halaman,’ fruit of the plant), tawag ng mga Telinga, ang mga Malay sa Saranggani, sa Mindanao, na nagkalakal ng clovas sa India. Ang ‘kiandi’ ng mga Visaya, tulad ng ‘chianche’ o

cangkek’ ng mga taga-Malacca, ay batay sa ‘theng-hia’ (‘mabangong pako’) at ‘xiang ding’ (‘munting mabango), mga tawag ng Intsik na nagkalakal ng clovas nuon pang unang panahon, tulad ng mga taga-ancient Rome na nagbigay ng pangalang ‘clavus’ (‘pako,’ ‘nail’) dahil sa hugis nito. Dito nagmula ang ‘clou’ ng France, ‘clavos’ ng Español at ‘cloves’ ng English.

Tulad ng mga Pilipino, bihira gamitin sa pagkain ang ‘kiandi’ ng mga taga-Maluku. Sa pang-himagas at iba pang matamis lamang paminsan minsan, kaya walang

Kiandi pangalan hanggang ngayon. Ang palatak sa Maluku, at simula kailan lamang, ay ‘kretek,’ ang tawag sa cigarillo na hinaluan ng ‘kiandi,’ at tunog nito kapag sinindihan at hinitit.

Nutmeg, Damit, Sago.

MAY mga puno rin ng nutmeg sa Tadore (Tidor), at ang puno ay hawig sa puno at dahon ng walnut. At kapag inaani, ang bunga ng nutmeg ay kasing laki ng membrillo (quince apple), kakulay at kahawig ang balat. Ang unang balat ng bunga ng nutmeg ay kasing kapal ng balat ng hilaw na walnut, at sa luob nito ang maluwag at manipis na balat, na tinawag na mace, pulang-pula at bumabalot sa buto, na tinawag namang nutmeg (nuez moscada).

Ang mga bahay (sa Tidor) ay kahawig ng mga bahay sa ibang pulo-pulo, subalit hindi kasing taas mula sa lupa, at pinapaligiran nila ng mga puno ng kawayan. Pangit ang mga babae, at nakahubad

din gaya sa ibang pulo, maliban sa tapis na telang ginawa mula sa talukap ng punong-kahoy (tree bark). Ganito ginawa ang mga tela: Kinuha nila ang isang piraso ng talukap (bark) at binabad sa tubig hanggang lumambot, tapos pinapalo nila ng kahoy upang umunat nang kasing lapad at haba na kailangan nila, at tela na. Hawig sa hilaw na sutla (seda, silk), may mga sinulid pa kaya parang hinabi (woven) ang anyo (hechura).

Ang mga lalaki ay hubad-hubad din, at selosong-seloso sa mga asawa nila. Sinabi sa amin na ayaw nilang pumupunta kami sa kanilang kabayanan nang walang takip (ng camisa) ang mga pundillo (drawers uncovered) dahil akala daw ng mga babae nila na laging handa ang pagkalalaki namin.

Sago Ginagawang pagkain ang isang uri ng palmito (palm tree) ganito: Binubunot ang mga itim na tinik at nililinis ang piraso ng palmito, tapos pinapalo nila hanggang madurog at maging pagkain (bread) na ginagamit lamang kung naglalayag sila sa dagat. Ang tawag nila dito ay saghu (sago).

Pagbalik Ng Hari.

MARAMING bangka ang dating nang dating, nagdadala ng clovas subalit hinihintay pa namin ang hari (ng Tidor) kaya hindi kami nagkalakal kundi pagkain lamang. Nagalit ang mga tao mula sa Tarenate (Ternate), akala ayaw naming makipag-kalakal sa kanila.

Sa wakas, nuong Linggo ng gabi, Noviembre 24, 1521 dumating ang hari, tumatambol ang mga kasama sa mga gong (brass drums) nang dumaan sa tabi namin. Nagpaputok kami ng maraming cañon bilang pagpugay, at nang pumanhik siya sa barko, sinabi niyang darating ang maraming kiandi sa susunod na 4 araw.

Nuong Lunes, nagsimulang ipadala ng hari sa amin ang 790 cathil (632 kilo) ng kiandi, hindi kami siningil ng buwis na tinawag na tara. Ang tara ay sinusukat nang kulang ang timbang ng mga spice dahil araw-araw, natutuyo ang mga ito at lumiliit (at gumagaang). At dahil ito ang unang kiandi na ipinasok sa mga barko, nagpaputok

kami ng maraming cañon.

Nuong Martes, Noviembre 26, 1521, sinabi sa amin ng hari na hindi gawi ng mga hari duon na umalis sa kanilang pulo, subalit iniwan niya upang kunin ang mga kiandi para sa amin, dahil lamang sa pagmamahal niya sa hari ng España. Hiniling niya na umuwi kami agad sa España at bumalik kasama ang maraming barko (at cañon) upang ipaghiganti ang kanyang Puno ng clovas ama na pinatay sa pulo ng Buru at itinapon sa dagat.

Gawi daw duon na sa unang pag-akyat ng kiandi sa barko o dyong, nagdiriwang ang mga tao at nagpapakain ang hari sa isang piging para sa mga taga-barko o dyong, bilang panawagan sa kanyang dios (Allah)

na makarating nang ligtas ang barko o dyong sa paroruonan. Kaya nais daw niyang maghanda para sa amin. At dahil dadalaw sa kanya ang hari ng pulo ng Bacchian (Bacan) at isang kapatid na lalaki nito. Ipinalinis na raw niya ang mga lansangan (streets).

Naghinala ang ilang kasama namin na isang pakana (treachery) ito dahil duon sa kinunan namin ng tubig, pinatay ang 3 Portuguese na alila ni Francisco Serrao ng mga tao na nagkubli sa gubat, at dahil din sa nakita naming kinausap nang pabulong ng mga indio ang aming mga bihag (captives). Alinlangan ang ibang kasama namin at sinaway ang mga nais dumalo sa handaan ng hari. Huwag daw kaming bumaba ng barko. Ipinaalaala nila ang isa pang handaan na ginanap (sa Cebu) at naging kasawian (misfortune) namin.

Pinag-usapang maigi at pinasiya naming ipasabi sa hari na dumalaw na siya sa aming barko kung maaari dahil aalis na kami at nais naming ibigay na ang 4 bihag (captives) na ipinangako namin.

Sumumpa Sa Koran.

DUMATING agad ang hari at sinabi sa kanyang mga tauhan na pumapasok siya sa aming barko nang kasing ligtas ng pagpasok niya sa kanyang sariling bahay. Sinabi niya sa amin naman na gulat siyang aalis kami agad-agad, na inaabot ng 30 araw ang pagka-carga ng kiandi sa barko.

Hindi raw siya umalis upang linlangin kami kundi upang madaliin ang paghakot ng kiandi para sa amin. Hinikayat niya kaming maghintay at marami pang balakid sa aming paglayag. Hindi pa raw panahon upang maglakbay sa pali-paligid ng mga pulo duon, lalo na at maraming batuhan (rocks and reefs) sa paligid ng Bandan.

Baka raw masalubong pa namin ang mga barko ng mga Portuguese.

Kung magpumilit kaming umalis, sabi niya, maigi pang bawiin namin lahat ng ibinigay namin sa kanya nang hindi raw masabi ng kanyang mga katabing hari na tumanggap siya ng maraming handog mula sa mayamang hari ng España ngunit wala siyang isinukli kahit na ano. Ayon sa hari, sasabihin ng mga ibang hari na kaya kami umalis agad ay dahil sa takot na malinlang at pagtaksilan, at masisira raw ang pangalan niya at siya ay ituturing na taksil (traitor).

Tapos, ipinakuha ng hari ang kanyang choranno (koran, biblia ng mga Muslim). Hinalikan niya ito at idinampi (touched) sa kanyang ulo nang 4 - 5 ulit habang nagdarasal, tinawag na zzambachean (subhan, sambahan). Tapos, sa harap ng lahat ng tao, isinumpa niya sa ngalan ni Ala (Allah, dios ng Muslim) at sa hawak niyang choranno na magiging tapat siyang kaibigan ng hari ng España

habang panahon (forever). May luha siya sa mga mata habang sumusumpa.

Dahil sa lahat ng sinabi niya, pangako namin sa kanya na maghihintay kami ng 15 araw pa. Tapos, inihandog namin sa kanya ang tatak (firma) at isang watawat (royal banner) ng hari ng España.

Pagkaraan ng ilang araw, nabalitaan namin na sinabi ng mga pinuno niya na dapat na ipinapatay niya kami upang magalak ang mga Portuguese at patawarin ang mga taga-Bacchian (Batjan) na pumatay sa 7 Portuguese. Isinagot daw ni Sultan Manzor na hindi niya maaaring gawin ito sa anumang dahilan sapagkat kinikilala niya ang hari ng España, nakipag-payapa siya sa amin at sumumpa pa siya sa sinasamba niyang dios.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata