Raia Sultan Manzor.

UTOS ng hari nuong Miercoles, Noviembre 27, 1521, sa lahat ng may kiandi na dalhin ito sa aming mga barko, at buong maghapon, at kinabukasan din, nakipag-kalakal kami ng kiandi sa lahat ng dumating.

Nuong gabi ng sumunod na Viernes, dumating ang governador ng Macchian (Makian), maraming kasamang sakay sa mga parao. Subalit ayaw niyang bumaba sa lupa sapagkat nanduon (sa Tidor) ang kanyang ama, at isa sa mga kapatid niyang lalaki, kapwa niya ipinatapon (deported) mula sa Makian at nakatira nuon duon (sa Tidor).

Kinabukasan, ang hari, ang governador at kanyang pamangking lalaki ay dumalaw sa aming barko. Wala na kaming tela kaya nagpakuha ang hari at ibinigay sa amin ang 3 cubit (1½ metro) ng tela. Ito at iba pang gamit ang hinandog namin sa governador. Bilang pagpugay pag-alis nila, nagpaputok kami ng maraming cañon .

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Pagkatapos, nagpadala ang hari ng 6 cubit (3 metro) ng pulang tela para sa governador, at agad naming ipinadala. Natuwa, ipinangako ng governador na padadalhan kami ng maraming kiandi. Humar ang pangalan ng governador, at siya ay 25 taon gulang.

Pagkaraan ng 3 araw, nuong Linggo, unang araw ng Deciembre, umuwi na ang governador matapos sabihin sa amin na hinandugan siya ni Sultan Manzor ng mga telang sutla (seda, silk) at mga gong upang maging maagap ang pagpa-padala niya ng mga kiandi sa amin.

Nuong sumunod na umaga ng Miercoles, pinaputok namin ang lahat ng mga cañon dahil fiesta nuon ni Sancta Barbara (St. Barbara’s day, patnubay (patron) ng mga taga-cañon) at

Buhay Tidor

dahil dumalaw sa amin ang hari. Pag-alis ng hari nuong gabi, nanuod siya sa dalampasigan dahil nais niyang makita ang paputok namin ng mga palaso at bombang kuwitis (rockets), at tuwang-tuwa siya.

BUMILI kami ng maraming kiandi sa mga bangka na lumapit sa 2 barko at sa kabayanan nuong Jueves at Viernes. Pagtagal, naubusan na kami ng mga ari-ariang pangkalakal, kaya nagbigay lahat kami ng tig-isang cap, camiseta (shirt), balabal (cloak) at iba pang damit, upang lumago ang aming bahagi sa kalakal (quintaladas, shares).

Nuong Sabado, dumating sa aming mga barko ang 3 anak at 3 asawa ng hari ng Tarenate

(Ternate), kasama ang mga anak na babae ng hari (ng Tidor), at si Pedro Afonso, ang Portuguese. Binigyan namin ang bawat isa ng 2 inuman na may palamuting ginto (vasos dorado, gilt glasses), at para sa mga babae, mga gunting (scissors) at iba pang mga bagay. Nagpaputok kami ng mga cañon bilang pagpugay sa pag-alis nila.

Nagpadala kami ng iba’t ibang handog sa kabayanan para sa anak na babae ng hari

(Sultan Manzor) na asawa ng hari ng Tarenate dahil hindi siya nakasama sa mga nagpunta sa aming barko.

Lahat ng mga tao, babae at lalaki, ay laging nakayapak (unshod).

Kinabukasan, Linggo, Deciembre 8, 1521, nagpaputok kami ng mga cañon, palaso at bombang kuwitis (rockets) dahil fiesta ng pagkabuntis ng mahal na Virjen (day of Our Lady’s Conception).

DUMALAW ang hari kinabukasan ng gabi, Lunes, kasama ng 3 babae na nagbitbit ng maraming bunga, tinawag na betel (nga-nga). Ang mga hari lamang ang maaaring magsama ng babae duon. Dumating din ang hari ng Giailolo (Gilolo), na nais manuod uli habang kami ay nagpapalabas ng labanan.

Pagkaraan ng ilang araw, sinabi sa amin ng hari (Sultan Manzor) na tulad siya ng isang musmos (like a child) na sumuso at kilala ang kanyang ina na aalis at iiwanan siyang nag-iisa. Lalo daw siyang nalulungkot dahil nakaibigan na niya kami at natikman na niya ang mga bagay ng España.

Matagal daw bago kami makabalik kaya hiling niya na mag-iwan kami ng mga hackbut (arquebus, baril na de-sabog) at culverin (maliit na cañon) upang pangtanggol niya.

Kretek Ipinayo niya na pag-alis namin, kung araw (daytime) lamang kami maglayag sapagkat maraming batuhan (corals) sa mga pulo duon, subalit sinabi naming kailangan maglayag kami araw at gabi upang makabalik sa España. Ipagdarasal daw niya araw-araw sa kanyang dios (Allah) na iligtas kami sa panganib.

Sinabi niya na darating ang hari ng Bacchian (Bacan) dahil ikakasal ang isang kapatid niyang lalaki sa isa sa mga babaing anak niya (Sultan Manzor). Hiniling niya na magpakita kami ng kasayahan habang nagdiriwang subalit huwag daw naming paputukin ang mga cañon dahil baka masira ang aming mga barko na punong

puno na ng mga kiandi (clovas).

Nuong mga araw na iyon dumating si Pedro Afonso, ang Portuguese, kasama ang kanyang asawa at dala lahat ng ari-arian, at sumakay sa aming barko.

Pagkaraan ng 2 araw, dumating naman si Checchili de Roix, ang anak ng hari ng Tarenate (Ternate), sakay sa magandang parao. Tinawag niya si Afonso at bumaba raw sandali sa kanyang parao. Sumagot si Afonso na hindi siya bababa sapagkat sasama siya sa amin papuntang España.

Aakyat sana sa barko si Checchili subalit pinigil namin, sapagkat matalik niyang kaibigan ang Portuguese na capitan sa Malacca at nais niyang hulihin at bihagin si Afonso. Nagsisigaw siya, pinagalitan ang mga tauhan niya dahil pinabayaang umalis si Afonso nang wala siyang pahintulot.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata