Mga Hiwaga, At Luya.

BARIL ang handog namin nuong Martes sa aming hari (our king, si Sultan Manzor), mga sandata gaya ng arquebuses (baril na de-sabog) at 4 barilis (barrels) ng pulvura (gunpowder). Nag-carga kami sa bawat barko ng tubig sa 80 butts (casks, mga barilis na naglalaman ng 500 litro ang bawat isa).

Nuong nakaraang 5 araw, pinapunta ng hari ang 100 tao niya upang pumutol ng mga kahoy sa pulo ng Mare para sa amin, na dadaanan namin paalis. At ngayon, dumalaw ang hari ng pulo ng Bacchian (Bacan), kasama ang marami sa kanyang mga tao, upang makipagpayapa sa amin. Nauna sa kanya naglakad ang 4 lalaking may hawak na mga sibat o kampilan (straight swords).

Sa harap ng aming hari at lahat ng tao, hinayag niya na habang panahon (siempre, forever) siyang magsisilbi sa hari ng España, at itatago niya at ipagtatanggol ang mga kiandi (clovas, cloves) na naiwan ng mga Portuguese hanggang sa pagbalik ng mga barko ng Español. Hindi niya raw ibibigay kahit kanino nang walang pahintulot mula sa amin.

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Bird of Paradise Bilang handog niya sa hari ng España, ibinigay ng hari ng Batjan ang isang alipin (slave) at 10 bahar (2,040 kilo) ng kiandi. Punung-puno ang mga barko namin kaya 2 bahar (408 kilo) na lamang ang nai-carga namin.

Naghandog din siya ng 2 patay na ibon, na kasing laki ng kalapati (rock doves), maliit ang ulo at mahaba ang tuka (beak), isang dangkal ang haba ng mga paa at kasing payat ng yantok (caña, rattan). Sa halip ng pakpak, may mga mahabang balahibo na kasing haba ng pluma (plumes) at

iba-iba ang kulay. Kayumanggi ang ibang bahagi ng ibon, at ang buntot ay kasing haba rin sa kalapati. Hindi raw lumilipad itong ibon kung hindi malakas ang hangin. Galing daw sa paraiso (paradise) sa lupa ang ibon, at tinawag na bolon diuata (‘burong dewata’ o ‘ibon ng langit,’ tinatawag ngayong bird of paradise).

( Karaniwang kalakal nuon ang balat at balahibo ng mga ibon. Tinawag na diwata ang ibon dahil paniwala nuon na hindi napapatay sa digmaan ang may suot ng balahibo nito. Nag-uwi ng 5 ibon ang mga Español. Pagkarating sa Europe, hiningi ni Pigafetta ang isa mula kay Sebastian del Cano at hinandog sa arsobispo ng Salzburg, bahagi ng Austria ngayon.)

Lahat ng mga hari sa Maluku ay sumulat sa hari ng España na hangad nilang maging tunay na tagapag-silbi niya habang-panahon. Ang hari ng Bacchian (Bacan) ay 60 - 70 taon ang tanda, at gawi niya kapag may labanan o mahalagang gawain, na ipasubok muna nang ilang ulit sa mga tauhan o utusan na walang tungkulin kundi ito.

MINSAN, ipinasabi ng aming hari (si Sultan Manzor) sa mga kasama naming nagbabantay sa bahay ng kalakal na huwag silang lalabas sa gabi dahil may mga tao duon na naglipana sa gabi, walang ulo at may ‘galing.’ Kapag nakatagpo daw ng ibang tao, hinihipo sa kamay at kinukulam. Nagkakasakit agad ang tao at namamatay sa loob ng 3 - 4 araw.

Kapag isang pangkat ng 4 - 5 tao ang nakatagpo, hindi pinagkakasakit ngunit ginagamitan ng hiwaga (magic) at kulam (sorcery) at ang mga tao ay nawawalan ng malay. Marami na raw ipinabitay ng hari na mga ganitong tao

(mangkukulam).

Kapag nagtayo ng bagong bahay ang mga tao sa pulo, bago sila pumasok, nagsisiga (bonfire) muna sila sa paligid at nagkakainan sa labas. Tapos, itinatali nila sa gilid ng bubong (tejado, roof) ng bagong bahay ang maliliit na uri ng lahat ng natatagpuan sa pulo, upang hindi magkulang sa kahit na ano ang mga titira sa bahay.

Tumutubo ang luya (ginger) sa lahat ng panig ng pulo. Kinain namin ng hilaw (verde, green) parang tinapay. Ang luya ay hindi punong-kahoy kundi maliit na halaman na tumutubo sa ibabaw ng

Luya lupa na parang mga usbong o mga tubo (pipes) na isang dangkal ang haba, kahawig ng mga buho (reeds), pati na ang mga dahon, mas maigsi lamang at mas makitid.

Walang pakinabang sa mga usbong (brotes, sprouts) nito, ngunit ang ugat (raiz, root) ay luya, na hindi masyadong matapang kung hilaw pa (green) kaysa kapag natuyo na. At pinatutuyo ng mga tao sa loob ng malalaking banga (jars) na dapat may kasamang apog (lime) at kung wala, nabubulok.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata