Bandan. BANDANG 35 leguas (224 kilometro) sa kanlurang timog (southwest) ng pulo ng
( Naruon pa ngayon ang Ai at Rosengain subalit hindi ang Surubawa na sinulat ni Pigafetta. Tinatawag ngayong Banda ang pinaka-malaking pulo duon. Baka mali ang sagot ng gabay (pilot, guide) o maaaring |
![]() ![]() Ang Unang Español ni Antonio Pigafetta |
|
![]() Ang 6 ibang pulo ay walang nuez moscada o macis, - ang Unuueru, Pulaubaracan (pulo ng Baracan), Lailaca, Manucan, Man at Meut. Sa halip, mayruon duong sago, bigas, niyog at buko, saging at iba pang bungang kahoy (frutas, fruits). Magka-kalapit ang mga pulo-pulo. Ang mga tao duon ay mga Moro at wala silang hari. Ang Banda ay nasa ika-6 guhit patimog at nasa ika-163½ guhit pahaba mula sa Pinaghatian (demarcation line). Dahil malayo ito at hiwalay sa landas namin, hindi kami nagpunta duon. |
||
UMALIS kami sa pulo ng Buru at naglayag patungong kanlurang timog (southwest) nang mahigit 8 guhit pahaba (degrees longitude; katunayan, 4 guhit lamang pahaba) at nadatnan namin ang 3 magkakalapit na pulo, ang Zzolot (Solor), Nocemanor (Nobokamor Rusa) at Galiau (Lomblen). Hinagibis kami ng isang malakas na bagyo (tempestad, storm) habang binabaybay namin ang mga pulo, at nagpanata kami sa mahal na Virjen ng Patnubay (Our Lady of Guidance). Mula sa likuran ang hampas ng hangin at nakapag-kubli kami sa isang matayog na pulo, subalit nahirapan kami at nasadlak sa malaking panganib hindi lamang sa napaka-lakas na hangin kundi pati sa malakas na agos ng tubig na bumabagsak mula sa bundok ng pulo. Ang mga lalaki sa pulong ito ay marahas at asal hayop. Kumakain sila ng tao at wala silang hari. |
Hubad-hubad sila maliban sa kapirasong talukap ng punong kahoy, gaya ng ibang mga tao.
Kapag nakikipag-digmaan sila, nagsusuot sila ng matigas na balat ng kalabaw (buffalo, carabao) sa harap, likod at tagiliran, may mga palamuti pang maliliit na kabibi (seashells) at ipin ng baboy. May mga buntot ng kambing na nakatali sa harap at sa likod. Sinusuklay nila nang mataas ang kanilang buhok, may mga sipit na kawayan na nakatuhog sa tuktok kaya hindi bumabagsak. Binabalot nila sa dahon ang mga balbas (barba, beard) nila at isinasaksak sa luob ng kapirasong kawayan. Nakaka-tawa ang itsura (hechura, appearance, at sila ang pinaka-pangit sa lahat ng mga tao duon. Ang kanilang pana at palaso ay gawa sa kawayan, at dala nila ang kanilang pagkain at inumin sa mga bayong (sacks) na habi sa mga dahon ng punong-kahoy (tree leaves). Nang unang nakita kami ng mga babae nila, hinarap |
kami ng kanilang mga pana subalit nang bigyan namin ng mga handog, naging kaibigan sila agad-agad. At tumigil kami duon nang 15 araw upang mag-imbak (carga, load) ng pagkain at tubig.
Maraming manok, kambing, pagkit (wax), niyog at buko sa pulo. Mayruon duong tumutubo na mahabang pimiento (pepper, malamang sili), tinawag na luli. Ang puno ay hawig sa ivy na gumagapang at pumu-pulupot sa mga punong kahoy, subalit ang dahon ay kagaya ng mulberry. Kahawig ang tubo ng bilog na pimiento na hugis mais, hinihimay at tinawag na lada. Naglipana ang mga ito sa mga bukid duon, nakatanim na parang inaalagaan. Nagpasama kami sa isang lalaki sa iba’t ibang pulo duon na may nakukunan ng pagkain. Ang pulo ay nasa ika-8½ guhit patimog at sa ika-169 guhit pahaba mula sa Pinaghatian at ang pangalan nito ay Mallua (Alor ang tawag ngayon, bahagi ng Indonesia). |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |